Nakatitig si Calvin sa picture nila ni Vera sa wallet niya na kuha nung araw ng kanilang anniversary. Hindi mapukaw ang ngiti sakanyang labi lalo na't napasakanya rin sa wakas ang babaeng walang ginawa kundi ang sakupin ang kanyang puso magmula ng college palang sila.
Magkababata sila ni Vera. Close ang mga pamilya nila kaya naman hindi na rin iba sakanya ito. Mahiyain ito nung kabataan nila dahil madalas ay nakikita niyang inaasar at binubully ito ng mga kaklase nito dahil sa katabaan nito.
"Nakakainis ka naman Vera eh! Natalo tayo dahil sa pagkalampa mo! Kung hindi mo naman pala kaya iyang mga taba mo, sana 'di ka nalang sumali!"
Naningkit ang mga mata niya nang makitang binubully ng mga babaeng estudyante si Vera. Sabay kasi sila ng break ni Marky.
"Kaklase iyon ni Vera, 'di ba? Teka.. si Vera 'yon ah?" sabi sakanya ni Marky nang balingan din nito ang nangyayari.
Susugod sana si Marky nang pigilan niya ito sa dibdib. Last week lang kasi ay na-dean's office ito dahil naabutan ng prof nito na nakikipaghalikan sa girlfriend nito sa may cr. Bad shot pa si Marky at ayaw naman niya na lumala pa ang record nito.
"Leave it." sabi nalang niya at hinatak na ito papuntang canteen.
Nang uwian na ay naghintay siya sa may corridor at nang mamataan ang hinihintay ay hinarang niya ang mga ito.
"Hi." walang emosyong bati niya.
Nangiti ang mga babae na kaklase ni Vera kanina sa PE class nito. Sila ang mga umaaway dito kanina.
"H-Hi, Calvin."
Huminga siya ng malalim. "Stay away from Vera. Kapag nakita ko pa na binubully niyo siya.." Isang ngisi ang sumilay sa labi niya. "I swear, you'll not like what I will do."
Umalis siya matapos bantaan ang mga ito. He knows that he shouldn't fight someone else's battles, but he can't help it lalo na kapag si Vera.
Hanggang sa umabot na lagi niya itong hinahanap-hanap na sa tingin niya ay mali. Kaya triny niyang i-divert ang atensyon sa iba. He dated other girls trying to burn down his blossoming feelings for Vera pero hindi niya kaya.
He stayed. He even changed his schedule so he can be classmates to her even just for a few subjects. He always reminds her that she's not fat. Madali kasing ma-down si Vera. She's sensitive so he always tries to cheer her up.
Until he thought that they're better that way. Just being friends. Tinatak niya sa isip niya hanggang sa maka-graduate sila na kaibigan lang ang relasyon nila ni Vera. So he courted his classmate, Darlene. Mabait si Darlene. Sa totoo lang ay nakikita niya dito si Vera. Kaya siguro dalawang buwan lang ang itinagal nila dahil hindi talaga siya makaget-over sa kababata.
Nasaktan siya nang piniling umalis ni Vera. He tried to call her but he always can't reach her.
"Inatake si Vera sa France!" naiiyak na balita sakanila ni Mella nang magtipon sila sa bahay ng mga Fortez.
Natigil ang mundo niya nun. Iniisip na wala siyang ibang dapat gawin kundi sundan ito pero hindi niya nagawa dahil hindi siya pinayagan ng Mommy niya.
"Nandon naman ang parents ni Vera. Tsaka isa pa, paano ang apprenticeship mo? You think Vera will be happy if she knew you missed that opportunity?" sabi sakanya ng Mommy niya.
Kaya kahit gustong-gusto niyang pumunta sa France, hindi niya nagawa. Nakuntento siya sa pakikibalita kay Tita Erin. Nakahinga siya ng maluwag nang bumuti ang lagay nito.
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...