Twenty-six

38.3K 1.2K 125
                                    

"Dapat steady ang pagkakahawak mo sa piping bag para pantay at malinis ang mga frostings mo."

Kinuha ni Vera ang piping bag mula kay Ervina at pinakita rito ang tamang paghawak ng piping bag.

"Ang galing niyo po talaga, ate Vera." manghang sambit ng dalaga sakanya.

Nginitian niya ang dalagita at ito naman ang pinag-try. Kasalukuyan silang nasa loob ng kitchen ng Le Plaisir at nakita niya si Ervina na nagsusubok na mag-pipe ng mga natirang icing sa mga deformed na cupcakes kaya minabuti niyang turuan ito.

Nakilala niya si Ervina nang minsang makasabay nila ito ni Calvin sa jeep. Isang linggo matapos ng kanilang pagkikita ay pumunta ang dalaga sa Le Plaisir at sinabi na interesado ito sa part-time na trabahong inalok niya. Sa sumunod na araw ay dinala niya ito sa kompanya ng Tatay niya at pinag-apply ng scholarship. Isang buwan matapos nun ay kumuha ito ng exam kasabay ng iba pang mga nag-apply at nakapasa ito.

Lumipat si Ervina sa St. Clarisse University, kung saan din siya nagtapos ng kurso rin nitong Culinary Arts.

"Perfect. Just focus and you'll get it right." payo niya sa dalaga.

"Hey, 'by!"

Sabay silang napalingon ni Ervina nang pumasok si Calvin sa loob ng kusina. May hawak itong bungkos ng mga bulaklak.

Lumapit ito sakanya at basta nalang siyang hinalikan sa labi sa harap mismo ni Ervina at ng iba pa niyang mga empleyado.

Mahina niyang tinulak si Calvin at pinalo ito sa dibdib. "Ano ba, maraming tao!"

Natawa lang si Calvin at hindi pinansin ang sinabi niya at hinalikan siya muli sa labi. Napuno tuloy ang buong kitchen ng mga tukso ng mga empleyado niya sakanila ni Calvin.

"Grabe. Kaya ang taas ng standards ko sa lalaki eh. Kasalanan mo 'to kuya Calvin!" natatawang sabi ni Ervina sakanila.

Ginulo ni Calvin ang buhok ng dalaga. "Mag-aral ka muna tsaka ka na mag-boyfriend."

Ngumuso lang ang dalaga. "Wala rin naman magkakagusto sa'kin. Asa pa ko."

"Ervina.." she said in a warning tone.

Huminga ng malalim ang dalaga. "Sorry, ate. Joke lang 'yung sinabi ko."

Calvin faced Ervina and held both of her shoulders. "Ano ang lagi ko sinasabi sa'yo?"

Ngumiti si Ervina at nailing nalang. "Hindi ako mataba. Voluptuous ako."

Natawa si Calvin. "Right. At walang masama sa pagkakaroon ng kaunting fats. It doesn't make you less of a person."

She smiled at what Calvin said. She hugged him from behind and rested her cheek on his arm and peeked at Ervina. "Your kuya Calvin's right. Sige na, linisin mo na ang mga mga ginamit mo kanina tapos pwede ka na umuwi."

Tumango si Ervina. "Sige po."

Nang makaalis si Ervina ay hinarap siya ni Calvin. Nasandal ito sa counter tapos ay hinapit siya nito sa bewang. Kinuha nito ang bulaklak na nakapatong sa counter at ibinigay sakanya. "Happy anniversary 'by."

She took the flowers and smelled them. "Thank you, 'by. Nasa office ko 'yung gift mo." sabi niya. "Tara."

Hinawakan niya sa kamay si Calvin at dinala ito sa opisina niya. As soon as the door closed, she clunged on to his neck as she kissed him on his lips. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ni Calvin kaya kaagad siya nito nasalo at nabalanse ang mga sarili nila.

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon