Tulad ng sinabi ni Mella kahapon, hinatak nga talaga siya nito para masamahan sa warehouse kung saan bibili ito ng mga junk o sirang gamit na pwede nitong pakinabangan. Tinali niya ang kanyang buhok dahil sobrang init at pinagpapawisan na siya. Ganoon rin ang ginawa ni Mella sa kulay abo nitong buhok.
Nag-ikot sila sa loob ng warehouse. Nagpapaypay siya at nakasunod lamang sa kaibigan na sinisipat lahat ng mga gamit na nadadaanan nila.
Halos dalawang oras ata sila nandoon ni Mella dahil sa dami nitong tanong sa may-ari. Marami rin itong nabili na hindi kakasya sa kotse nito kaya naman ipapadeliver nalang ang iba sa workhouse ni Mella.
Alas dose na ng tanghali sila natapos kaya kumain sila sa malapit na karinderya na nadaanan nila pabalik. Sarap na sarap sila sa lutong bahay dahil kadalasan ay mga pagkain sa fast food ang nilalantakan nila.
Matapos kumain ay umuwi na sila ni Mella. Inihatid siya nito sa Le Plaisir dahil may kailangan pa siyang tapusin na cake. Siya mismo ang gumagawa ng mga sugar flowers at siya rin ang nage-airbrush nun. Hands-on kasi siya sa mga cakes na ginagawa niya, gusto niya siya mismo ang gumagawa nun lalo na sa pagdedecorate.
Pagdating niya sa pâtisserie niya ay nagulat siya sa dami ng tao. Occupied lahat ng mga upuan at mahaba ang pila sa counter para sa mga take-outs.
Sinalubong siya ng manager ng shop na si Ted. "Ma'am, buti po nandito na kayo. Tumawag kanina iyong magpi-pick up nung cake para sa kasal, sabi po eh ipapadeliver nalang daw po nila sa reception venue. Sa may Esplanade po sa Makati."
Tumango siya. "Sige. Kamusta rito? Ang daming tao ah." masayang sabi niya.
She never thought that her pâtisserie will be this popular. Ilang beses na silang na-feature sa mga lifestyle or food shows sa TV. Isang beses narin na-rent ang buong shop para sa isang shooting location ng isang pelikula, bukod kasi sa mga pastries na ino-offer nila, pinagtuunan niya rin ng pansin ang design ng pâtisserie niya.
White walls, wooden floors and glass walls at one side of the shop. At the side there is a stairs that would take you to the second floor with more seats. Mula sa second floor, tanaw nito ang first floor. May mga photographs siya ng mga pastries niya na nakasabit sa mga walls, may mga artworks siyang gawa ni Mella na nakadisplay rin. Ang mga glass display cases niya ay nakahilera na pa-L shape. Overall ay nagustuhan niya na naisabuhay ng mga kaibigan niyang sina Dami at Isaac ang iniisip niyang interior ng kanyang pâtisserie.
Kilala rin sila sa mga Italian and French pastries na gawa nila tulad ng cannolis, bruttiboni, éclairs and macarons.
Inayos niya ang pagkakatali ng buhok niya ay nilagyan ng hairnet. Naghugas siya ng kanyang kamay pagkapasok sa kitchen tapos ay isinuot ang chef's coat niya. Sobrang magulo sa loob ng kitchen. Sinigurado niya na ang kitchen ang pinakamalaki ang sakop sa pâtisserie niya. Gusto niya kasing maluwag para hindi magkabungguan ang mga empleyado niya.
May kanya-kanyang designated areas ang mga empleyado niya. May area for the decorators, may naga-ice ng cupcakes with their signature swirls, may gumagawa ng mga sugar flowers, may naga-ice o naglalagay ng fondants sa cakes na para sa mga to-go's nila, another area is for her bakers, in-charge sa pagproduce ng mga pastries nila, and one area is dedicated only for her whenever she's working on special orders. Siya ang nagahahandle ng mga private orders nila, siya ang nagdedesign, naga-ice, lahat siya.
Kinuha niya ang naked cakes na nakalagay sa freezer. Para iyon sa kasal, tatlong tiers, nalagyan niya na rin ng cream cheese filling na may strawberries. Kailangan niya nalang tabunan iyon ng puting fondant.
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...