"Shit."
Nagtaas ng tingin si Vera nang marinig ang mahinang pagmumura ni Calvin. She's sitting on a high stool behind his counter. She's browsing through her emails with her iPad.
"Why?" tanong niya.
Saglit na lumingon lang si Calvin sakanya at ibinalik ang tingin sa mga kitchen cabinets nito. Bukas sara ang ginagawa nito. Pati ang ref ay panay ang bukas at sara nito.
"Ano ba iyang ginagawa mo?"
Tumayo siya at nilapitan si Calvin. Parang hindi siya nito narinig at lumipat sa kabilang dako ng kitchen nito at nagbukas ulit ng mga cabinets and drawers. Nagtaka siya kaya binuksan niya ang ref nito at nakita niya na puro bote ng tubig, energy drinks, cans of beers and juices ang laman nun. Tinignan niya rin ang freezer pero mga ice tubes lang at isang tub ng ice cream ang nakita niya.
"Wala kang pagkain na stock." she stated.
Malakas na nagbuga ng hangin si Calvin at sumandal sa kitchen counter. "Wala. Dito ka lang mag-grocery ako ng mabilisan."
Bago pa makaalis si Calvin ay napigilan na niya ito. She reached out two packs of ramen noodles at the upper cabinet. Took out the last egg in the fridge and cheese then she showed it to Calvin.
"These will do." sabi niya rito.
Lumapit si Calvin sakanya at kinuha ang isang pack ng ramen. "This is not a meal, Vera."
Tumaas ang kilay niya at natawa sa sinabi nito. "What is it then?"
Calvin heaved out a sigh. "Okay, let me say that again. This is not a proper meal."
She snatched from his hand the pack of ramen. "Bahala ka diyan. Uubra na 'to."
Kumuha siya ng pot na nakasabit sa wall nito, nilagyan ng mineral water at binoil sa stove. Nilagay niya roon ang ramen noodles at tinakpan.
She smiled at Calvin when he took a pan out and cooked the only egg. Sunnyside up ang pagkakaluto nito sa itlog dahil gusto niya ang ganoon kesa sa scrambled. Lalo na iyong yolk ay medyo hilaw pa, na kapag tinusok ng tinidor ay lalabas iyon na parang sauce.
Nang matapos maluto ng ramen, nilagay niya iyon sa bowl. Nilagyan nila ng cheese sa ibabaw at nilagay sa microwave ng mga isang minuto. Pagkatapos ay ipinatong lang nila ang itlog at luto na ang pagkain nila.
Kumuha siya ng fork para sakanya at kay Calvin at sabay nilang nilantakan ang niluto nila.
"Aayaw ka pa nung una." puna niya rito nang halos ito na ang sumimot ng pagkain nila.
"It's still not a proper meal." sabi parin nito.
Natawa siya. "Hindi ka talaga papatalo."
Ngumisi si Calvin. Ito narin ang nagdala ng pinagkainan nila sa sink at hinugasan nito. Hindi na siya nagvolunteer dahil alam naman niya na hindi siya mananalo kay Calvin.
Nanatili lang siyang nakaupo sa high stool at nagba-browse sa kanyang email nang maramdaman niya ang mga braso ni Calvin na pumaikot sa kanyang bewang. She smiled and turned to him then wrapped her arms around his neck.
"I missed you." sabi sakanya ni Calvin at hinalikan siya sa kanyang labi.
She let him. She let him taste the insides of her mouth. She let him devour her lips.
"Calvin, stop." pigil niya rito nang naramdaman na niya na masyado na nagiging mainit ang nasa pagitan nilang dalawa.
Hinihingal na humiwalay sakanya si Calvin. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Sorry. Did I went overboard?"
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...