Prologue

65.1K 1.6K 211
                                    

"Masarap nga siya gumawa ng cupcake pero tangina, kung titignan mo si Vera? Mukha bang masarap iyon? Kulang nalang ata eh lagyan ko ng mansanas iyong bibig para pwede na ihain sa mesa sa fiesta sa'min."

Nangibot ang mga labi ni Vera nang marinig niya ang malalakas na tawanan ng mga basketball players sa may gym. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa box ng cupcakes na dapat sana ay ibibigay niya kay Pierre pero ayun at nilalait na pala siya nito kasama pa ang mga kaibigan.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sunud-sunod ng huminga ng malalim at nagbilang ng isa hanggang tatlo upang pakalmahin ang sarili at iwasan ang pag-iyak.

Mabilis din siyang umalis mula sa entrada ng gym dahil baka hindi na niya kayanin kung sakali mang dagdagan pa ni Pierre ang mga masasakit na salitang binitawan nito patungkol sakanya.

Kaklase niya si Pierre sa isang minor subject. Isang sophomore rin ito na tulad niya. Engineering student ito habang Culinary Arts ang kurso niya. Na-late kasi ito sa minsan sa klase nila at doon naupo sa bakanteng upuan sa may likod, sa may tabi niya.

"Hi, ano iyong mga na-discuss na ng prof?" bulong ni Pierre sakanya.

"Wala pa naman. Recap lang ng lesson kahapon." tipid na sagot niya.

Nasa kalagitnaan ng pagdidiscuss iyong prof nila nang bigla itong ipinatawag sa faculty kaya iniwanan muna sila nito sandali. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana nang nag-inat si Pierre sa tabi niya.

"Nakakagutom." bulong nito sa sarili pero rinig niya iyon.

"Gusto mo ng cupcake?" baling niya kay Pierre at ipinakita rito ang isang tupperware na may lamang cupcake na binake niya kanina sa klase niya.

"Pwede? Hindi pa kasi ako nagla-lunch. Pagkatapos ng meeting ng team, dumiretso na ako dito." sagot nito na may maliit na ngiti sa labi.

Inabot niya rito ang tupperware. "Sa'yo na iyan."

Lumaki ang ngiti ni Pierre at binuksan ang tupperware. "Salamat, Vera!"

Simula nun ay palagi na nakaupo si Pierre sa tabi niya. Minsan ay binibigyan niya ito ng mga pastries na binebake nila sa baking class niya. Varsity si Pierre sa basketball team. Magaling ito dahil minsan na niyang napanood ito maglaro. Maraming nagkakagusto rito dahil gwapo at malakas talaga ang dating nito. Isa na siya sa mga taong nahumaling sa lalaki pero hindi niya inaasahan na ganito pala ang totoong ugali ng lalaki. Mapanghusga at mapagmata.

Tulalang naglalakad lang siya sa may botanical garden ng St. Clarisse University. Doon ay tinawag siya ng kaibigang si Mella.

"Saan ka pupunta?" tanong nito. Sa kanilang magkakaibigan, si Mella ang bestfriend niya. Kahit pa hindi niya alam ang trip nito sa buhay, matino naman ito kausap.

"Uwi na? O kaya baka sa café ni nanay."

Hinila siya ni Mella sa isang bench sa may botanical garden. Nilabas nito ang sketch pad nito. Art student si Mella, nakuha nito ang pagiging artistic ng Mommy nitong si Ellaine. Ibinigay ni Mella sakanya ang sketch pad nito.

"Pili ka ng maganda. Bilis. Ipapasa ko sa isa kong subject." sabi nito.

Tinignan niya isa-isa ang mga drawings nito. May bulaklak, landscape at cartoon pero napangiti siya nang makita ang isang drawing nilang dalawa. "Ito. Ang ganda nito." turo niya sa drawing nito sakanilang dalawa.

Umingos si Mella at kinuha ang sketch pad nito. "Sige, ito nalang ang ipapasa ko."

Tatayo na sana sila nang makasalubong nila sina Marky at Calvin. Inakbayan siya ni Marky at kinuha sa kamay niya ang box ng cupcakes. "Uy, cupcakes! Tamang-tama gutom kami nitong si Calvin."

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon