"Saan mo ba ako dadalhin?"
Narinig ni Vera ang mahinang pagtawa ni Calvin sa kanyang likod. Nakatakip ang isa nitong kamay kasi sa kanyang mga mata habang ang isang braso nito ay nakapalibot sa bewang niya para alalayan siya sa kanyang paglalakad.
"Why are you so impatient, 'by. Surprise nga po kasi."
Umungot siya na parang bata. "Naku-curious na kasi ako eh!"
Muling natawa si Calvin. "Malapit na po, konting lakad nalang."
Tumango nalang siya at hinayaan si Calvin sa paggabay sakanya sa paglalakad. Habang naglalakad sila ay papalakas ng papalakas ang naririnig niyang parang agos ng tubig.
"Hala, 'by. Nasa beach ba tayo?" tanong niya. Inapak-apak niya ang paa sa sahig pero semente naman ang naaapakan niya.
"What do you think?" Calvin asked.
"Hindi eh. Semento 'tong naaapakan ko eh."
Calvin guided her further and she can hear clearly the sound of flowing water.
"We're here." sabi ni Calvin.
Hinawakan niya ang kamay nito na nakatakip sa mga mata niya. "Pwede mo na 'to tanggalin?"
Calvin chuckled again. "Ready? One, two, three.."
Nang tuluyan na nitong tanggalin ang kamay na nakatakip sa kanyang mata ay medyo nanlabo pa ang paningin niya dahil sa tagal niyang nakapikit. Hinayaan muna niya mag-adjust ang paningin at tsaka naging malinaw sakanya kung saan siya dinala ni Calvin.
"Wow.." manghang saad niya nang silayan niya ang lugar sa kung saan siya dinala ni Calvin.
Parang isang private na garden. Pinalilibutan sila ng mga sunflowers. Ang lagaslas ng tubig na naririnig niya ay nanggagaling sa man-made falls sa gilid nila. Sa gitna ng lugar ay may lamesa na pandalawahan sa ilalim ng malaking payong.
"Happy anniversary, 'by." nakangiting bati sakanya ni Calvin.
Kahapon ay nag-celebrate na sila ng kanilang first year anniversary. She said that she loves him for the first time. They just had an intimate dinner that she prepared. Hindi niya alam na may ganitong sorpresa pa si Calvin sakanya.
"Calv, you don't have to." sabi niya.
Calvin smiled and took a step closer to her. He held her hands and kissed them. "I want to, Vera."
She smiled and gave him a peck on the lips. "Thank you."
"Nagustuhan mo ba?"
Masayang tumango siya bilang sagot sa tanong nito. "Sobra."
"I'm happy that you're happy, 'by. Because that's all I want."
She hugged him on his side and looked up to him. "How did you prepared all of these? Magkasama tayo buong araw."
Calvin smiled. "Inalila ko si Marky at Isaac."
Natawa siya sa sinabi nito. "Ikaw talaga. Inistorbo mo pa sila."
Nagkibit ito ng balikat. "Okay lang 'yun sakanila. Para naman kasi sa'yo. Upo na tayo?"
Tumango siya. Giniya siya ni Calvin at siya muna ang pinaupo bago ito umikot sa pwesto nito at naupo sa harapan niya.
Alas kwatro palang ng hapon pero malilim na at hindi na masyadong maaraw. Ang ganda pa ng paligid nila dahil napapalibutan sila ng mga sunflowers.
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...