Twenty-five

37.9K 1.3K 125
                                    

"Good morning!" masayang bati ni Vera kay Calvin nang pagbuksan siya nito ng pintuan sa condo unit nito.

Rumehistro sa mukha ng binata ang pagkagulat. Napahagikhik siya dahil sa itsura ni Calvin. Gulo-gulo ang buhok nito, topless at nakaboxer shorts lang ito. May bakat pa sa mukha nito na halatang kababangon lang sa kama.

"Hey? What time is it?" antok na tanong nito. Papikit-pikit pa ang mga mata nito.

"It's.." She looked at her watch. "Six thirty am." saad niya.

She heard Calvin groan. Nanatili lang siyang nakangiti kahit pa gusto niyang matawa sa itsura nito. He's really not a morning person. Pinakamaaga ng gising ni Calvin ay ten am.

Niluwagan ni Calvin ang pintuan at pinapasok siya. Dire-diretso lang siya sa kusina habang ito ay nakita niyang pumasok sa kwarto nito. Napailing nalang siya. Mukhang babalik pa ito sa kama at matutulog.

Naglagay siya ng bread sa toaster. Naglabas siya ng kawali at nagluto ng itlog, spam at sinangag. Tapos nilabas niya ang dalang fruit salad na ginawa niya kanina sa bahay nila.

Kasalukuyan siyang nab-brew ng kape nang maramdaman ang yakap ni Calvin mula sa likod. She tilted her head to the side for him to snuggle her neck and rest his chin on her shoulder. Basa ang buhok nito at amoy niya ang shower gel na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago.

"I forgot to greet you good morning." bulong nito sakanya tapos ay pinaharap siya. He cupped her face and gave her a light peck on the lips. "Good morning!"

She giggled like a teenager. Just the night they agreed to start all over again, Calvin didn't waste any time and asked her to be his girlfriend which she immediately said yes. And that was already a week ago.

Magiinarte pa ba siya? She likes this guy. Heck, she may love this guy but she needs to be more sure. Calvin is too important for her and she doesn't want to rush things between them. She wants this 'til the end.

"I prepared breakfast." sabi niya rito at yumakap sa bewang niya at tiningala ito.

Calvin chuckled and kissed her forehead then enveloped her in his arms too. "Bakit ka pa nag-doorbell? You know my passcode." sabi nito.

Lumabi siya rito. "Is it still my birthday?"

Tumango si Calvin at iniipit pa ang buhok niya sa tenga. "Yes. I never changed it."

"I don't know that." nakangiti niyang saad rito.

He tapped her nose using his forefinger. "Now you know na po."

Tumango siya at nanatili lang na nakayakap kay Calvin habang ito ay gumagalaw na sa tingin niya ay nilalagay na ang kapeng brinew niya sa mga coffee mug na nakahanda na.

"Bitaw muna, 'by. Baka mapaso ka ng kape." natatawang sabi sakanya ni Calvin.

She was also chuckling when she detached herself from him. "Bango mo kasi eh."

Naiiling lang si Calvin sakanya. Naupo siya sa upuan habang hinihintay ito na maupo sa tabi niya. He's making a banana smoothie for her. Hindi kasi siya nagkakape sa umaga dahil sabi ni Calvin, mas healthy daw kung fresh fruit shake ang iniinom niya kaya hinayaan niya ito basta ito ang gagawa nun para sakanya.

Ilang minuto lang ang hinintay niya nang ilapag sa harap niya ang banana smoothie niya.

"This is the first time you cooked me breakfast. May I ask why?" nakangiting baling sakanya ni Calvin nang lagyan siya nito ng kanin sa pinggan.

Tinignan niya ito at nginitian. "Wala lang. Gusto ko lang na bumawi sa'yo."

Nangunot ang noo nito pero naroon pa rin ang ngiti nito sa mga labi. "Bumawi saan?"

"I feel like I have taken you for granted before. I know I hurt you, and you were always the one adjusting for my whims." nahihiya niyang pag-amin dito.

She felt Calvin's hand on her hand under the table. He lifted their hands and rested them on the table. "Babe, walang rason para bumawi ka. Hindi naman ako nanghingi ng kapalit noon. Kusa ko lahat ginawa iyon na hindi umaasa ng kapalit. So don't think that way, okay?"

She held his hand tighter. Tumango siya at tinignan ito. "Okay. But I'm still going to do this from now on. Kaya asahan mo na ako dito time to time."

Calvin chuckled. He moved his chair closer to her, then he pulled her head and kissed her temple. "I'm not complaining to that."

She smiled with his gesture. Inasikaso niya si Calvin habang inaasikaso naman siya nito. Nagtalo pa silang dalawa kung sino ang maghuhugas dahil parehas silang nagboluntaryo pero sa huli parehas din nila ginawa.

Ito ang nagsasabon habang siya naman ang nagbabanlaw at nagsasalansan.

"Aren't you going to Le Plaisir?" tanong sakanya ni Calvin nang tabihan siya nito sa sofa. Yumakap ang braso nito sa bewang niya at hinila siya palapit. He reached out for the remote and switched the TV on. Nilipat nito iyon sa sports channel.

"No. Off ko ngayon." sabi niya. Isinandal niya ang ulo sa balikat ni Calvin tapos ay ipinatong ang mga hita niya sa binti nito.

"Really? That's new." Bakas sa boses nito ang hindi makapaniwala. Hindi lang ito ang nagulat. Nang sabihin din niya iyon sa staffs niya ay nag-alala ang mga ito na baka may sakit nanaman ulit siya. Maski ang parents niya ay nagulat nang sabihin niya na pupunta siya kay Calvin kesa sa Le Plaisir.

She knows how to balance her priorities. Inuunti-unti niyang pag-aralan at sanayin ang sarili. She does not only have her parents, friends and Le Plaisir but she also have Calvin. And all of them are equally important to her heart.

"I just want to spend time with my boyfriend." sabi niya.

Hindi nagsalita si Calvin kaya tiningala niya ito. She found him staring at her. She smiled. "What?"

Calvin stroked her hair and caressed her cheek. "I just love it when you said boyfriend."

Natawa siya. "Boyfriend naman talaga kita. Boyfriend ko si Calvin Jon Santillan at girlfriend naman niya si Vera Rae Fortez. Oh, 'di ba? Bagay na bagay?"

He chuckled softly and hugged her tight. "You're so cute, 'by. Stop it, kinikilig ako."

She faked a gasp. "Oh my gosh! Kinikilig ka pala? Paano ka kiligin? Ganyan na?"

Calvin turned serious. "Inaasar mo nanaman ako."

She feigned innocence. "Hala? Hindi ah! Curious lang ako."

"Come here."

Napatili siya nang hilahin siya ni Calvin sa braso at siniil ng halik. Kusang yumakap ang mga isang braso niya sa leeg nito habang ang isang kamay niya ay nasa may dibdib lang nito, pinakikiramdaman ang tibok ng puso nito.

Pinutol niya ang halik nila. "A-Ang bilis ng tibok ng puso mo."

Pinatong ni Calvin ang kamay sa kamay niya. "Of course, nasa tabi kita eh. My heart races whenever I'm with you. I'm excited to be with you, I'm ecstatic when I'm with you and I fall for you even more each day when I'm with you."

She smiled and looked at their hands on his chest. She closed her eyes and feel his heartbeat.

She felt his lips touched hers. She slowly opened her eyes and found him staring intently at her. "I love you, Vera Rae. I will never get tired saying those words to you."

------

COMMENT! :)

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon