One

48.9K 1.5K 81
                                    

Isang ngiti lamang ang isinukli ni Vera kay Leonardo nang sadyain siya nito sa pâtisserie niyang Le Plaisir. Busy siya sa pagpa-pipe ng cake nang tawagin siya ng assistant baker niya na si Eva at sinabing nasa labas nga raw si Leonardo.

Nakilala niya si Leonardo nang nasa France pa siya para sakanyang apprenticeship. Half Filipino at half French ang lalaki at hindi niya maikakaila na gwapo ito at kahit sinong babae ay maiinlove lalo na kapag narinig ng mga ito ang swabeng accent ni Leonardo.

Matagal na itong nanliligawa sakanya at matagal na rin niya itong tinanggihan. Paulit-ulit niya iyon ginawa pero ayaw talaga tumigil ng lalaki.

"Leo, please, stop it. Wala talagang patutunguhan ang panliligaw mo." mahinay na paliwanag niya sa lalaki.

Bumuntong-hininga si Leonardo at malungkot siyang nginitian. "I know. This is just a farewell gift, Vera. I'm going back to France and this time, I'm staying there for good."

Hindi siya nakasagot. Wala naman na kasi siyang sasabihin at hindi niya rin naman alam ang dapat sabihin kaya minabuti niya nalang na tumahimik.

"Take care and I hope you'll fine the one for you."

Leonardo kissed her cheek and went out of her shop. She was left there stunned. Hindi niya inaasahan iyon. Somehow she grew fondness towards Leo but she knows very well that it will not lead into a romantic one. Mabait at masarap kasama si Leo, pero hindi talaga niya ito gusto.

"Eva, pakiayos sa vase at ilagay mo sa counter." bilin niya at tsaka bumalik sa loob ng kitchen at ipagpatuloy ang naiwang trabaho.

Hindi niya namalayan na four hours straight na pala siya nasa loob ng kitchen kung hindi pa siya puntahan ni Mella roon.

"Tara na!" malakas na sigaw nito.

Natawa ang mga tauhan niya na busy sa paga-ice ng mga cupcakes na kukunin mamaya para sa isang debut.

"Sandali, maghuhugas lang ako." sabi niya at nagtanggal ng apron at isinabit iyon sa coat rack.

"Ted, ikaw muna bahala rito." bilin niya sa kinuha niyang manager ng shop niya.

Tumungo siya sa maliit niyang opisina at doon siya nagbihis at kinuha ang kanyang bag. Paglabas niya, naabutan niya si Mella na nakaupo sa front counter at lumalantak ng cupcake.

"Mella, bumaba ka diyan. Makikita ka ng mga customers." suway niya sa kaibigan.

Umirap sa kawalan si Mella at pinagpag muna ang mga kamay bago bumaba sa counter. "Pake naman nila!"

Napailing nalang siya. "Mag-gym tayo tapos lumalantak ka diyan ng cupcake."

Malakas na bumuga ng hininga si Mella. "Ikaw lang naman kasi gustong mag-gym eh. Sinasamahan lang kita."

Nginitian niya nalang si Mella at hinila na para pumunta sa Anytime Fitness na nasa BGC lang din, malapit sa shop niya.

Doon ay sinalubong sila ng trainer nila at pinasampa sa treadmill tsaka sila nagsimula ng workout nila.

"Ha! Ayoko na talaga!" reklamo ni Mella at pabagsak na humiga sa mat nito. Lupasay ito sa sahig at malakas na hinihingal. Nag-indian sit siya sa gilid nito at pinunasan niya ang tagaktak ng pawis ng kaibigan.

"Sinabi mo rin iyan last week." natatawa niyang sabi rito.

Mella sighed loudly and sat up. Ininom nito ang inabot niyang tubig dito tapos malakas ulit na bumuntong-hininga. "Alam mo, tigilan mo na ang pagji-gym. Payat ka naman na." sabi nito sakanya.

She smiled at her friend. "Alam mo naman na hindi dahil sa pagpapapayat kaya ako nagji-gym. You know what happened a year ago."

Mella sighed again and stood up. "Tara! Planking nalang at tapos na tayo!"

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon