I was almost finished reviewing the documents na kailangan kong pirmahan when Alden called.
Hello babe?" Bungad niya sa kabilang linya.
"Hi! What's up?"
"I'm here na sa lobby. Tapos ka na?"
"Yeah. Akyat ka muna sandali dito."
"No need. Take your time. Daan lang ako sa mall sandali, may bilhin."
"Okay. Pero ayos lang ba yun? Baka dumugin ka na naman ng tao? Naku sinasabi ko sayo, dito ka na lang."
"I'll be fine. Basta I'll text you kapag nakabalik na ako."
"Sama na lang kaya ako?"
"Huwag na. Makikita mo pa yun surprise ko."
"Ano ba kase yun?"
"Basta. See you later,Babe! Bye!"
Binabaan na ako ng phone bago pa ako makapagsalita. Napaka-rude diba? Pero anyway, para naman daw sa akin yun bibilhin niya. Ano kaya yun? Naku, bahala siya. Tapusin ko na nga itong trabaho ko para naman hindi na siya maghintay pagbalik niya.
☆☆☆
It was already 8pm pero wala pa rin text si Alden. I tried calling him pero cannot be reached ang cellphone niya. I began to feel restless. Ano kayang nangyari doon. I tried calling Mang Joey pero he too is not answering. Kinakabahan na ako. Almost two hours na akong naghihintay. Bumaba na nga ako sa lobby ng office para doon na siya hintayin.
After another thirty minutes of calling and texting him, I decided to go home na. Malapit lang naman kaya naglakad na lang ako.
When I entered my condo, akala ko baka nandoon siya at may surprise nga sa akin pero wala. He has his own set of keys naman.
When I entered, tahimik ang unit ko. He is nowhere inside my unit. Lalo akong kinabahan.
I took a quick shower and got ready if in case bigla siyang tumawag. I tried calling him pa rin pero cannot be reached pa rin. Whatever happened to him, I don't know. And it's making me so scared.
☆☆☆
Di ko namalayan na I fell asleep sa kahihintay sa kanya. It was already 12am and wala pa ring tawag o text man lang. Naiiyak na ako. What happened kaya kay Alden? Where is he? Wala naman akong mapagtanungan kaya I opened the TV. Baka amy balita tungkol sa kanya. Wala naman. Binuksan ko rin ang Twitter ko baka may tags ako about him pero wala.
Naupo ako pagkatapos magpabalik-balik sa paglalakad.
Naiiyak na talaga ako. Ang hirap naman. Napakahelpless ko. Ni wala akong mapagtanungan. Si Mang Joey di rin sumasagot.
Half past 2 am, biglang nagdoorbell ang pintuan ko. Agad kong binuksan yun pinto thinking it was Alden pero I was wrong. Si Mang Joey.
"Maine, pasensiya na. Inutasan lang ako pumunta dito."
"Si Alden po nasaan?"
"May inaasikaso lang. Pasensiya na at di siya nakabalik kanina. Nawala kase yun phone niya habang dinudumog ng mga fans sa mall."
"Nasaan na po siya? Kamusta siya? Ayos lang po ba si Alden?"
"Okay lang siya. Nagpapahinga. Nagkagulo kase kanina noong pumasok siya sa mall. Pero okay naman siya. Wala naman masamang nangyari sa kanya."
"Mabuti naman po. Pwede po bang sumama ako sa inyo? Gusto ko siyang makita. Bakit di niya ako tinawagan kanina?"
"Ayos lang siya. Pahinga ka na. Tatawag siya bukas sayo. Pinasasabi lang niya na huwag ka ng mag-alala." Naiyak na ako. Bakit parang ayaw akong makita ni Alden? Hindi siya ang tipo ng tao na hindi sasabihin sa akin kung anong problema. Pero ayaw ko na rin makipagkulitan kay Mang Joey, alam kong pagod na rin siya dahil sa oras. Kaya pinauwi ko na rin siya.
"Mang Joey, salamat po. Sige po, magpahinga na kayo. Pasensiya na sa abala. Sana itinext na lang ako ni Alden pero nawala kanyo ang phone niya, sige po, pakisabi okay lang ako."
"Salamat Maine. Pahinga ka na rin. Tutuloy na ako."
Pagkaalis ni Mang Joey, naiyak na ako. Hindi ako okay. Alam kong may problema kami. Hindi ko lang malaman bakit di niya masabi sa akin. Bakit inutusan lang niya si Mang Joey na sabihing okay lang siya? Bakit hindi siya ang nagsabi mismo sa akin? Masama man ang loob ko pero naisip ko, kung ayaw na ni RJ sa akin, di siya mag-aksaya na papuntahin si Mang Joey sa akin. Alam kong inaalala pa rin niya ako. Baka siguro may nangyari lang talaga kaya hindi siya nakapunta. Itutulog ko na lamang ito muna. Baka bukas maging ayos na. Sana maayos na...
A/N At dahil masaya sa kasalan sa DTBY, dito naman magpapaka-asar muna ako. Basta. Twist ito para masaya. Pasensiya na. Huwag po kayo magalit. Babawi ako.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...