Eighteen

34.5K 1.2K 81
                                    

Pagmulat ng mga mata ni Vera ay una niyang nakita ang puting kisame. Kaagad niya naamoy ang alcohol at alam na niyang nasa ospital siya. Mas lalo pa niya iyon nakumpirma nang makita ang kamay niya na may swero.

Nabaling ang atensyon niya sa may CR nang lumabas mula roon si Calvin.

"You're awake." sabi nito at malalaki ang hakbang ang ginawa para tawirin ang distansya nila. Nilagay nito ang palad sa noo niya tapos ay hinaplos ang ulo niya. "How are you feeling?"

"Bad.." sabi niya.

"Mataas ang lagnat mo kanina. Mabuti nga at bumaba na ngayon. Your BP is also high, Vera." Sumeryoso ang boses ni Calvin nang sabihin nito iyon. "What are you up to lately? Sabi sa'kin ng staff mo na you're also skipping meals."

She groaned because of the constant nagging from him. Masakit na nga ulo niya, sesermunan pa siya nito.

And just when she was about to complain, her room's door busted open and came her parents.

"Gusto mo na ba talaga mamatay, Vera Rae?" bungad sakanya ng Nanay niya nang mamataang gising na siya.

Alam niya na galit ito dahil matigas ang pananalita nito, isama pa na salubong ang kilay ng Nanay niya at tinawag pa siya nito sa buo niyang pangalan. Ang Tatay Vin naman niya ay nasa likod lang nito at parehas ng itsura ni Calvin na seryoso ang mukha.

"Hindi ba ilang beses ko na binilin na huwag ka magpapalipas ng gutom? Kakain ka ng tama, iinumin mo ang mga gamot mo, huwag ka magpapagod at huwag ka kakain ng bawal sa'yo! Ang laki-laki mo na para paalalahanan pa pero hindi mo ginagawa!"

"Nay.."

"Ano? Sabihin mo lang kung gusto mo na mamatay! Anak naman.." Napakagat siya sa labi nang mag-iba ang tono ng Nanay niya na tila ba naiiyak ito. "Sundin mo naman ang Nanay. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit na makita iyong kaisa-isa mong anak na nakahiga sa hospital bed?"

Lumapit ang Tatay niya sa Nanay niya at hinaplos ang magkabilang braso nito para pakalmahin. "Hinay-hinay lang. Baka mamaya ikaw naman ang ma-ospital." alo ng Tatay niya.

"Pagsabihan mo iyang anak mo!" naiinis na wika ng Nanay niya tapos ay lumabas ng kwarto.

Huminga ng malalim ang Tatay niya tapos ay binalingan siya. "How are you feeling?"

"Medyo maayos na po kumpara kanina." sagot niya.

"Your mother is just worried, Vera. Kaming lahat ay nag-aalala para sa'yo. Maraming namamatay dahil sa high blood, anak. Kaya kung kaya naman natin agapan at iwasan, gawin natin iyon."

Tumango siya. "Sorry po, 'tay."

Malakas na huminga ang Tatay Vin niya. "You'll rest for two weeks. Complete rest. No work and monitored lahat ng kinakain at medicines mo. After those weeks, you can go to work pero limitado pa rin. I will check on you from time to time. Calvin.."

"Po, tito?" sagot ni Calvin nang tawagin ito ng Tatay niya.

"Can I ask for help? Pwede ba na tulungan mo kami na bantayan itong batang ito na matigas ang ulo?"

"Tay, kaya ko naman sarili ko." maktol niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Calvin. "Iyan ba ang kaya? Nakaratay ka diyan at may swero sa kamay?"

Inirapan lang niya ang lalaki at tumahimik. Narinig niyang natawa ang Tatay niya.

"She's so stubborn, just like her mom." komento ng Tatay niya. "Can I count on you, Calvin?"

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon