Nineteen

35.8K 1.1K 79
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nandito si Calvin last year?"

Hinarap ni Vera si Mella na busy sa pagngata ng oranges na dala nito na dapat ay para sakanya pero ito lang din ang kumakain.

"Sabi niya huwag sabihin eh."

"Kahit na. Dapat alam ko iyong bagay na iyon." katwiran niya sa kaibigan.

"Eh ang sabi nga niya huwag sabihin." sagot nito habang nginunguya ang orange.

"Dapat sinabi mo parin."

Malakas na pumalatak si Mella at itinabi ang platito na may mga piraso ng orange. "Eh sabi nga niya huwag! Teka nga, kanina pa tayo paulit-ulit eh. Bakit ba ako ang inaaway mo diyan? Mamaya pagbalik ni Calvin, siya ang awayin mo."

Huminga siya ng malalim. "I just wished that I knew."

Naupo si Mella sa gilid ng kama niya. "Bakit? What difference would it make if you knew he came home for you?" nakataas na kilay na tanong nito.

Hindi siya nakasagot sa tanong ni Mella. May magbabago nga ba kung alam niya na umuwi si Calvin nang malaman nito ang nangyari sakanya? Meron ba? Kinapa niya ang nararamdaman. Wala naman din. Ganoon pa rin siguro. Baka ipagtabuyan pa rin niya ito palayo sakanya. Kasi ganoon siya katanga. Ganoon siya katigas. Alam niyang nakakainis na siya. Naiinis naman na rin siya sa sarili.

"Ewan ko sa'yo. Alam mo, ang gulo mo. Hindi ko alam kung gusto mo si Calvin o hindi. Basta sa ngayon, nakikita ko na gusto ka talaga nun. Ewan ko lang sa'yo." sabi ni Mella at bumalik na sa monoblock chair sa gilid ng kama niya at kinuha muli ang platito ng oranges at kinain ulit ang mga iyon.

Bumisita sakanya lahat ng mga kaibigan niya pati na rin ang mga magulang ng mga ito. Okay na rin ang Nanay niya at hindi na siya nito sinesermunan. Marahil ay nasabi ng Tatay niya ang pinagkasunduan nila nung isang araw na magpapahinga at babawasan na niya ang pagtatrabaho niya. Alam din nito na binilin din siya ng Tatay Vin niya kay Calvin kaya naman mukhang napanatag ang Nanay niya.

Speaking of Calvin, he's always by her side everyday. Aalis lang ito sa tabi niya kapag kukuha ng pagkain, pupunta sa CR, o kaya'y uuwi para kumuha ng damit at maligo.

Minsan nang magising siya ay naabutan niya itong nakayukyok sa gilid niya. She stroked his hair that day. Mukhang pagod na pagod kasi ito sa pagbabantay sakanya. Kung tutuusin, hindi naman siya obligasyon ni Calvin pero ito siya sa tabi niya at inaasikaso at inaalagaan siya. Nag-leave ito sa trabaho at pinahandle muna ang sariling negosyo sa Dad nito habang nandito ito sa ospital at sinasamahan siya.

Tao naman siya. Aaminin niya na she's starting to recognize his efforts for her. She's thankful for his help and presence. She's slowly opening up her gates for him but not entirely. Kumbaga, glimpse lang. Ayaw niyang itodo dahil hindi pa siya handa. She has so many issues with herself that she needs to fix first before getting herself involve with someone.

Right now, she chose to let Calvin stay by her side. May walls pa rin siya pero hindi na ganoon kataas tulad ng dati.

"Si Calvin?" tanong ng Nanay niya nang magsiuwian na ang mga kaibigan niya. Seven na rin ng gabi at patulog na rin siya dahil pinainom siya kanina ng gamot.

"He said that he'll be here at eight." sagot ng Tatay Vin niya.

"Sige na, nanay. Uwi na kayo ni tatay. Papunta naman na si Calvin." sabi niya sa mga ito.

Lumapit ang Nanay Erin niya sa kama niya at inayos nito ang kumot niya. "No, we'll wait for him. Hindi ako mapapanatag kapag iniwan ka namin mag-isa dito. Aalis kami pagdating ni Calvin."

Bliss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon