Twenty

36.8K 1.1K 66
                                    

Bored na bored si Vera sa bahay nila. Kauuwi niya lang galing ospital tatlong araw na nakakalipas at tulad ng napag-usapan nila ng Tatay niya na complete rest siya for two weeks. Ang Nanay niya ang nag-aasikaso sa Le Plaisir hangga't hindi pa siya bumabalik sa trabaho.

"Ay, Vera. Ako na diyan. Baka mabinat ka pa." sabi sakanya ni Manang Adel nang maabutan siya nitong naghuhugas ng pinagkainan niya.

"Hindi na po 'nang. Matatapos ko naman na rin." sabi niya rito. Nakatayo na ito sa gilid niya.

"Kaya ka napapagalitan ng magulang mo ay dahil ang tigas ng ulo mo."

Natawa siya nang sabihin iyon ng matanda. "Nanang, masyado lang sila nag-aalala."

"Aba'y natural lang iyon sa magulang." katwiran nito.

Nilagay niya ang mga pinaghugasan sa lalagyanan. "Wala na po akong sinabi."

"Kapag may kailangan ka ay magsabi ka sa'kin ha?" pahabol na sabi nito nang umalis siya sa kusina.

Dumiretso siya sa sala at binuksan ang TV. Nilipat niya ang channel at saktong naabutan niya na kauumpisa lang ng favorite show niya sa TLC na Cake Boss. Idol niya si Buddy dahil sobrang galing at eksperto ito sa paggawa ng cakes. Marami rin itong alam na techniques at ang mga kaalaman niya ngayon ay sa show nito niya natutunan.

Halos dalawang oras siyang nanuod dahil double episodes ang ipinalabas ng Cake Boss, pagkatapos nun ay wala na siyang mapanuod na iba. She looked at the time and it was only three in the afternoon.

Gustuhin man niya matulog pero hindi naman siya inaantok dahil tanghali na siya nang magising.

Nagbukas nalang siya ng phone niya at tinalo nalang ang score ni Marky sa Everwing sa group chat nila. Matapos nun ay na-bored nanaman siya.

Pwede naman siya lumabas pero saan naman siya pupunta? Hindi niya magulo si Mella dahil busy ito sa nalalapit na exhibit nito at baka nagkampo ito sa studio magdamag. Lahat ng mga kaibigan niya ay nasa trabaho kaya wala siyang maaaya.

Saktong tumunog ang phone niya at rumehistro ang pangalan ni Calvin.

"Hello?" sagot niya sa tawag nito.

"Sorry, late ako tumawag. May inasikaso sa restaurant. Kumain ka na ba?" tanong nito sakanya.

Simula nang makauwi siya ay laging siyang kinakamusta ni Calvin kung hindi sa text o sa tawag, pupunta ito ng bahay niya para lang tanungin siya kung kumain na ba siya o uminom na ng gamot.

Araw-araw iyon at masasabi niyang sa pagkabored niya sa bahay ay masaya siya at tumawag ito sakanya. Wala naman din kasi maghapon ang parents niya dahil nasa trabaho. Tanging si Manang Adel lang ang kasama niya na hindi rin naman niya masyadong nakakausap dahil nagsi-siesta ito sa hapon.

"Yup, kumain na ako." sagot niya at nahiga sa sofa.

"How about your meds?"

"Yes, Calvin. Tapos na rin po." bored na sagot niya tapos ay hindi niya napigilang mapabuntong-hininga.

Narinig niyang tumawa ang lalaki sa kabilang linya. "You're bored, aren't you?"

Huminga siya ulit ng malalim. "Bored na bored na bored!" reklamo niya rito.

"Say what, I'm off to work. Gusto mo lumabas?" pag-aaya nito sakanya.

Napa-upo siya kaagad. "Ilalabas mo ko? Yes! Sige! Now na ba?" excited na tanong niya rito.

"Yes. I'll be there in about... thirty minutes? Ready ka na ba non?"

"Oo! Sige, magbihis na ako. Bye!" sabi niya at mabilis na pinatay ang tawag at umakyat sa kwarto niya upang magbihis.

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon