"Good afternoon–"
Natigil si Vera sa pagbati nang sunod-sunod na nagsipasukan sina Mella, Marky, Michelle, Brent, Chiara at ang anak nitong si Millie.
"Tara." sabi ni Mella tapos ay nilagpasan na siya at umakyat silang lahat sa second floor.
Nagtatakang lumabas siya ng counter at sinundan ang mga ito sa itaas. Nakita niya ang mga ito na nakaupo sa may pinakadulong pwesto. Millie saw her and ran towards her.
"Tita Vera! Penge ako cupcake!" sabi nito sakanya.
Pinisil niya ang ilong ng bata. Five years old na ito. "Bayad ka muna."
Millie pouted her lips. "Utang muna, Tita."
Natawa siya at hinawakan sa kamay si Millie at sabay silang lumapit sa mga kaibigan niya.
"What's up?" bati niya sa mga ito.
"Hi, Vera!" nakangiting bati ni Chiara sakanya.
"Upo ka muna." nakangising saad ni Michelle.
Nagtataka man ay sinunod niya ang sinabi nito. Naupo siya sa tabi ni Chiara at kinandong si Millie. Tumawag siya ng waiter at nagpadala ng maiinom at cupcakes para kay Millie.
"So.. what are you all doing here?" Siya na ang unang nagsalita dahil panay ang tingin lang sakanya ng mga kaibigan.
Kumunot ang noo niya dahil sa paraan ng pagtitig ng bestfriend niyang si Mella sakanya.
"What's up with you?" tanong niya rito.
Tumaas ang kilay nito at hinawi ang kulay asul nitong buhok. Hindi niya alam ang trip nitong kaibigan niya. Last month, gray ata ang buhok nito ngayon naman ay asul.
"What's up with you?" pabalik na tanong nito.
"I asked first." She countered.
"Malihim ka!" Mella pointed a finger at her. "Akala ko ba naman bestfriend mo ko?" madramang sabi nito sakanya.
She looked at Mella weirdly then shifted her gaze to her other friends who just laughed at the situation.
"Are you on drugs?"
"What's drugs, tita?" tingala sakanya ni Millie.
"Uhm.. nothing. Just eat your cupcakes." sagot nalang niya.
"What's happening here?" tanong niya kela Chiara.
Marky showed her his phone. Nagtatakang kinuha niya iyon at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya habang binabasa ang mga palitan ng messages sa isang group chat.
Calvin Santillan: Hey guys!
Marky Montello: What's with the new GC?
Isaac Ford: Yo! Ano 'to, Calvs?
Calvin Santillan: I have something to say.
Mella Illustre: Ano?
Connor De Castro: This better be good.
Calvin Santillan: I love Vera Rae Fortez and I'm going to make her mine. Just wanted to let you all know. That's all. Bye!
Calvin Santillan left the group.
Marky Montello: What the fuck?!
Ailee Montello-Versoza: Ano?! Calvin!!!
Brent Monteverde: Dude, congrats!
Elisha Santillan: Calix, ano 'tong kagaguhan ng kapatid mo?
Calix Santillan: Are you serious Calvin?!
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...