Nine

32K 1.2K 61
                                    

Kunot-noong pinagmamasdan ni Vera si Calvin na nakadapa sa sahig at pilit na tinitignan si Cash na nakadapa rin sa sahig at malakas na umiiyak.

"Hey, bud. Tahan na. Play nalang tayo?" alo ni Calvin sa bata.

Nagbuga siya ng hininga at binuhat si Cash. She swayed him lightly and patted his back. Malakas pa rin itong umaatungal ng iyak.

Nag-indian sit si Calvin at tiningala siya. "Should we call kuya?" nag-aalalang tanong nito sakanya.

She sighed and looked at Calvin. "Magtimpla ka ng gatas. Bilis." utos niya rito.

"Pero kadedede niya lang kanina pagdating ko."

"Calvin, that was four hours ago." she sighed and walked past him. "Ako na nga lang."

Mabilis na tumayo si Calvin at inunahan siyang magtungo sa kusina. "Ilang scoops?" tanong nito habang hawak ang bote ni Cash na may maligamgam na tubig na.

"Two." sagot niya at patuloy na sinasayaw si Cash na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Ipinasok niya ang kamay sa likod nito at sobrang pawis na nito.

Umalis siya sa kusina at bumalik sa living room. Kanina ay naglatag si Calvin ng malaking kutson. Naroon na din ang mga damit, diapers, at iba pang gamit ni Cash na prinipare na nila Elisha bago umalis.

Umiiyak na nilapag niya si Cash sa kutson at naglikot sa kutson. Naupo ito at patuloy lang sa pag-iyak. "Don't cry, little boy." alo niya sa bata at pinunasan ang mga luha nito. Tumayo si Cash at naglakad papunta sakanya at niyakap ang leeg niya habang umiiyak pa rin.

Hindi niya ito binuhat muna. Hinubad niya muna ang sando na suot nito, pati na ang shorts na suot. Pinunasan niya ang likod nito at nilagyan ng baby powder. Pinalitan din niya ang diaper nito. "Ayan, presko na si baby Cash!" kausap niya sa bata.

Medyo tumahan na si Cash pero humihikbi pa rin ito ng mahina. Paglingon niya sa likod ay nakita niya na tahimik lang na nakatayo roon si Calvin hawak ang bote ng gatas ni Cash.

"Tapos na?"

"Ha? Ah.. oo." tila natauhan nitong sagot sakanya.

Inabot niya ang gatas at ibinigay kay Cash na kaagad nitong dinede gamit ang isang kamay habang ang isa nito ay inabot ang paa at kinuyakoy. Habit iyon ni Cash.

"Paabot." sabi niya kay Calvin at tinuro ang unan ni Cash sa sofa.

Inabot iyon sakanya ni Calvin at inayos iyon sa gilid ni Cash. Tumabi siya sa bata at tinapik-tapik ang binti nito habang hinehele. Maya-maya lang ay nakatulog na si Cash. Dahan-dahan niyang kinuha ang bote sa bibig nito at tinakpan bago itabi. Nilagyan pa niya ng isang unan ang gilid ni Cash bago dahan-dahang tumayo.

Nang mapatingin siya sa sofa ay nakita rin niyang nakatulog na rin si Calvin. Bumuntong-hininga siya at nilapitan ito. Inihiga niya ito para maging komportable ang pwesto nito tsaka nilagyan ng kumot.

Siya naman ay dumiretso sa kusina para hugasan ang mga bote ni Cash na nagamit na nito. Binuksan niya rin ang sterilizer at nilagay doon ang mga bote na nahugasan na niya. Nang maiayos na iyon sa lagayan ay nahiga siya sa may paanan ni Cash at nakatulog din sa sobrang pagod.

Nagising lang siya ng maga-alas sais na. Napabalikwas siya ng upo nang makitang wala si Cash sa higaan nito pati na rin si Calvin. Napansin din niya ay may kumot siya at unan marahil na naawa si Calvin sa itsura niya kaya nilagyan siya nito.

She found a sticky note on Cash's pillow.

We went to the park.

Iyon lang ang nakasulat sa note ni Calvin. Tumayo siya at tinali ang buhok tapos ay niligpit ang pinaghigaan nila bago tinungo ang kusina. It's almost dinner time so she might as well orepare something for them to eat.

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon