Twenty-three

36.4K 1.7K 207
                                    

Vera was busy chatting with Michelle and Ailee when Mella elbowed her.

"Ano problema ni Calvin? Ba't kanina pa 'di maalis tingin niyan sa'yo?"

Nakuha nito ang atensyon nina Michelle at Ailee kaya tinignan ng mga ito ang gawi ni Calvin kung saan kasama nito ang iba pang kaibigan nilang lalaki.

"Wala. Ewan ko sakanya." sabi nalang niya.

"Nag-away ba kayo?" baling sakanya ni Michelle.

Umiling siya bilang sagot. Pinaypay niya sa sarili ang number na hawak niya para sa gagawing bidding mamaya.

"Eh ba't ganoon 'yon makatitig?" tanong ulit ni Mella.

Bumuga siya ng hininga. "Hindi ko nga alam, Mella."

Natahimik ang mga kaibigan niya nang may lumapit na bisita kay Mella at tanungin ito sa sculpture na gawa nito. Iniwan muna sila nito at inentertain ang bisitang lumapit.

Tahimik lang siya habang nakikinig kela Ailee at Michelle. Maya-maya lang ay lumapit sakanila si Connor. Binatukan muna nito si Michelle bago sila isa-isang batiin.

"Masakit 'yon ah! Isusumbong kita kay Brent!" sabi ni Michelle kay Connor.

"Wala asawa mo, nambababae na." iiling na sagot ni Connor.

Binigyan ng middle finger ni Michelle si Connor na ikinatawa lang ng huli.

"Pogi natin ngayon Con ah?" pansin ni Ailee rito.

"Matagal na ko gwapo." preskong sabi nito.

Michelle made some gag sounds while they just laughed at what Connor said. Sanay na sila sa asaran ng dalawa.

"Diyan na nga kayo." sabi ni Connor at tsaka sila iniwan.

"Teka, sasama na kami." sabi ni Ailee at tsaka sila binalingan. "Tara, boring dito."

Wala siyang nagawa kundi sundan ang mga ito patungo sa pwesto ng mga lalaki. She caught Calvin's eyes and he just staret at her, not breaking any contact. Ganoon nga ang ginawa niya, tinitigan niya lang si Calvin pero naputol iyon nang tapikin siya ni Adam.

"Hey, Vera. Kailan ka babalik sa Le Plaisir. Pumunta ako kanina kaya lang sabi ay wala ka."

"Baka next week pa eh. Bakit?"

"I need a cupcake tower for my engagement party."

Napangiti siya. Last week lang ay na-engaged na si Adam. Masaya silang lahat para rito. He deserves to be happy more than anybody else.

"Sure. Next month pa naman ang party 'di ba?" paninigurado niya.

Tumango si Adam. "Yup. Thanks for doing this Vera."

"Anything for my friends, Adam."

Nabaling ang atensyon nila nang malakas na tumikhim si Marky. "May nagseselos." sabi nito at nag-fake ng ubo tapos patagong tinuro si Calvin.

Natawa naman si Adam at itinaas ang magkabilang kamay. "I love my fiancé." defensive na sagot nito at unti-unting lumayo sakanya.

"What's up with you?" taas-kilay na tanong niya kay Marky.

"What's up with you? Bakit ganito 'tong bestfriend ko? Kulang nalang matunaw ka sa kakatitig niya kanina pa." nawiweirduhang tanong sakanya ni Marky.

Calvin shot him a deadly gaze but Marky being Marky he just shrugged it off and focused his attention to her. "So?"

Nagkibit siya ng balikat. "Ewan ko. Baka natrauma nang sumakay kami kanina sa jeep." sabi nalang niya at umalis ng walang sabi dahil nakita niya ang Nanay at Tatay niya.

Natapos ang gabi na wala siyang nabili kahit isa sa mga gawa ni Mella na pina-auction. Wala rin kasi siya sa mood dahil kanina pa tahimik si Calvin at parang hindi pa siya pinapansin. Nakatitig lang ito pero hindi naman siya kinakausap.

Kanina sa jeep, sinadya niya na angkinin ito sa harap ni Ervina. She's giving him a hint that she likes him a lot too. That she's so willing to give them a chance if he would ask now. Pero ano? Nganga pa rin siya kasi kanina pa itong walang imik.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog kay Calvin? Dati pa man ay sobrang maalaga at sweet na ito. Kahit pa noong patago silang nagkikita ay hindi siya kailanman nito binastos o binalewala.

Now that she thought of the past, she clearly realized that maybe she was so much at fault compared to him. But she never regrets her decision making him leave. Lahat ng desisyon niya sa buhay ay pinaninindigan niya, maganda o mali man iyon.

Mahirap nga naman kasi talaga kalaban ang sariling insecurities. You feel like your own mind is betraying and backstabbing you.

It's so hard that she has to live each day trying to bring back her confidence, trust and self-esteem that she lost for herself.

But when she got hospitalized, she realized that life is short and surprising. Ayaw naman niya hintayin na malagutan siya ng hininga na hindi pa nararanasang magkaboyfriend o kiligin ng husto man lang.

Pero mas naliwanagan at nabuksan ang isip niya nang minsan ay naisipan niya na umattend ng morning mass.

What happens when people open their hearts? They get better.

Iyan ang isang linyang tumatak sakanya sa sermon ng pari nun. Sakto pa na tumawag sakanya noon si Calvin kaya pinangako niya sa tapat ng Diyos na hahayaan niya ang sarili na maging masaya na hindi inaalala ang mga insecurities niya kasi nga si Calvin, hindi pinapansin ang mga mali sakanya, bakit siya hindi pa niya magawa, 'di ba?

She's so excited to what's going happen in the future pero nawala iyon nang ganito ang inaakto ni Calvin.

Matapos ang event ay nagsipagpaalam na silang lahat sa isa't isa. Hahabulin niya sana ang Nanay at Tatay niya para makisabay nang pigilan siya ni Calvin sa braso.

"Saan ka pupunta?" tanong nito sakanya.

"Uuwi na." mataray na sagot niya rito. Naiinis pa rin siya dahil sa hindi nito pagpansin sakanya buong event.

"Ako maghahatid sa'yo."

"Ayoko. Tsaka wala kang kotse na dala." mabilis na pagtanggi niya.

"Hiniram ko kotse ni Dad muna at nakisabay nalang sila ni Mommy kela Kuya." sabi nito. "Isa pa, napagpaalam na kita sa parents mo na ako ang maghahatid sa'yo."

Marahas niyang binawi ang braso sa hawak nito. "Ayaw ko nga!"

Calvin sighed and without a word, he scooped her up and carried her bridal style.

Pinalo niya ito sa balikat. "Ano ba!"

"I will not tolerate your stubborness tonight, Vera Rae. Lalo pa't marami tayong pag-uusapan. Starting from you announced that I'm yours."

She pursed her lips and glared at him. "Bakit hindi ba?"

Calvin turned to her and smiled. Before answering, he opened the passenger seat and put her on her seat. "Of course, I'm yours." sabi nito at kinabit sakanya ang seat belt.

He leaned close to her. His hand on the top of the car while the other is holding her hand. She immediately intertwined their fingers. Para kasi sakanya matik na gagawin niya 'yon sa oras na hawakan nito ang kamay niya.

"Eh ikaw ba? Akin ka na ba, Vera Rae?"

She looked at him straight in the eyes and slowly nodded her head. "I'm yours too."

Shock registered on Calvin's face but it was replaced by happiness. Calvin kissed her forehead. "We really need to talk because I can't wait to officially call you my girlfriend and fucking kiss those lips again."

------
Okay, medyo maikli kasi 'di ko na kaya antok ko. Haha. #5 ang Bliss sa General Fiction. So if you keep on voting AND COMMENT, pwede pa tumaas ang rank. Yey! So...

COMMENT!

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon