Thirty

42.1K 1.3K 167
                                    

Napatitig si Vera sa mga numerong padagdag ng padagdag para sa mga gagastusin nila sa kasal nila ni Calvin. Last week lang ay nagpropose na sakanya ang nobyo at sino ba siya para huminde pa? Walang patid ang saya niya na hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

They told their parents first. Apparently, they already knew this would happen since she learned that Calvin asked her hand from her parents before proposing to her. Kasama raw nito ang pamilya nang magpunta ang mga ito sa bahay nila na tinaon na wala siya at nasa Le Plaisir siya.

After their parents, they told their friends who were very happy and supportive for them. The following day, naghanap na siya ng wedding coordinator pero napagdesisyunan niya na siya nalang ang magpaplano ng lahat dahil gusto niya hands on siya.

Kaya lang hindi pala madali. Napamasahe nalang siya sa kanyang noo habang sina-sum up ang mga gagastusin nila para sa kasal.

"Huy, ano problema mo diyan?"

Napabuntong-hininga siya at nag-angat ng tingin sa bestfriend niyang si Mella na siya ring maid of honor niya. Nandito sila sa bahay nila at sinabihan niya itong pumunta para tulungan siya dahil obligasyon nito iyon bilang bestfriend and maid of honor niya.

"Ang laki ng magagastos sa ceremony palang. Paano pa kaya sa reception?"

Nangalumbaba si Mella sa lamesa tapos ay kinuha ang calculator na naroon ang estimated na magagastos nila para sa kasal.

"Eh marami kayong bisita tsaka ano naman? Si Calvin naman ang gagastos."

Pinalo niya ang kaibigan sa braso at kinuha ang calculator mula rito. "Hati kami. Ayoko na siya lang ang gagastos. Parehas kaming ikakasal kaya gusto ko parehas kaming maglalabas ng pera."

Nagkibit-balikat ito. "Eh ano'ng balak mo? Ganoon naman talaga kasi kapag ikakasal, expect mo na na malaki ang gagastusin mo."

"I know pero 'di ko inexpect na millions."

Natawa sakanya si Mella. "Patingin nga kasi." sabi nito at kinuha ang papel na my breakdown ng mga gastos. "Hmm, estimated guests are 600-1000 people. Wow, dami friends."

She sighed. "Most of them are business associates ng mga pamilya namin. Our parents requested na imbitahan sila kung pwede."

Umiling-iling si Mella at pinagpatuloy ang pagbabasa. "Venue for wedding, venue for reception, pre-nup shoot, flowers, food, cake, video and photography, wedding gown, bride's maids gowns, groom's men suits, suit for groom.. ba't ang mamahal ng mga pinili niyo? Kita mo sa venue for wedding and reception, magkaibang lugar pa. Bakit 'di kayo maghanap na pwedeng sa isang lugar lang gawin ang dalawang 'yon? O, iyong bulaklak para sa kasal niyo, umaabot na halos 60,000. Kakain ka bulaklak 'te? Malalanta lang din naman. Isa pa 'tong cake, 15,000 para sa isang wedding cake? Eh kapag sa'yo nga nagpagawa, 8,000 lang. Tsaka ba't di nalang ikaw ang gumawa ng cake niyo?"

Huminga siya ng malalim. Iyan din kasi ang iniisip niya. "I know, pero sila Nanay kasi eh. Gusto niya na iba ang gumawa para raw hindi ako ma-stress. Tapos ang dami rin recommendations ni Tita Colyn na designers sa gowns and suits na hindi ko naman mahindian."

Umirap sa ere si Mella. "Kasal ba nila? Alam ko kasal niyo 'to. Desisyon niyo ni Calvin ang masusunod." sabi ni Mella.

"Hi, 'by! Hi Mella!"

Parehas silang napalingon nang marinig nila si Calvin. May dala itong dalawang box ng pizza. Lumapit ito at nakipag-high five kay Mella tapos ay hinalikan naman siya nito sa labi.

"Ba't parang ang lungkot ng baby ko?" nagtatakang tanong sakanya ni Calvin tapos ay binalingan nito si Mella. "Ano'ng ginawa mo?"

Nagtaas ng kilay si Mella at kinuha mula rito ang boxes ng pizza. "Wala 'no! Akin na nga 'to. Kaimbyerna 'yang jowa mo, kaistress siya." sabi nito tapos ay umalis upang pumunta sa kitchen.

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon