Back to work.
After ng maliit na misunderstanding namin ay hindi na ulit namin pinag-usapan ang tungkol sa condominium ko. Anyway, I do have all the right naman na gawin ang anumang nais ko sa mga personal assets ko. I decided na ibenta na lang para mawala na ang pag-iinteres ng asawa ni Tatay na baka maawa ako ay ibigay sa kanila. I'm not yet out of my mind pa naman. Isa pa, first investment ko iyon sa sweldo ko. And that's very important to me. Alden introduced me to an agent na mamamahala sa pagbebenta ng property ko. We decided na bumili ako ng kotse from the proceeds of the condo sale.
"Babe, I'm going to enrol you sa isang driving school. Nakausap ko na rin sila na Saturday ka lang pwede. Sila na rin ang bahala sa student license mo. Hatid sundo muna kita for the mean time dahil EB pa naman ako. Next month pa ang Last Man Standing."
"Okay. Sana lang matuto ako."
"You will. I kow fast learner ka. Ano nga pala ang model ng kotse na gusto mo? Sabi ko sayo ako na ang bibili and keep your money na lang sa bank."
"No! As much as I want that, gusto ko naman na makita yun investment ko. Isa pa, I think I need to learn to drive na rin para naman hindi na ako magpamaneho pa sayo. Maaga ang pasok ko and I know kailangan mo pang magpahinga at matulog ng maaga lalo na kapag nagstart na yun bago mong show. "
"Gusto ko naman ang ginagawa ko,Babe. Don't worry too much. Nakakapahinga naman ako. Ano nga muna ang model na gusto mo?"
"Mitsubishi Montero Sport."
"Babe, malaki iyon. Ayaw mo ba ng sedan na lang. Honda Civic kaya?"
"Gusto ko yun dating nun! Pang-VP!"
"Mahirapan ka doon. Sedan na lang. Honda Civic o kaya Toyota Corolla."
"Okay. Bahala ka na. Ayoko ng magtalo pa tayo. Ako rin naman magbayad. By the way, mamaya dumiretso ka na sa bahay kase baka mag-overtime ako dahil ngayon pa lang ako babalik ulit and baka madami ng nakatambak na trabaho sa mesa ko."
"No! I'll fetch you and wait for you kase gusto kong magdinner tayo mamaya pagsundo ko sayo."
"Okay. Ikaw ang bahala. O paano, ibaba mo na lang ako sa front building. See you later, babe! Love you."
"Love you, too!" Ibinaba na niya ako sa harap ng building namin. Gusto pa nga akong samahan sa taas dahil ang bigat daw ng dala-dalahin ko pero sabi ko kaya ko naman. Nakakalimang steps pa lang ako ay narinig kong tumawag ulit siya.
"Why? May nalimutan ba ako?"
"Meron!" Bumaba na siya ng kotse niya.
"Akina. Para makaalis ka na."
"Kiss ko sa lips."
Napangiti ako. Lumapit ako sa kanya at nagtiptoe para halikan si Alden. Matangkad kase ang asawa ko. Nakita ko na lang na kinilig ang mga nakakakita sa amin. Ang sweet talaga ng asawa ko. Pati ako kinikilig.
"Sige na. Baka mainis yun kotse sa likod mo. Naghihintay na."
"Love you!"
"Love you, too! Ingat, babe!"
"You, too!"
Pagkatapos noon ay umalis na ako at siya naman ay bumalik na sa kotse niya. Bumusina muna siya bago umalis.
Napangiti ako sa gesture ng asawa ko. Swerte ko ngang talaga. Ako na ang may hawak ng korona.
☆☆☆☆
Lingid sa kalaman ng mag-asawa ay may mga matang nakatingin sa kanila.
A/N Sino kaya siya? Alamin natin sa susunod na update.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...