Eleven

36K 1.3K 179
                                    

"Nak, tapos ka na ba?"

Nilingon ni Vera ang nanay niyang si Erin nang puntahan siya nito sa kusina. Nakagayak na ito at halatang siya nalang ang hinihintay. Tinakpan niya ang mga tupperware na naglalaman ng mga pagkaing niluto niya.

"Okay na, 'nay. Si tatay ba?" tanong niya pagkatapos bitbitin ang lunch bag na naglalaman ng mga pagkain.

"Nasa labas na, hinihintay nalang tayo."

Sabay sila ng nanay niya na lumabas at doon sinalubong siya ng tatay niyang si Vin. Naglakad ito palapit sakanya at kinuha ang bag na hawak niya.

"Tara na?" tanong nito at pinagbuksan sila ng nanay ng ng pintuan ng kotse.

"Yes!" sagot ng nanay niya.

Tumawa lang ang tatay niya at pumasok na rin sa kotse at nagsimula nang mag-drive. Ilang minuto lang naman ay narating na nila ang sementeryo. Nang magpark na ng tatay Vin niya ang kotse, umikot ito at pinagbuksan sila ng pinto tapos ay kinuha nito sa trunk ang blanket at isang basket na naglalaman ng iba pa nilang gamit. Siya naman ay bitbit ang lunch box at hinintay ang tatay niya at sabay na silang naglakad.

Nang marating na nila ang pwesto malapit sa puno ng mangga, nilatag na ng tatay niya ang picnic blanket tsaka sila naupo roon. Isa-isang inilabas ang mga pagkaing gawa niya at mga kubyertos. Nilabas din ng nanay Erin niya ang isang cake at sinindihan ang isang kandila roon.

"Happy birthday, anak." nakangiting sabi ng nanay niya habang nakatingin sa nitso na nasa harap nila.

John Ervin R. Fortez

"Happy 19th birthday, bunso." usal niya at sinindihan din ang dalawang kandila na nilagay nila sa puntod nito. "Gwapo mo na siguro. Naku, dapat kasing bait ka ni tatay ha?"

"We love you, bunso. We hope that you're happy there. Lagi mo kami babantayan ha? Lalo na ang nanay at ate mo."

Sabay-sabay silang pumikit tatlo at umutal ng dasal para sa kapatid niya tapos ay sabay nilang hinipan ang kandila sa cake.

Eight years and tanda niya sa kapatid. She's 27 now, so kung hindi namatay ang kapatid niya, 19 na sana ito ngayon. Nasa college na sana at sigurado siyang lalaki ito tulad ng tatay niya. Pero kahit na wala na ito, their kingdom will always be complete. Her parents are the king and queen, she's the princess and Ervin will always be their prince.

Nagkakomplikasyon ang pagbubuntis ng nanay niya kay Ervin na naging resulta ay ang maagang panganganak nito sa kapatid. He was just eight months old so kinailangan na i-incubator ito at tutok sa may ICU pero hindi na nito nakayanan at binawian din ng buhay.

After Ervin, her mother didn't get pregnant again, not because she doesn't want to but because she can't anymore. Nagkaproblema ito sa ovaries kaya naoperahan ito at nasabihan na hindi na ito kayang magbuntis pa.

Ginagawa nila ito tuwing birthday ni Ervin. 19 years man na ang nakakalipas, hindi pa rin nila ito kinakalimutan. Sa lahat ng okasyon, binibisita nila si Ervin. Sinisigurado na maayos at malinis ang puntod nito. Mahal nila si Ervin kahit pa na sandali lamang nila ito nakasama.

"How's your business, princess?" tanong ng tatay niya sakanya.

Kahit pa na ang tanda niya na, hindi pa rin nagbabago ang tawag sakanya ng tatay niya kapag sila-sila lang ang magkakasama. He still calls her mother his queen.

"It's doing great, 'tay. Marami pong orders and deliveries." balita niya.

"That's good. Basta if you're having a hard time, sabihan mo lang kami ng nanay mo para makatulong kami."

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon