Proud na nakangiti si Vera nang ilabas niya ang cake niya na hindi sunog at perpekto ang pagkakabake mula sa oven.
"Okay, class. Cool all your sponge cakes and begin decorating them. I'll give you an hour and a half." anunsyo ng propesor nila.
Inilagay ni Vera ang cake sa refrigerator para lumamig muna iyon tapos ay ginawa sa station niya ang icing at filling na ilalagay niya para sa cake. Sisiguraduhin niyang masarap ito dahil importante ang pagbibigyan niya ng cake.
After thirty minutes, inilabas na niya ang sponge cake sa ref at sinimulan ng i-ice at i-decoraten. She cut the cake in half and fill it with the filling she made then iced the whole cake and do some piping for it's decorstions.
She piped the name 'Calvin' on the board where the cake is placed.
Today, aamin siya kay Calvin na gusto niya ito. Calvin was always good to her throughout college. Naaalala pa niya noong sophomore pa sila, there was a guy named Pierre who talked bad things about her behind her back. She liked the guy kaya sobrang nasaktan siya nang malaman na ganoon ang tingin nito sakanya. But then, the day after that she found out that Pierre has some bruises on his face at ang sabi ay sila Calvin at Marky daw ang may kagagawan nun.
Since then, Calvin was always by her side. He's always protective, he scolds her when she doesn't want to eat, he cooks her food, he reminds her about their classes together, and he's only talkative when it comes to her. Alam niya iyon. Kahit sa iba pa nilang mga kaibigan, hindi ito palasalita.
Third year college sila nang maramdaman niya na hindi na normal ang nararamdaman niya kay Calvin. Gusto niya ito. Mahal na nga niya ata ito. Calvin was the only guy who made her special. Ito iyong nagparamdam sakanya na walang problema sa pagiging mataba. Calvin boosted up her confidence. Hindi na siya nagpapaapekto kapag may tumatawag sakanyang baboy o balyena kasi nandiyan naman si Calvin. She has Calvin.
Nakangiting ini-ribbon niya ang box na naglalaman ng cake na gawa niya. Ngayon, kailangan nalang niya ito ibigay kay Calvin. Dalawang linggo nalang ay graduation na nila. Busy na silang lahat sa paghahabol ng mga klase at pagpasa ng mga requirements. Sana lang ay mahanap niya kaagad si Calvin.
Pagkatapos ng huling klase niya ay dumaan muna siya sa banyo para tignan ang itsura niya. Inipit niya sa likod ng tenga ang buhok niya at naglagay ng pulbos sa mukha. Naglagay din siya ng lip tint sa kanyang labi at nagwisik ng kaunting pabango. She smoothed her blue dress that she and her nanay bought yesterday at the mall.
Huminga siya ng malalim at ngumiti sa repleksyon niya. Lumabas siya ng banyo at saktong nakita niya si Calvin paliko sa kabilang pasilyo. Huminga ulit siya ng malalim at sinundan ito.
She was about to turn when she heard some voices so she stopped and remained hidden from the wall. Sumilip siya at nakita si Calvin na kasama ang mga kaibigan nito.
"Kamusta na kayo ni Darlene? Sinagot ka na ba?"
"Oo, pre." dinig niya ang saya sa tinig ni Calvin nang sagutin nito ang tanong ng kaibigan.
Narinig niya ang pag-high five ng mga ito at pagkakantsawan ng mga kaibigan ni Calvin.
"Akala ko talaga nung una si Vera ang gusto mo."
She stood up straight when she heard her name. This situation seems like deja vu.
"Vera's my friend. Why would you think that I like her more than a friend?"
"Dude. Usap-usapan kayo lagi sa campus. Para kayong fairytale couple, isang sikat at hot na hot na lalaki nainlove sa isang... uhm, malusog na babae?"
BINABASA MO ANG
Bliss [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa kanyang paglaki, wala siyang pakealam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging chubby niya hangga...