Twenty-one

35.7K 1.1K 89
                                    

Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Calvin na makipagdate siya rito. Hindi rin naman nito hinintay pa ang sagot nito at basta nalang siyang hinawakan sa kamay at nag-ikot sila sa loob ng mall.

Siguro kung hindi talaga sila kilala ng tao ay mapagkakamalan talaga sila ni Calvin na magkasintahan sa ayos nila ngayon. He's holding her paper bag on one hand and the other one is holding her hand. They were just strolling around the mall, sometimes they go inside some botiques and look at some clothes.

"You're quiet." basag ni Calvin sa katahimikan na kanina pa namamagitan sakanila.

She sighed. "Wala lang." sabi niya.

Calvin looked down on their hands and then turned to her. "Does this bother you? I'm sorry." sabi nito at binitawan ang kamay niya.

Then moment his hand left hers, something feels wrong. Like she lost something. Her hand felt cold and empty all of a sudden. So she did what she think is right. She slipped her fingers between his and intertwined them.

Calvin looked at her with a shock on his face. Nahihiya man siya pero gusto niyang hawak ang kamay nito. "It's okay." sabi nalang niya at nginitian ito tapos ay hinigpitan ang hawak sa kamay nito.

Calvin smiled and looked away. Natawa siya at pilit na sinisilip ang mukha nito na pilit itinatago sakanya. "Kinikilig ka ba diyan?" tanong niya rito.

"Oo. Ano naman ngayon?" masungit pero nakangiti nitong saad sakanya.

Natawa nalang siya at napailing. "Nood tayo movie?" tanong niya rito nang madaanan nila ang movie house.

"Gusto mo ba?" paninigurado sakanya nito.

Tumango siya. "Gusto ko rin nung popcorn na maraming cheese powder."

"Okay. Let's buy tickets first then food."

"Huwag na. Ikaw na bumili ng tickets tapos ako na bibili ng food para mabilis tayo."

"No. Dito ka lang sa tabi ko." sabi nito at hinila na siya para bumili ng tickets.

Napili nila ang isang comedy-action film na magsta-start na in just a few minutes. Mabuti nalang at walang masyadong nakapila sa snack station kaya nakabili kaagad sila ng popcorn.

Nang makapasok sa loob ng sinehan, theh settled on their seats and watched the film silently. Minsan ay nagtatanong-tanong siya kay Calvin dahil nabasa na nito ang book version nung movie. Matatawa siya ng sobra sa mga scenes na sobrang nakakatawa naman talaga.

The movie ended after two hourse and it was a great movie.

"Kailangan mapanuod ko iyong next installment nun!" sabi niya nang palabas na sila ng sinehan.

Natawa si Calvin sa sobrang excitement niya. "Sure. I'll take you again next year."

Ngumiti siya rito. "Teka, cr lang ako." sabi niya rito.

"Okay. I'll just wait here for you." sabi nito sakanya.

Pumasok na siya sa loob ng cr at medyo natagalan pa siya dahil madaming nakapila na kapwa niyang kalalabas lang din ng banyo. Bago lumabas ay naghugas muna siya ng kamay at nag-apply ng lipstick at pulbo sa mukha.

She was fixing her bag when she saw Calvin talking to a woman. Unti-unti siyang lumapit sa mga ito para marinig ang pinag-uusapan.

"Kanina ka pa namin tinitignan ng friends ko, and they asked me to get your number." sabi nung babae.

"Sorry, hindi pwede." magalang na pagtanggi ni Calvin doon sa babae.

"Sige na? Number mo lang." pilit nung babae.

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon