Sorry, princess. Biglaang nagkameeting kami kaya hindi kita masasamahan muna sa bakery fair. Don't worry, I've asked Calvin to escort you. I love you, princess.
Hindi napigilan ni Vera na mapabuntong-hininga nalang habang binabasa ang text message sakanya ng tatay Vin niya. Dapat ay sasamahan siya nito sa Bakery Fair na gaganapin sa World Trade Center pero iyon nga at nagkaroon ito ng emergency sa opisina. Ayos lang naman sakanya pero bakit si Calvin pa ang ipinasama sakanya ngayon?
"Kahit gaano pa kahaba iyang nguso mo, you're still stuck with me."
Tinignan niya si Calvin na prenteng nakasandal sa kotse nito. He opened the door for her and signaled his head to his car. "Pasok na."
"I can drive my own car."
"Magsasayang ka lang ng gasolina. Parehas naman tayo ng pupuntahan."
"Hindi mo naman kasi ako kailangan samahan eh."
Calvin rested his arms on top of the opened door. "We're still going to meet there, anyway." he said then showed her a VIP ID of the event. "I was invited to give a demonstration there so magkikita at magkikita talaga tayo."
Hindi na siya nagsalita pa at padaskol na pumasok sa loob ng kotse nito. Nang isara na ni Calvin ang pinto ay nagsaksak kaagad siya ng earphones dahil ayaw niyang makipag-usap dito.
Hindi naman siya kinulit pa ni Calvin at narating nila ang World Trade Center ng matiwasay. Papasok na sana siya sa loob nang hilahin siya ni Calvin.
"Ano?" tanong niya rito.
"Here." Nag-abot ito ng isa pang VIP ID.
Kunot-noong tinignan niya ito. "Bakit mo ko binibigyan nito?"
Bumuntong-hininga si Calvin at sumeryoso ang mukha nito. "Don't worry, I won't bother you for the whole day. Mas madali kang makakapasok sa bawat booths if you have this."
Hindi na siya nag-inarte pa at tinanggap ang ID. "Thanks."
Tumango si Calvin at namulsa. "Call me if you need anything."
"Even if I need anything, I think I can handle it myself. No need to call –"
Natigil siya sa pagsasalita nang bigla nalang ito lumapit sakanya at yumuko para mahalikan siya sa kanyang noo. Sandali lang iyon siguro mga isang segundo lang tapos ay lumayo na ito.
"Daming sinasabi eh. Hindi ba pwedeng umo-o ka nalang? Basta call me. If you don't then I'll call you instead. Want to make sure you're okay. Okay?"
Wala sa sariling tumango nalang siya.
"Good girl. Enjoy, Vera." sabi nito at kumaway sakanya bago naglakad sa kabilang direksyon.
Pinagmasdan na muna niya ang papalayong likod ni Calvin.
It would've been better if you did this years ago.
Bumuntong-hininga siya at napailing sa panghihinayang na naisip niya. It's no use na eh. What's done is done. Natuto nalang siya sa mga nangyari.
Pumasok nalang siya sa loob para i-enjoy ang sarili niya. One of her goal is to participate sa mga ganitong events and maybe by next year ay susubukan na niya.
Le Plaisir is gaining popularity little by little. She's thinking of putting up another branch but she has to think about it carefully. Right now, her hands are full just by one branch.
Pumunta siya sa cake exhibit kung saan nakadisplay ang iba't ibang naggagandahang mga cakes. She took out her phone and took a picture of each cake. Minsan ay kinakausap niya ang may mga gawa ng cakes at nagbibigayan sila ng tips sa paggawa ng cake.
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...