Malakas na napabuntong-hininga si Vera nang makita ang isang bungkos ng bulaklak sa office table niya. Nilapitan niya iyon at kinuha ang card.
I will never stop, Vera. I know you have your doubts, but I will do everything just to wash away those doubts of yours. Just give me chance to prove that to you.
- Calvin
Malungkot na tinignan niya ang mga bulaklak na hawak. It has been a week since she bursted out her true feelings to Calvin. Napuno na siya nung araw na iyon kaya wala siyang nagawa kundi sabihin kay Calvin ang problema niya.
Simula nung araw na iyon, hindi muna sakanya nagpakita si Calvin, which is good dahil baka mas lalo lang siyang mairita kapag nakita pa niya ito. Since then, nagpapadal ito sakanya ng mga bulaklak o kaya'y simpleng letter lang tulad na lamang ngayon.
Binuksan niya ang pinakahuling drawer niya at inilagay doon ang card na nakalagay sa mga bulaklak kasama ang iba pang cards at letters na pinadala ni Calvin sakanya. Walang palya ito sa pagpapadala. Minsan ay ito mismo ang nagdadala nito. Ibibigay lang sakanya, kakamustahin siya at kapag nakita na siya nito ay magpapaalam na.
Naaawa siya kay Calvin dahil sa totoo lang, hindi nito deserve ang ganitong treatment mula sa isang babae. Mabait at maalaga si Calvin. Wala siyang sabi roon. Oo, may pagkababaero ito noon, pero simula nang umamin ito sakanya na mahal siya nito ay wala na siyang nababalitaan na nakikipagdate pa ito. Usually kasi, malalaman niya dahil laging may kwento sila Marky o kaya'y magkekwento ang tatay niya dahil naikwento ni Tito Jeremie. Pero sa loob ng lamang ng iilang buwan ay wala na siya narinig tungkol sa pagkakainvolve ni Calvin sa ibang babae.
Pero hindi ibig sabihin noon ay okay na siya. Hindi pa rin nababawasan ang pangamba niya. Ang insecurities niya sa katawan at ang aalalahanin niya na baka hindi seryoso si Calvin.
Naiinis na rin siya sa sarili niya kung bakit siya ganito pero ano ba ang magagawa niya? Eh ganito siya. Hindi naman niya pwedeng dayain ang mga nararamdaman niya dahil parang dinaya na rin niya ang sarili niya.
Isang buntong-hininga nalang ang pinakawalan niya at dinala sa vase ang bulaklak at inilagay doon. Pagkatapos ay ibinilin niya na muna kay Ted ang Le Plaisir dahil magkikita sila ni Michelle sa mall.
Nang makasakay sa kanyang sasakyan ay dumiretso na siya sa mall at sa isang restaurant sila sa loob nagkita ng kaibigan.
Tumayo si Michelle nang masilayan siya at nakipagbeso sakanya.
"Buti at lumayo ka sa kusina mo." sabi nito nang makaupo sila.
"Hindi naman na gaano marami ang gagawin. Halos tapos na." sagot niya rito.
Namili muna sila ng oorderin bago tuluyang magkwentuhan.
"So, how are you doing?" panimula ni Michelle.
She sipped on her water. "I'm doing okay."
"Ang panget mo talaga sumagot. Wala man lang ba ellaboration?"
Natawa naman siya sa sinabi nito. "I just answered your question."
"You already ended the conversation. Wala man lang 'how about you'."
"Okay, so how are you Michelle?"
Nangiti si Michelle at nangalumbaba. "I think I'm pregnant."
Naubo siya at namamanghang tinignan ito. "Wow. Congrats!"
"Hindi pa naman confirmed. Delayed lang ako ng one week, pero hindi muna ako naninigurado kasi baka mamaya irreg lang ako."
"Mag-PT ka kaya."
"Tsaka na. Kapag lagpas two weeks at wala pa akong period, baka magpacheck-up na ko."
"Well, kung meron man, edi masaya. Kung wala, it's okay. Try nalang ulit kayo ni Brent."
Tumango si Michelle at pinagsiklop ang magkabilang kamay at doon ipinatong ang baba tsaka siya tinignan. "So, kamusta kayo ni Calvin?"
She sighed. Napasandal siya sa upuan niya kaya naman napataas ang kilay ni Michelle.
"Any problem?"
"Nahihirapan lang ako."
"Saan?" kunot noong tanong ni Michelle sakanya.
She sighed again. "Sa situation."
"Bakit? Ano ba situation niyo ni Calvin?"
Napapalatak siya at nagkamot sa ulo at walang choice kundi magkwento kay Michelle. Simula nung nangyari nung college sila hanggang sa mga nangyari sakanya sa France hanggang sa ngayong present, iyong mga pangamba at what ifs niya, lahat ng iyon ay ikinwento niya kay Michelle. Wala siyang iniwang detalye.
"You're just not letting yourself free. Parang stuck ka pa sa past mo." konklusyon ni Michelle.
"Maybe nga. I just don't want that to happen again." sabi niya.
Tumango si Michelle. "It's just normal. It takes time pero syempre it needs effort from you to surpass that stage. Hindi naman pwede habang buhay eh takot ka. Aba, tatanda kang dalaga niyan."
Nangalumbaba siya sa mesa at napabuga ng hininga. "Ano'ng gagawin ko?"
Natawa sakanya si Michelle. "Ganyan ba kapag NBSB?"
Ngumuso siya at binato ito ng tissue na ikinatawa lang nito.
"Do you want an honest opinion?"
Tumango siya bilang sagot.
"Okay, opinion ko lang naman 'to. I think, try giving Calvin a chance. To be honest, college palang halata ko na na iba ang treatment ni Calvin sa'yo."
"Kasi nga naaawa siya sakin dahil binubully ako dahil sa katabaan ko." bitter na sabi niya.
Pinitik siya ni Michelle sa noo kaya naman napa-igik siya sa sakit. "Gaga! Iyan kasi, ang nega mo. Hindi isang krimen ang pagiging mataba. Masyado ka kasing sensitive. First thing you have to do is to block those negativity."
"Eh sa iyon ang nararamdaman ko noon. Hindi niyo kasi alam ang pakiramdam na kahit ano'ng gawin ko na isara ang mga tenga ko sa pang-iinsulto ng iba, hindi ko magawa. Masakit na tawagin ka nilang dambuhala, balyena, baboy, at panget."
Michelle sighed and held her hand. "Tinawag ka ba na ganoon ni Calvin? I mean, did you ever heard him say those names to you? Kami, narinig mo ba kami na sabihin sayo ang mga iyan?"
Naisip niya na hindi. Oo, natawag siya ni Calvin ng mataba, si Mella at Ailee, quota ang pagtawag sakanya ng mataba at chubby pero ni minsan hindi siya tinawag ng mga ito na masasakit na pasaring. Tanggap niya ang mataba dahil ganon naman talaga siya.
"Hindi." sagot niya.
"See? Vera, oo mataba ka dati but look at you now, you're fit and has all the curves now. So why can't you just look at the present and just forget the awful memories in the past."
"Mahirap kasi.." bulong niya.
"Try it. Wala naman masama. Isang tanong, isang sagot." sabi sakanya ni Michelle.
Nag-angat siya ng ulo para salubingin ang tingin nito sabay tango.
"Just answer me right after this question. Don't think. Kung ano ang unang pumasok sa isip mo, iyon ang isagot mo." mabilis na bilin nito sakanya tapos diretsong tinanong siya. "Gusto mo ba si Calvin?"
"Yes." mabilis na sagot niya na maski siya ay nagulat sa lumabas sa bibig niya.
Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Michelle. "Iyon naman pala. Pakipot ka lang eh." sabi nito tapos ay binuntutan pa ng mapang-asar na tawa.
-----
COMMENT!
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...