Nag-iikot si Vera sa bawat stations ng mga estudyanteng tinuturuan niya. Pinakita niya sa mga ito kung paano gumawa ng blueberry pie. Ngayon, ang task niya para sa mga ito ay gumawa ng sariling version na pie. Pwede silang gumamit ng ibang prutas o main ingredient para sa pie nila.
She took a spoon and randomly taste some of her student's flavors. "It tastes good. Just add some vanilla then it will balance the taste." sabi niya sa isa niyang estudyante.
Ngayong araw ang kanyang cooking class kung saan isinama siya ni Calvin. Nagkaklase ito sa kabilang room. Basta pinaalala lang nito sakanya ang tungkol sa araw na 'to sa pamamagitan ng isang chat sa messenger niya.
Hindi pa rin siya pinapansin ni Calvin. Well, hindi naman din kasi sila nagkikita na masyado dahil sa sobrang busy nila dahil sa trabaho. Ang huling kita pa nila ay iyong tumulong ang mga ito sakanya sa Le Plaisir at isang linggo na iyon nakakalipas.
Balita niya kay Mella nang minsan bisitahin siya nito sa bakeshop niya, sobrang dami raw na customers ang The Santillans at ang iba pa nitong mga branch. Pila-pila rin ang mga reservations para sa mismong restaurant para maghost ng mga company dinners or events.
Pati na rin ang Burger Bar ni Calvin ay dumarami na ang mga parokya. Balita pa niya mula kay Mella ay balak daw na magtayo pa ng isa pang branch na located sa UP Town Center.
Mabuti pa nga si Mella at may balita tungkol kay Calvin. Hindi niya kasi alam kung galit ba ito sakanya o ano. Hindi naman na rin sila nakapag-usap pa nung huli silang magkita dahil umuwi siya kasama ng mga magulang niya. Hindi rin siya nagtangkang magtext, tumawag o magchat dahil ayaw niya lang. Ano naman kasi ang sasabihin niya? Mapapahiya lang siya.
So, tiniis niya nalang na huwag kausapin si Calvin. The only reason why she's acting this way is that she doesn't feel comfortable when she knows that Calvin has some issue with her. Gusto niya napag-uusapan pero ayaw naman ata nito.
Hindi niya rin kasi magets si Calvin. They've agreed in this set-up. Para naman din sakanila. Iwas awkwardness. Katwiran naman kasi niya, sige, sabihin na nilang maging sila ni Calvin, paano kung hindi mag-work at magbreak sila? Ano mangyayari?
Siya alam niya. She will avoid him no matter what. Why? Because she will feel bitter and hurt and it will only start some awkwardness not just in between them, but with all the people that surrounds them, including their friends and families and she doesn't want that to happen. Ayaw niya ng hassle. Kung maiiwasan naman, bakit hindi nila gawin, 'di ba?
Nang sabihin naman kasi niya iyon kay Calvin noon, pumayag naman ito. Kaya hindi niya maintindihan ang inaarte nito ngayon.
"You only have thirty minutes left." anunsyo niya nang mag-ring ang alarm clock niya para i-remind ang oras.
Lumipas ang thirty minutes, nakalatag na sa bawat counter ang mga gawa ng estudyante niya. Tinikman niya iyon isa-isa. Masaya naman siya at lahat ng mga gawa ng mga ito ay masasarap. May ibang medyo hindi tuluyang na-bake ang base pero masarap ang flavor na ginamit. For beginners, they really did well.
She announced her favorite pie and gave the winner Gift Certificates of Le Plaisir.
Pagkatapos ng klase niya ay pinuntahan niya ang kabilang room kung nasaan ang klase ni Calvin. Sumilip siya sa salamin ng pintuan at nakitang kasalukuyang tumitikim ng mga dishes si Calvin. Pansin din niya na halos mga babae ang mga estudyante nito. Bilang lang ata niya sa mga daliri sa isang kamay ang mga lalaki.
Naalerto siya nang pasimpleng hawakan ng babaeng estudyante ang braso ni Calvin nang matapos nito tikman ang dish nito. Hindi niya alam pero bigla nalang siya kumatok ng malakas at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...