Four

38.8K 1.2K 79
                                    

Ngarag na ngarag si Vera nang magdagsaan ang mga orders sakanya. Pati tuloy ang parents niya ay narito sa Le Plaisir para tulungan siya sa pagsagot sa mga orders. Mabuti nalang at magaling ang tatay niya sa mga gadgets and tech stuffs dahil ito ang gumawa ng database ng bakeshop niya. May special app din na dinevelop ito at ang team niya na isang E-Calendar to track all her orders para hindi mag-overlap.

Her tatay, Vicente "Vin" Fortez, owns a telecommunications company. His business also has subsidiaries that produces high-tech gadgets that is also known worldwide. Nag-invest na rin ang Tatay niya sa Kodea Inc. - isang panibagong subsidiary ng FLabs Inc. Katulong ng Daddy niya ang Tito Maynard niya, pinsan ito ng Nanay niya at asawa ito ni Tita Vaileen na kapatid naman ng Tatay niya.

Tinignan niya ang malaking LED TV sa may isang banda ng pader. Doon nakalagay ang mga orders na dapat nilang tapusin at kung ano muna ang dapat unahin. They're packed for the whole week kaya hindi na sila tumatanggap ng orders for this week.

"Five hundred chocolate ganache cupcakes and three hundred mini banana walnut cupcakes are finished and loaded in the van for delivery." sigaw ni Ted, ang manager ng bakeshop tapos ay pumunta ito sa LED TV at pinindot ang parteng iyon kaya nawala na ito sa listahan nila.

"Two down, eleven more to go." sambit niya sa sarili at patuloy na nagfo-frost ng mga cupcakes na sunod na nilang dapat ideliver.

"Anak." tawag sakanya ng Nanay Erin niya. Binitawan niya ang piping bag at hinarap ang nanay niya. "Bakit, Nay?"

Ngumiti ang Nanay niya at hinawi nito ang nakatakas na buhok niya mula sa hairnet na suot. "Nandiyan ang mga kaibigan mo. Tinawagan ko dahil kulang tayo sa tao."

Pagkasabi nun ng Nanay niya ay tsaka naman nagsipasukan sina Mella, Marky, Michelle, Brent, Ailee, Vaughn, Chiara, Dami at si Calvin. Kasunod ng mga ito ang Tatay niya na may kausap sa phone nito.

"Anak, hinahanap na iyong order para sa kasal ni Mr. Ruiz." sabi sakanya ng Tatay niya.

Nagkatinginan sila ni Calvin at nginitian siya nito ng palihim habang siya ay nangingiti na rin.

"Vera?" tawag muli ng tatay niya.

Naputol ang pagtitinginan nila ni Calvin nang hawakan siya sa braso ng ama. "Isang cake raw iyon at isang daang pirasong vanilla cupcakes raw."

Agad naman siyang natauhan. "Jane!" tawag niya sa head decorator niya. Nang tuluyan itong makalapit. "Pakituruan sila Ailee at Michelle sa decorations." bilin niya.

"Mella." tawag niya sa kaibigan. "Pakituloy ang pagfo-frost. Alam mo naman kung paano, 'di ba?" sabi niya rito.

"Of course! Ako pa ba?" sabi nito at kinuha na sakanya ang piping bags.

Hinarap naman niya ang mga lalaki. "Sino may dalang kotse?" tanong niya na maharap ang mga ito.

Lahat sila ay nagtaas ng kamay. "Okay, sino pwedeng gawing delivery car ang kotse nila sa araw na 'to."

Vaughn shrugged. "It's fine with me."

Tumango siya. "Sino pa?"

"Me." boluntaryo ni Dami.

Tinawag niya si Chiara at Marky. "Can you two put the fondant hearts on top of the cupcakes that are finished?" sabi niya kay Chiara tapos ay si Marky ang sunod na binalingan. "Yung mga tapos na, pakilagay sa box. Paki-ayos, please?"

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon