Twelve

34.4K 1.3K 251
                                    

Malakas na tinulak ni Vera si Calvin nang nasa may parking lot na sila. Kanina matapos nilang mag-dinner, nagpalusot siya sa mga magulang nila na magpapasama siya kay Calvin pabalik ng Le Plaisir dahil may nakalimutan siya. Mabilis naman pumayag ang mga ito.

"What are you doing back there?" galit na sabi niya rito.

Calvin raised both of his hands. "Whoah. What's with that angry face?"

Inis na tinulak niya ulit ito kaya napaatras ito ng ilang hakbang. "You know what I mean, Calvin. Ano ba problema mo?"

"You wouldn't understand, Vera."

"Then don't do that again!"

Sumeryoso ang mukha ni Calvin. His eyes bore into her. "What if I don't?" sabi nito habang unti-unting lumalapit sakanya.

"Then.. then I'll make you stop!"

Umangat ang sulok ng labi nito at binulsa ang magkabilang kamay tsaka ito tumigil sa harap niya. Bahagyang nakatingala siya dahil sobrang lapit nito sakanya tapos ay matangkad pa ito. He's looking down to meet her eyes as well.

"Diyan ka naman magaling eh. Making me stop everytime I try to get close to you."

Hindi siya kaagad nakapagsalita sa sinabi nito. Bigla siyang kinabahan at bigla nalang naumid ang dila niya. Bumuntong-hininga si Calvin at lumayo ng kaunti sakanya.

"Why is it so hard to unlove you, Vera Rae?" Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Calvin habang nakatingin ito sakanya gamit ang mga mapungay nitong mga mata.

"A-Ano ba iyang sinasabi mo?" kaila niya. Gusto niyang itanggi sa sarili niya ang mga lumalabas sa bibig nito.

"Hanggang ngayon pa rin ba nagmamaang-maangan ka pa rin sa nararamdaman ko sa'yo?"

Pagak siyang tumawa. Iyon lang ang pumasok sa isip niya sa oras na 'to. "Calvin, huwag na tayo maglokohan. You're dating so many girls and don't deny that you're fucking your girls as well tapos ngayon, ngayon sasabihin mo sa'kin na mahal mo ko? Walang babae ang maniniwala sa sinabi mo."

"Because that's what you told me to do!" sigaw sakanya nito dahilan para matigilan siya sa iba pa niyang sasabihin.

Calvin breathed out loudly. He brushed his hair and his face trying to hold his anger towards her. Nameywang ang isang kamay nito tapos ang isa ay nasa may labi nito. Anger, irritation, sadness, and frustration, halo-halo na ang nakikita niya sa kilos at mukha ni Calvin.

Totoo naman kasi ang sinabi niya. Sino ang maniniwala na mahal siya nito when all he does is to date several girls and fuck them after? Is that even love?

"One year ago, Vera. You told me to date other girls. Iyon ang sabi mo sa'kin. Iyan, ginagawa ko naman. Sinunod kita. Pero tangina, kahit ilang babae pa ata ang ikama ko o halikan ko, hindi ka pa rin mawala sa sistema ko. Sa'yo pa rin ako bumabalik."

"Tama na." pigil niya rito.

"Bumalik ako kasi nagbabaka-sakali ako na baka pwede na. Baka pwede naman natin subukan? Baka pwede naman sana ako naman ang pakinggan mo."

"Tama na!" sigaw niya rito.

"No! I won't fucking stop! It's about time for me to fight my love for you. Hayaan mo naman sana ako na ipakita at iparamdam sa'yo na seryoso at sigurado ako sa nararamdaman ko sa'yo."

Napailing siya sa mga sinasabi ni Calvin sakanya. Tuluyan ng bumuhos ang mga luha niya. Ayaw niyang maniwala. Nahihirapan siyang maniwala. Imposible naman na mahalin siya nito. Siguro nagi-guilty ito sa namagitan sakanila noon?

Narinig niyang bumuntong-hininga si Calvin. "I'll start again, Vera. This time, I won't let you stop me from loving you."

Simula ng gabing iyon, hindi naglalalabas ng bahay si Vera. Kapag nasa Le Plaisir siya ay nagkukulong siya sa kusina at mahigpit na binilin sa mga empleyado niya na bawal magpapasok na kahit sino sa kusina. Sinabihan din niya ang mga ito na sabihing wala siya sa kahit sinong maghanap sakanya.

Sa tatlong araw niya ng nagtatago, hindi na niya pa nakita si Calvin. Walang palya itong pumupunta sa Le Plaisir at hinahanap siya pero hindi niya ito nilalabas. Laging may dalang bulaklak si Ted sa tuwing papasok ito sa opisina niya pagkatapos umalis ni Calvin tulad na lamang ngayon.

"Oh, ma'am." abot nito sa bulaklak.

"Pakilagay sa vase." utos niya nang hindi man lang sinusulyapan ang bulaklak na dala nito.

Hindi na nagsalita pa si Ted at sinunod nalang ang utos niya. Lumabas na ito ng opisina niya. Ilang segundo lang ay narinig niya bumukas ang pinto at sumara.

"May nakalimutan ka ba, Ted?" tanong niya nang hindi parin nag-aangat ng tingin mula sa mga inventory na binabasa niya.

She heard the door lock kaya nag-angat siya ng tingin at napaatras kasama ang upuan nang makita si Calvin sa harapan niya.

He has that 'you-can't-get-away-now" serious look on his face. His lip is tightly shut and she can see his jaw clenching as if he's trying so hard not to shout at her.

"Get out." sabi niya rito na ikinangisi lang ni Calvin.

"I told you, Vera. I won't let you boss me around. Ang gusto ko naman ang masusunod ngayon."

"And what if ayaw ko?" nakataas ang kilay na tanong niya rito.

Ngumiti ng matamis ito. "Magugustuhan mo rin naman soon."

"Get out, Calvin." kalmadong sabi niya rito.

Mas lalo itong nang-inis lalo na nang umikot ito sa tabi niya at maupo sa lamesa niya paharap sakanya.

"I want to see you. Three days mo na ako pinagtataguan. Don't think you got away so easily. I just let you be for a while to give you some time to digest the fact that I'm hopelessly inlove with you."

Okay, kalma heart, sabi niya sa puso niyang bigla namang rumigodon dahil lang nakarinig sa pambobola ni Calvin sakanya.

Tumikhim siya at tinignan ito ng seryoso. She's trying so hard to keep her poker face as it is. "I don't have time for your jokes. Busy ako."

"Busy naman din ako but I just really want to see your face." nakangiting sabi ni Calvin.

She looked at him boredly. "Iyan, nakita mo na mukha ko. Pakisara ang pinto pagkaalis mo." sabi niya rito.

"I'll leave if you give me one smile."

"Alis na."

"One smile, Vera. Promise, I'll leave your office."

She sighed loudly. Nilakasan talaga niya para ipaalam dito na naiinis na siya. She turned to Calvin and gave him a fake smile but she was surprised when he leaned in and gave her a peck on the lips.

"Sweet." he whispered just right above her lips and then kissed her again before standing up and walked to the door.

He was holding the door open when he turned to her.

"Oo nga pala. Nakapagpaalam na ako kela Tito Vin at Tita Erin para ligawan ka. Halos dalawang oras din ang interrogation but I survived as you can see. Just wanted to let you know that I already got their approval to court you. Bye, Vera. Drink your meds, okay?"

Nasarado na ang pinto pero nakatulala pa rin siya sa kawalan. Malakas ang pagkakauntog niya sa lamesa nang biglaan siyang yumukyok doon. She groaned loudly because she doesn't know what to do anymore. Calvin is so persistent and she hates it because she's slowly loving it.

----

COMMENT . COMMENT. COMMENT
Gusto ko madaming comments bago ko magupdate ulit hahahahaha gustong gusto ko nagbabasa ng mga comments nyooo eh

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon