Ten

33.3K 1.1K 48
                                    

Nagising si Vera dahil sa boses ni Cash at umuugang kutsyon. Pagmulat niya ng mata ay nagulat siya dahil sa lapit ng mukha nila ni Calvin sa isa't isa. Isang dangkal lang ata ang pagitan ng mga mukha nila.

Agad niyang nilayo ang sarili mula rito. Nakapikit pa ito at halatang tulog na tulog pa rin. Tinignan niya ang oras at alas singko palang pala ng umaga.

"Digidig-digidig! Ya! Digidig-digidig!"

Tinignan niya si Cash na nakasakay sa likod ni Calvin at umaarte pang nangangabayo.

"Cash." mahinang suway niya rito at tsaka binuhat para maialis sa likod ni Calvin.

"Cabin! Horsey! Digidig digidig!" masayang sabi sakanya ni Cash at tinuturo-turo pa si Calvin na tulog na tulog.

She put her finger in front of her lips. "Ssh. Tulog si Cabin. Quiet lang tayo ha?"

"Sshhhh." Ginaya siya ni Cash at todo nguso pa.

Natawa siya dahil sa ka-cute talaga nito. Dinala niya ito sa kusina at iniupo sa baby chair nito. "Hungry ka na Cashy boy?"

Cute na tumango ito sakanya. Pinapalo-palo nito ang lamesa at humahagikhik na para bang may nakakatawa. Nagtimpla siya ng gatas sa bote nito at ibinigay rito. Tapos ay nagluto siya ng sopas at sinubuan si Cash. Nakakakain naman na ito pero maliit lang na portions dahil baka hindi ito matunawan.

It's already six am when she heard the doorbell. Binuhat niya si Cash at lumabas sila para tignan kung sino iyong dumating.

"Mimi! Mimi!" tili ni Cash nang makita ang mommy nitong si Elisha.

"Did we wake you? Sorry, Vera. Nakalimutan ko kasi iyong susi ng bahay sa sobrang pagmamadali."

"No, it's okay. Kanina pa kami gising ni Cash. Si Calvin lang naman ang tulog pa."

"Si Calvin? Nandito si Calvin?" takang tanong ni Calix sakanya.

Tumango siya. "Oo. Dumating siya kahapon."

"Kita mo iyon, sabi ay may gagawin kaya sinabi ko na ikaw nalang ang magbabantay kay Cash. Kung alam ko lang sana na pupunta rin pala siya ay sana hindi ka na namin naistorbo, Vera." sabi sakanya ni Calix.

"Okay lang. Cash and I had fun. Hindi ba, Cashy boy?"

"Tata ganda!"

"Ay. Bolero ka ah!" natatawang kinurot niya ng magaan ang mataba nitong pisngi.

"Kumain na ba kayo? Nagluto ako ng sopas." sabi niya sa mag-asawa nang makapasok sila sa loob.

"We already ate." sabi ni Elisha habang nakatingin sa nakadapang si Calvin. "Dito kayo natulog?"

"Oo eh. Eh itong si Cash ayaw magpaawat sa kalalaro. Hindi ko nga alam kung ano'ng oras natulog iyang mag-tito dahil nakatulog na ako ng nine ng gabi."

She looked at her watch and saw that it was almost seven. Kailangan pa niya umuwi para maligo at pupunta pa siya ng Le Plaisir.

"I have to go. May mga deliveries ako ngayon na kailangan tapusin." paalam niya sa mga ito.

"Okay, Vera. Thank you again." sabi ni Elisha sakanya.

"Ako na bahala sa lunch mo mamaya. Ipapadala ko nalang sa Le Plaisir." sabi ni Calix.

"Thanks!" she said and grabbed her bag and keys and went home to shower ang change.

Pasado alas otso na nang makarating siya sa Le Plaisir. Binubuksan na kasi ito ni Ted ng alas siyete ng umaga. May iilang tao na ang naroon at nag-aalmusal. Naamoy na rin niya ang mga bagong baked na mga pastries and breads nila.

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon