"Kiss! Kiss! Kiss!"
Tinignan ni Calvin ang mga bisita nila nang pagsabayin ng mga itong patunigin ang kani-kanilang baso. Binalingan niya ang kanyang asawa na yakap niya sa bewang.
Asawa.
Napangiti siya sa katagang iyon. Ang sarap pakinggan na tawaging asawa si Vera. Hindi parin siya makapaniwala na mag-iisang buwan na silang kasal. After doing something spontaneous last month, they spent three days in Iloilo. Iyon kasi ang unang pumasok sa isip ni Vera na puntahan nang tanungin niya kung saan nito gustong maghoneymoon sila.
Their first night was pure bliss. Vera was perfect. Finally, they made love and consumated their wedding. He had his shares in bed with women but no one can be compared with Vera. Vera is the exception in all things. His her only exception and that will never change.
After three days, they went home. Sinalubong sila ng galit ng kanilang mga magulang at mga kaibigan. Tinanggap nalang nila ni Vera. Kahit pa pinagalitan sila, hindi siya nakaramdam ng pagsisisi. Kailan man ay hindi niya pagsisisihan na pinakasalan niya ang babaeng mahal na mahal niya.
Why? Because Vera is worth it.
Pero siyempre naguilty din siya dahil alam niya na medyo nagtampo ang parents nila lalo na ang parents ni Vera. Nag-iisang anak ng mga ito si Vera at gusto rin naman niya na maranasan ng mga ito na makita ang nag-iisang anak nila na ikasal. Kaya naman siya na ang umasikaso ng isa pang church wedding nila ni Vera pero hindi na tulad ng mga naplano na magarbo. He planned a simple wedding ceremony in a small church in their town. Isang simpleng wedding gown mula sa collection ng Mommy niya ang binili niya para sa gown ni Vera. Pati na rin ang mga susuotin ng bride's maids and groom's men ay sa Mommy niya na rin siya kumuha.
Iyong cake ay ang mga bakers ni Vera sa Le Plaisir ang gagawa. Ang restaurant nila ang magke-cater.
He planned it secretly for a month. He wanted to surprise Vera. Alam din naman niya na gusto rin nito makasama ang pamilya nila sa wedding nila. Gusto rin naman niya na maranasan nito na magsuot ng wedding gown at maihatid ng parents nito sa altar. Hindi niya ipagdadamot iyon kay Vera.
At lahat ng pinaghirapan niya ay ginanap kaninang umaga. Masaya siya nang makita ang ngiti sa mga labi ni Vera nang malaman nito na ikakasal ulit sila. Naiyak siya nang makitang umiyak si Vera at ang mga magulang nito. Masaya siya na sa pangalawang pagkakataon ay nanumpa silang mamahalin nila ang isa't isa sa harap ng Diyos.
Tanging mga kamag-anak at malalapit lang na mga kaibigan ng kani-kanilang pamilya ang bisita nila sa kasal nila. Ang reception nila ay ginanap sa The Santillan's. Sinara nila ang restaurant ng buong araw at inayos iyon para sa reception. Nagpapasalamat din siya na tumulong ang mga kaibigan at ibang empleyado nila ni Vera para mapaganda ang lugar.
"Kiss daw 'by." sabi niya kay Vera.
Ngumiti si Vera at hinarap siya. Doon ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan siya sa mga labi. Narinig niya ang palakpakan ng mga bisita nila.
"Thank you for this day, Calvin." sabi ni Vera nang makauwi sila sa condo unit niya.
Sa ngayon ay sa condo muna niya sila tumutuloy dahil pinapagawa pa nila ang bahay nila sa lupang binili nila ni Vera sa katabing subdivision ng magulang nito.
"Anything for you, Mrs. Santillan."
Ngumiti si Vera at yumakap sakanya. He swayed their bodies as they hug each other.
"I love you." sambit nito.
He looked down at her and cupped her cheeks. "I love you so much, Vera."
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...