Twenty-two

36.2K 1.3K 144
                                    

Tulad ng pangako sakanya ni Calvin, dinala siya nito sa Le Plaisir. Nasalubong pa nila ang Nanay Erin niya na palabas ng kusina kausap ang manager na si Ted. Nang makita siya nito ay kaagad na kumunot ang noo at pinuntahan sila.

"Matigas talaga ang ulo mong bata ka!" Pinagalitan talaga siya nito sa harap mismo ng mga staffs niya pati na rin sa harap ni Calvin.

She groaned. "Nanay naman. Malaki na ako para pagalitan."

Napa-aray siya nang pitikin siya ng Nanay niya sa noo. Pinaningkitan naman niya ng mga mata si Calvin na hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagtawa nito.

"Kahit na! Nanay mo pa rin ako. Tsaka nakatira ka pa rin sa pamamahay ko."

Ngumuso siya sa nanay niya. Kahit gustong-gusto na niya bumukod ay ayaw siyang payagan nito. Kondisyon ng nanay niya ay pwede lang siya bumukod kapag nag-asawa na siya. Pero hindi na niya isinatinig iyon dahil alam niya na magagalit na ng tuluyan ang nanay niya. Sa bahay nila, ito ang batas. Reyna kasi eh. Eh prinsesa lang naman siya.

"Tita, I brought Vera here kasi may date kami. Don't worry she promised me that she'll not step her feet inside the kitchen or kahit pa na lumagpas pa sa counter."

Tinignan ito ng Nanay niya tapos ay nilipat ang tingin sakanya tapos ay biglang ngumiti. Nangunot ang noo niya nang mabilis na magbago ang ekspresyon nito.

"Okay, Calvin. May tiwala ako sa'yo." matamis na ngiti ang ibinigay ng Nanay niya kay Calvin tapos ay pagbaling sakanya ay pinisil nito ang pisngi niya. "Behave, princess."

Hinihimas-himas niya ang nasaktang pisngi nang alisin ni Calvin ang kamay niya at ito ang humaplos sa pisngi niya. "Namumula na." natatawang sabi nito.

"Mabigat iyang kamay ng Nanay ko eh." sabi niya nalang.

He did one final stroke of his thumb against her cheek then he held her hand. "Let's order some cake. What would you recommend?"

"Devil's choice." sabi niya at tinuro ang triple chocolate cake nila na coated sa chocolate ganache topped with different kinds of chocolates.

"Hindi kaya magka-diabetes ako niyan?" tanong nito habang tinititigan ang cake na itinuro niya rito.

"Sabi mo mag-recommend ako?"

Calvin turned to her and smiled then they went to the counter.

"Hi, Ma'am Vera! Maayos na po ba pakiramdam ninyo?" magalang na bata sakanya ni Nicole na ngayo'y nakatoka sa counter.

Tumango siya at nginitian ang dalaga. "Yup. Pero two weeks pa bago ako pumasok dito at tsaka Nic, dalawang slice ng Devil's Choice."

"One lang." singit sakanya ni Calvin.

"Ba't one lang?" nagtataka niyang tanong rito.

"Hati nalang tayo." sabi nito.

Umungot siya. "Ayaw ko nga. Kaya ko ubusin ang isang slice!"

"C'mon. Hindi ko mauubos ang isang slice."

"Oh, edi ako uubos."

Calvin clicked his tongue and shook his head in disapproval. "Too much sweets is bad po. Kaya one slice lang, okay?" he sweetly said to her then turned to Nicole that is just watching them with amusement. "One slice of Devil's Choice, please. And two bottles of water."

"Sige po sir. Serve nalang po sa table ninyo." sabi ni Nicole at tsaka kumilos upang ayusin ang order nila.

Hinila naman siya ni Calvin at sa may malapit lang na lamesa sila pumwesto. He was busy texting but his hand is still holding hers. Wala naman siya reklamo dahil gusto rin naman niya.

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon