Twenty-nine

40.1K 1.2K 123
                                    

Taimtim na nagdadasal si Calvin habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ni Vera. Nakaramdam siya ng tapik sa kanyang balikat kaya siya nag-angat ng tingin.

"Calvin, kami na muna ang magbabantay. Matulog ka na muna. Tatlong araw ka ng walang maayos na tulog." sabi sakanya ni Tito Vin.

Umiling siya at tinignan si Vera. "Gusto ko po nasa tabi niya ako kapag nagising siya." sabi niya rito.

Nang makarating ng araw ng sinugod si Vera sa ospital, mahabanf oras din sila naghintay sa labas ng operating room. Nagkaroon si Vera ng intercerebral hemorrhage dahil sa biglaang pag-atake ng hypertension nito. Kinailangan nito maoperahan sa parte ng utak nito na nagkaroon ng blood clot.

Halos mawalan siya ng lakas nang malaman iyon. Umiyak siya sa harap ng mga pamilya nila. Bibihira siya magdasal pero nung araw na iyon, hindi siya natigil sa paghingi ng tulong sa Diyos na iligtas si Vera.

Nang lumabas ang doktor at sinabi na tagumpay ang operasyon ay tila nabunutan siya ng tinik. Nagpasalamat siya sa Diyos dahil dininig nito ang dasal nilang lahat na mailigtas si Vera.

Dalawang araw na tulog si Vera dahil mahina pa raw ang katawan nito. Sa pangatlong araw nila ay nalaman niyang nagising ito kaninang umaga pero nagkataong umuwi siya nun para kumuha ng damit kaya nung pagbalik niya ay naabutan niya ulit itong tulog.

Nilagyan ng tubo si Vera for closer monitoring daw. Maputla ang mukha nito at halata na pagod at nanghihina ito. Kung pwede lang sana na kunin niya ang lahat ng sakit na nararamdaman nito ay matagal na niyang ginawa.

"Hindi magugustuhan ni Vera kapag nakita kang pinababayaan ang sarili mo." sabi ni Tito Vin.

Huminga siya ng malalim at hinaplos ang mukha ni Vera. "I'm just scared, tito. We almost lost her."

Narinig niya rin ang ginawang buntong-hininga ni Tito Vin at tinapik nito ang likod niya. "I know. Mahirap para sa isang magulang na makita ang anak mo na nag-aagaw buhay. Nag-iisa lang namin siya ni Erin. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa'min kung mawala pa sa'min si Vera. We already lost a child once and it is really painful. Lalo na kay Erin."

"Erin was devastated when we found out that Vera has hypertension. Genes nila kasi iyon kaya madalas ay sinisisi ni Erin ang sarili niya. Pero si Vera? She's very positive. Hindi niya ginagawang kahinaan ang sakit niya pero traydor talaga ang hypertension lalo na kapag napapabayaan ang sarili." patuloy ni Tito Vin.

"Bakit kasi napakatigas ng ulo mo." bulong niya direkta kay Vera.

Natawa si Tito Vin. "Tanong din namin iyan ni Erin. She's so stubborn sometimes."

He sighed again and just watched Vera's sleeping face.

"Are you sure na dito ka lang?" tanong muli ni Tito Vin sakanya.

Tumango siya rito.

"Sige, tawagan mo ako kung gusto mo muna umuwi." sabi nito at lumabas na ng kwarto.

Habang binabantayan si Vera, hindi niya namalayan na nakatulog pala siya na nakayukyok sa kama nito. Nagising lang ulit siya nang may maramdamang may sumusuklay sa kanyang buhok.

Paglingon niya ay nasalubong ng mga mata niya ang kay Vera. Napabalikwas siya ng bangon.

"May kailangan ka? May masakit ba sa'yo?" tanong niya rito.

Vera just stared at him before shaking her head as an anwer.

Nakahinga siya ng maluwag. Parang hapong-hapo siyang naupo muli sa upuan sa gilid ng kama nito. Tinukod niya ang magkabilang siko sa kama at inihilamos ang magkabilang kamay sa mukha at pasuklay sa buhok niya bago siya muli nagbuga ng malalim na hininga.

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon