"Calvin!"
Liningon ni Calvin ang tumawag sakanya. It was Vera running towards him.
"Don't run, Vera. Baka madapa ka." suway niya rito.
Hinihingal na nakalapit ito sakanya. Pinigilan niyang mapangiti dahil sa itsura ni Vera. Sobrang pula ng matatabang pisngi nito dahil sa ginawa nitong pagtakbo.
Kinuha niya ang kanyang bottled water sa bag niya at iniabot ito kay Vera. "Oh, inumin mo muna. Sabi kasi na 'wag tatakbo eh, pwede naman maglakad."
Tinanggap ni Vera ang bote ng tubig at ininuman iyon. "Eh kasi malelate na tayo."
Kinunutan niya ng noo si Vera. "Hindi mo ba nabasa ang text ni Xenia? Walang klase."
Nagsalubong ang mga kilay ni Vera. "Ha? Wala ako nareceive eh. Nakasalubong ko pa nga siya kanina tapos sabi eh kita nalang daw kami sa klase."
Kumuyom ang mga kamay niya sa nalaman. Palagi niyang napapansin na paboritong pagtripan ni Xenia at ng mga kaibigan nito si Vera. Hindi niya alam kung napapansin ba iyon ni Vera o isinasawalang-bahala nalang pero hindi siya.
Nang maihatid niya si Vera sa canteen kung nasaan ang iba pa nilang mga kaibigan, nagpaalam siya na may pupuntahan lang sandali. Hinanap niya kung nasaan si Xenia at nakita ito ang mga kaibigan nito sa may botanical garden.
"Xenia." tawag niya sa atensyon nito.
Nilingon siya ng mga ito. "Oh, Calvin." bati nito sakanya. "What's up?"
"Can I borrow your phone?" sabi niya.
Naguguluhan man ito pero ibinigay nito sakanya ang phone nito. He checked the contacts of her phone and found Vera's name. Tama naman din ang number na nakalagay doon.
"You have Vera's number." he stated.
"Ha?" naguguluhang tanong ni Xenia.
He showed her phone to her. "You have Vera's number."
Tumango ito. "Oo nga. So?"
Ngumiti siya. "Nagtaka lang ako kung bakit hindi siya nakatanggap ng text mula sa'yo na walang klase."
Nagtaas ng kilay si Xenia. "So nagsumbong pala sa'yo iyon?"
Umiling siya. "Hindi kailangan magsumbong ni Vera sa'kin para lang malaman ko ang mga pinaggagawa niyo sakanya. I'm telling you, Vera won't fight back because she's an angel unlike you girls. Ulitin niyo pa ulit ito, sasabihin ko sa professor natin ang lahat ng kalokohan ninyo. You know what I mean, Xenia."
He saw Xenia gulped. He didn't waited for her answer and left them. Bumalik siya sa canteen at naupo sa tabi ni Vera.
"Saan ka galing?" tanong nito sakanya.
"Diyan lang. Teka, bakit sandwich lang iyang kakainin mo? Lunch na ah."
"Diet nga ako."
Napapalatak siya at tumayo upang bumili ng kanin at ulam tapos ay iyon ang ibinigay kay Vera.
"Diet diet pa eh. Kumain ka ng maayos."
Napapadyak si Vera. "Ano ba iyan! Paano ako papayat naman kasi!"
Pinitik niya sa noo si Vera. "Huwag mo nga palaging isipin iyang pagpayat mo. Hindi ka naman mataba."
He secretly smiled while watching Vera ate her food with that cute frown on her face. He would love to see her face everyday and later he found out that his wish would come true.
---
"Callie, can you get Victor's bottle please?"
"Here you go, Mama." sabi ni Callie at iniabot kay Vera ang bote ng kapatid.
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...