May mga bagay na nawala na pinagsisihan dahil hindi nabigyan ng pagkakataong maipaglaban.
May mga salitang nabitiwan, pero hindi na kailanman mababawi.
May mga pagkakataong nasayang dahil hindi man lang binigyan ng panibagong pag-asa.
May mga pangarap na natupad ngunit sinayang dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili.
Halos isang taon na rin kaming magkalayo ni Alden.
Malinaw pa rin sa alaala ko ng araw na nagpaalam siya na pupunta sa Amerika para mag-aral doon at kumuha ng Film Directing Course. Hinayaan ko siya. Nasasaktan pa kase ako ng mga panahong iyon.
Samantalang ako, nagbukas ng sarili kong online shop upang matustusan ang pagdadalang-tao ko. Hindi naman nagkulang si Alden sa sustento. Pero sinabi ko sa sarili ko na para sa bata lamang iyon. Para sa aking anak na si Gio.
Three months na ang baby ko. Kami pa rin ni Yaya Fe ang magkasama. Iniwan ko ang Condo ni Alden dahil ayokong maalala ang mga masasakit na nangyari doon. Kumuha ako ng mas maliit na apartment na kasya lamang kami nila Yaya. Siya ang nakakatulong ko sa pag-aalaga kay Gio. Kapag kailangan kong i-meet ang buyer ko, si Yaya ang nagbabantay sa baby ko. Pero halos ako din ang nag-aalaga kaya nga hindi ko naisip na bumalik sa trabaho kahit ilang beses akong tinatawagan ni Albert at Joan na bumalik na sa trabaho. At nag-offer pa ng mas mataas na sahod. Gusto ko na munang lumaki ng konti ang baby ko bago ako bumalik sa trabaho. Nauunawaan naman ni Albert iyon dahil nga alam niyang hiwalay na kami ni Alden.
Di na rin ako nakibalita kay Alden kase ayoko ng masaktan. Kung sakali man na makakita siya ng babaeng mamahalin niya kung nasaan man siya, ay ayos lang. Ganun talaga. Hinayaan kong lumayo e.
Sila Daddy at kapatid ni Alden naman atmy nanatiling malapit sa akin dahil na rin kay Gio. Iyon na lang siguro ang magagawa ko matapos kong hindi bigyan ng pagkakataon si Alden. Kahit yun pamilya na lamang niya ay makilala pa rin si Gio.
Si Tatay ay nakarekober. Nagpapalakas na siya ngayon. Nagkasundo na kami ni Mama Ramona at ng mga step sisters kong sila Julie Ann at Louise. Matatanda na kami para mag-away away pa.
Masasabi kong masaya na ako kahit papaano, pero siyempre, nalulungkot pa rin sa sinapit ng buhay may asawa ko.
Binabalak kong ipawalang-bisa ang kasal namin ng sa gayun ay mabigyan ko siya ng pagkakataong umibig at makapag-asawa ulit.
Alam ko kase na sa pinagdaanan namin, mahirap ng maibalik ang tiwala dahil nasira na ito.
Ang saklap dahil akala ko panghabang-buhay na ang pagmamahalan naming, pinapangarap ng maraming babae. Hinayaan kong mawala ang pangarap kong pagibig dahil sa bugso ng damdamin.
Pero naisip ko, siguro nga ay may dahilan ang Diyos kyng bakit nangyari iyon. Marahil di nga talaga kami laan para sa isa't-isa. Isa lamang siyang Pangarap na mahirap abutin. Isang langit na tinitingala ng mga tulad ko. Isang bituin na mahirap abutin. Ngunit naabot man, di naman nahawakan at naingatan.
O ha, drama diba? Bitter lang ang peg? Di naman. Naisip ko lang. Masaya ko kung makakatagpo siya ng tunay na pag-ibig. Kahit di na ako iyon. Basta ba huwag lamang niyang kalilimutan ang anak naming si Gio ay ayus na.
Talagang ganun.
There are things that's not right for us.
And there are things that are not meant to be for us.
So accept and move on.
☆☆☆
Naghahanda ako para sa araw ng binyag ni Gio sa simbahan ng tawagin ako ni Yaya Fe.
"Meng may nagpadala sayo ng sulat. Parika dito at kunin mo." Sabi ni Yaya sa akin.
"Kanino daw po galing?"
"Wala naman nakasulat kung kanino galing. Buksan mo na."
"Sige po."
Binuksan ko ang sulat. Isa itong simpleng card na may nakasulat na Kamusta ka na?
Sino pa ba ang mangangamusta sa akin ng ganun? Si Alden?
Bumalik na kaya siya?
Bakit nalaman niya kung saan ako makikita?
Posible kayang babalik na siya sa amin?
Tatanggapin ko na ba siyang muli?
Kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksiyon ko kung magkikita kaming muli?
Wala na ba talaga ang sakit?
Nalimot ko na ba?
A/N Epilogue pa po ang last... No proofread pa rin.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko'y Ikaw (Completed)
FanfictionAnother MaiChard FanFiction Maine is a simple girl who's only dream is to meet her Prince Charming. What if her Prince Charming happens to be the famous actor and singer, Alden Richards? Let's find out how they will find love in the most unexpecte...