"Vera! Saan ka? May dinner daw mamaya sa bahay nila Calix. Nandoon ang lahat."
"Sorry, Mella. I can't tonight. Medyo busy."
Narinig ni Vera na bumuntong-hininga si Mella sa kabilang linya. "Busy nanaman? Lagi ka naman atang busy?" batid niya ang pagkasarkastiko ng kaibigan sa tono nito.
Inipit niya ang phone sa pinsgi at balikat habang hinahalo ang batter na ginagawa niya. "Busy talaga ako. Pumunta ka pa dito sa bakeshop para makita mo kung gaano kahaba ng listahan ng may mga orders sa'kin."
"Oo na, oo na. Alam ko naman iyon. But this is the third time you're not coming."
She sighed and put down the bowl she's holding and took the phone by her hand. "I know. Pakisabi nalang na sorry. Next time nalang."
She heard Mella sighed again. "Ano pa nga ba? Sige na, baka nakakaistorbo na rin ang pagtawag ko."
"Mella.."
"Oo na. Namimiss ka na rin naman kasi namin. Halos isang buwan ka na kasi busy eh. Hinay-hinay lang sa pagtatrabaho, Vera."
She smiled, knowing that her friends are just worried about her. "Opo. Sorry talaga."
"It's fine. Marami pa namang next time. Sige, I'll hang up na. Bye."
Ibinaba niya ang phone at pinagpatuloy ang paggawa ng batter para sa next batch of cupcakes na ibebake niya. She's working overtime again. For the past month, bahay at Le Plaisir lang ang punta niya. It became her routine. Hindi na rin siya nagsasasama sa mga lakad ng barkada dahil busy lang talaga siya.
Ilang beses na ba siya tumanggi na sasama? Minsan kinacancel pa ng mga ito ang lakad dahil lang sa hindi siya makakasama. She really felt bad, but what can she do? She commits herself to her work. Sa totoo lang kasi, mas gusto pa niyang magkulong sa kitchen niya at magbake kesa sa makita si Calvin.
Yes, Calvin is one of the reasons why she doesn't want to come. Nao-akwardan siya. Iba ang kilos nito. He may seem like everything's okay between them, but she's sure na hindi naman talaga.
They never talked longer than a minute. Kakamustahin lang siya nito then he'll turn to their other friends. He's cold but not so obvious. Siya lang ata ang nakakapansin? Ewan ba niya, basta, hangga't sa may rason siya para iwasan ito, gagawin niya. Nagpapasalamat nalang siya at marami talagang orders kaya hindi niya kailangan gumawa ng dahilan para lamang hindi makapunta.
Simula kasi nang bumalik si Calvin, napadalas ang yayaaan ng mga kaibigan niya na gumimik, mag-get together o 'di kaya'y mag-outing. Mukhang namiss ata na kumpleto sila.
She shook her head to stop thinking about him and just busied herself.
It's almost past six pm and almost all of her employees went home. Si Ted nalang ang natitira dahil may tinatapos itong mga reports na kakailanganin nitong ipasa sa business analyst nila.
"Ma'am?"
Tumingin siya kay Ted na kumatok muna sa kitchen door at sumungaw ang ulo.
"Yes?"
"May naghahanap po sainyo sa labas." sabi nito.
Tinanggal niya ang gloves na suot. "Sino daw?"
"Eh, basta po labas nalang kayo. Tsaka ma'am, uuwi na po sana ako."
Tumango siya. "Sige, salamat at ingat ka."
Tumango lang din si Ted bago lumabas. Siya naman ay tinignan ang phone kung may text ba pero wala naman siyang nakita. Niligpit niya muna ang mga gamit at nilagay sa refrigerator ang cake na tapos niya nang i-frost tsaka niya tinungo ang bisita niya.
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
Художественная прозаBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...