"Gusto ko siya? Paano nangyari iyon? Hindi naman kasi dapat. Pero bakit gusto ko siya?"
Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Vera sa loob ng kwarto niya. Nang maghiwalay sila ni Michelle ay kaagad na siyang dumiretso na umuwi dahil hindi talaga siya mapakali. Alas otso na ng gabi pero eto pa rin siya at kanina pa palakad-lakad sa loob ng kwarto niya.
"Ano ba talaga, Vera!" naiinis na sabi niya sa sarili.
"Okay ka lang, princess?"
Nagulat siya at napalingon sa may pinto at nakita niya roon na nakasandal sa hamba ng pinto ang Tatay Vin niya at manghang nakatingin sakanya.
"Tay! Nakakagulat naman po kayo." sabi niya rito.
"Nakabukas kasi ng konti 'tong pinto mo kaya nang sumilip ako, nakita ko na parang 'di ka mapakali." sabi nito tapos ay nilapitan siya. "Sino ba iyang sinasabi mo na gusto mo? Si Calvin ba? Kamusta pala ang panliligaw niya sa'yo?"
Umungol siya. "Tay naman eh! Nahahawa ka na kay Nanay sa pagiging tsismosa. Hindi ba dapat tahimik ka lang? Sabi nila Tita Ellaine, tahimik ka lang daw noong bata-bata ka pa."
Natawa ang Tatay Vin niya at tsaka niyakap siya. "Ikaw naman, syempre gusto ko kausapin ang princess ko."
Niyakap niya pabalik sa bewang ang Tatay niya. Pinangako niya sa sarili niya na ang lalaking mamahalin niya ay dapat kapantay man lang ng Tatay niya sa pagiging maalaga, mapagmahal at mabait nito. Para sakanya ang Tatay niya standard. Pantayan o higitan lang ang mga pagpipilian.
"Wala pa si Nanay, 'no?"
Natawa ang Tatay niya at inakbayan siya. "Nagpapasundo nga kela Colyn pero katatawag lang at huwag na raw."
"Tay.." tawag niya rito.
"Hmm?"
"Paano mo nalaman na mahal mo na si Nanay?"
Ngumiti ang Tatay Vin niya na tila ba inaalala ang panahong nahulog ito sa Nanay Erin niya. Iginiya siya nito sa kama niya at naupo sila roon.
"Hindi ko alam eh. Basta malakas ang kabog ng puso ko sa tuwing kasama ko ang Nanay mo." natatawang sagot nito.
"Iyon na iyon?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Your mother is the biggest indenial woman I ever met. She kept refusing her feelings for me. Nasanay na kasi siyang magkaibigan kami at natatakot siya noon na ilagpas pa roon ang relasyon namin pero kasi gustong-gusto ko na siya noon kaya talagang gumawa ako ng paraan para marealize niya na mahal ko siya at seryoso ako sakanya."
Bigla siyang natigilan sa kwento ng Tatay niya. She heard their story a lot of times but this will be the first time that she's hearing it from her father. Madalas kasi ay mga kaibigan ng mga ito o kaya'y ang Nanay niya ang nagkekwento tapos ay tahimik lang na nakikinig ang Tatay niya sa tabi.
"You know what, you're just like your mother." biglang sabi sakanya ng Tatay niya. Tinapik ng hintuturo nito ang tungki ng ilong niya. "Parehas niyong pinapangunahan ang lahat. Wala pa nga, iniisip niyo na kaagad ang resulta."
"Po?"
Natawa ang Tatay niya. "I'm your father, Vera Rae. Alam ko na kaya ka nagtanong ng ganyan ay dahil kay Calvin."
Hindi siya nakapagsalita dahil tama naman ang Tatay niya. Para talagang psychic ang mga magulang niya. They know her too well. Kesyo malungkot, masaya o kaya'y gutom siya, alam ng mga ito iyon sa isang tinginan lang.
"Enjoyin mo iyan, anak. Huwag ka masyadong mag-isip. I'm telling you, being in love is the most wonderful feeling. It's scary but exciting. Huwag kang matakot. Tsaka isa pa, I know Calvin is a good man. Kung saktan ka man niya, edi umiyak ka samin ng Nanay mo. Sasabayan ka pa namin."
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...