Chapter Six

1.2K 159 44
                                    

Chapter Six. Friendship Grows

Ssej Gian Mendoza

I just wearing this pouter face. Pati ba naman ang baguhang apo ni Mama Ayesha ay matakaw sa icecream?

Kayesmile Ayesha Garcia, sana pati lalagyan ng icecream nilunok mo na lang.

Di bale na, I'm sure nagawa na niya ang inuutos ko. Mabuti na iyon sa kanya at nang matuto naman.

Oo nga pala. Silipin ko kaya siya. I must see to it kung nilinis nga ba niyang talaga iyon.

Nasa kusina na ako nang mapansing wala na rito si Kayesmile. Saan siya pumunta?

Very good. Umarko ang isa kong kilay nang mapansing malinis na ang sahig na nadudumihan ng icecream kanina.

Marunong naman palang maglinis ang dirty face na iyon. Ang buong akala ko ay mga tamad ang mga mayayaman pero hindi naman pala lahat.

Minsan ay nakakainis ang mga anak mayaman hindi porket marami silang pera, sikat, tinitingala ng lahat ay napakayabang na.

Nowadays, maraming ganoon kaya nagpasalamat na rin ako na kahit lumaki akong mahirap ay masaya pa rin ako.

Pero siguro hindi nga lahat dahil mga mababait at masipag magtrabaho ang mga anak ni Mama Ayesha kahit hindi ko nakikita ang mga ito sa hacienda.

Oo nga pala, mababait din ang mga apo ni Mama Ayesha na sina Nathalie at Lorraine na kahit pa man minsan mga pasaway ang mga iyon. Speaking of the two ay hindi na lumalabas ng kwarto.

Back to reality. Nasaan na kaya ang Kayesmile na iyon? Gusto ko lang naman asarin si dirty face, eh.

Ang sama kasi ugali ng babaeng iyon sa una naming pagkikita. Ang tanga-tanga rin naman kasi niya noon, eh. Paano kasi laking siyudad kaya ganoon pero sorry siya dahil hindi siya makakaapak sa akin.

Pero ang ganda niya. Uy! sinabi ko ba iyon?

Asa siya!

Namumula ang pinkish niyang pisngi sa tuwing inaasar ko siya. Pero wait, hindi ko siya nakitang ngumingiti. Bawal ba sa kanya ang ngumiti?

Naalala ko noong pinagtatawanan namin siya sa kusina. Hindi ko nakitang ngumingiti siya bagkus ay napipikon pa sa tawanan namin.

Ay! Ano ba Gian, pakialam mo ba sa dirty face na iyon?

"What a beautiful butterfly. Dalawa pa kayo, ha? Siguro mga lovers kayo, no? Mabuti pa kayo ang saya-saya ninyo."

Huh?

Saka ko lang namalayan na dinala pala ako ng aking dalawang paa rito sa garden ni Mama Ayesha at narinig ko iyon. May tao ba rito sa garden?

Agad akong nagkubli sa mayayabong na dahon ng isang halaman. Napatutop ako sa bibig sa kung sino mang nilalang ang nandoon. Si Kayesmile.

Kinausap niya iyong dalawang paruparo. Nature lover ba siya? Malamang hindi may mga butterfly ba sa siyudad?

Tinitingnan ko siya nang matagal. Nang magsipag-alisan na ang dalawang paruparo ay  umupo siya at biglang nag-iba ang expression ng mukha niya.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now