Masayang pinapanood ni Vera ang mga batang pinagkakaguluhan ang mga bagong bake niyang mga cookies. Ipinakita niya sa mga ito kung paano gumawa ng mga cookies. Pinagparticipate rin niya ang mga bata sa pagka-cut ng kani-kanilang cookie dough gamit ang gusto nilang shapes ng cookie cutter. Sila rin ang pinagdesign niya ng mga cookies nito.
"Ingat, kids. Mainit pa ang mga iyan." paalala niya sa mga mini students niya.
Tuwing may time siya, ginagawa niya ang mga baking class niya sa mga preschool to elementary na gustong matutong mag-bake. Libre lang niyang ginagawa iyon.
"Teacher! Ang sarap po!" masayang sabi ni Jules habang punong-puno ang bibig nito ng cookies, tuloy lalo pang nanaba ang mga pisngi ng bata. She wiped some cookie crumbs that was on the side of his lips.
"Hinay-hinay lang, Jules. Baka mabilaukan ka. Drink some water before eating your cookies again, okay?"
Tumango sakanya ang bata. "Yes po, teacher!"
She ruffled his hair and smiled at the kid. "Very good."
Nang mag-uwian na ay hinintay niya lang makalabas ang mga bata bago niya nilinis ang kitchen. She was almost done when she heard a knock on the door. There she saw her bestfriend, Mella.
Seryoso ang mukha nito na para bang naiinis. "You left this." sabi nito at ibinigay sakanya ang mga gamot niya. "Huwag mo lagi kakalimutan ang mga gamot mo, Vera. Papatayin tayo niyan ni Tita Erin eh!"
Natawa siya at kinuha iyon sa kaibigan. "May dala ako sa bag ko. Ano ka ba!"
Napahinga naman ng malalim si Mella. "Kahit na. Mas magandang marami kang dala."
"Edi mamamatay naman ako sa overdose?" natatawang sagot niya rito.
Pinalo siya ni Vera sa braso. "OA!"
She linked her arms to Mella. "Mamimiss mo lang ako eh."
Bumuga ng hininga si Mella. "Siyempre naman. Dalawang linggo rin ako mawawala. Inaalala lang kita. Sobrang makakalimutin mo pa naman."
She leaned her head on her bestfriend's shoulder. "Text mo lang ako o kaya tawagan. Tutal nasa may Rancho lang naman kayo."
Babalik kasi si Mella sa Rancho Illustre next week dahil may reunion daw ang pamilya nito roon. Dalawang linggo sila mamamalagi doon dahil na rin aasikasuhin din daw nila ng Papa niya ang negosyo nila roon bago bumalik sa Manila.
"Basta, Vera ah. Kapag may nararamdaman ka na na kakaiba, pumunta ka kaagad sa ospital. Ayoko na maulit iyong nangyari last year." malungkot na sabi ni Mella.
She hugged her friend. "Don't worry. Hindi na mauulit iyon."
Last year was a chaos for her. Tingin niya it was the worst year of her life. It was a nightmare. Maraming nangyari na nagpabago ng buhay niya ngayon.
Mella smiled. Sa nakaraang taon, marami rin ang nagbago sa kaibigan niya. Masasabi niyang mas nagiging babae na talaga ito sa isip, sa salita at sa gawa. Ang sarap din kasi asarin ni Mella. Namumula ito sa inis kaya tuwang-tuwa si Ailee rito na kabuwanan na ngayon para sa ikalawa nitong anak kay Vaughn.
"Oo nga pala. May regalo ka na para kay Tita Colyn?" tanong sakanya ni Mella.
Umiling siya sa tanong nito. "Wala pa nga eh. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko." sabi niya. "Baka ipag-bake ko nalang ng cake."
Birthday bukas ni Tita Colyn at imbitado silang lahat. Syempre bongga ang celebration dahil hindi naman papayag ang asawa nito na si Tito Jeremie na hindi paghandaan ang kaarawan ng minamahal na asawa.
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...