This chapter is heartedly dedicated to JeninaTesico ErickaASalon dharlymay KyRu_NicoZiel REYNAngSAPIRO
Chapter Sixteen. Caresses
Ssej Gian Mendoza
The moment when I kissed her, I felt like I'm floating in the air. Sa loob-loob ng puso ko, this is it. Sobra ko siyang na-miss sa mga panahong umuwi siya rito sa Manila. Hindi ko naman inaasahan ang nararamdaman kong iyon.
Sa tuwing nag-iisa ako sa hacienda ay madalas kong pinupuntahan ang mga lugar na napuntahan namin ni Kayesmile.
Ang batis kung saan sabay kaming naliligo roon. Ang putikan na sa unang pagkakataon bumagsak siya roon.
Ang puno ng niyog na kung saan umaakyat ako at kumukuha ng bunga ng buko. Ang hitsura niyang tila nababalutan ng pag-aalala at pangangamba na baka mahulog ako.
Ang isang Kayesmile na sa kaunting panahon na nakilala ko siya ay nagbibigay siya ng halaga at puwang dito sa puso ko.
Ang mga kakulitan niya noong pinuntahan niya ako sa kubo at sinaluhan niya ako sa niluto kong nilagang camote ay nakakatuwa.
Siya iyong tipo ng tao na kahit angkan ng mga mayayaman ay hindi mapili sa mga taong nasa paligid niya.
Ang Kayesmile na tinatawag kong dirty face. Ang Kayesmile na kilala ko sa sobrang matakaw sa kahit anong klaseng pagkain.
Hindi ko nakakalimutan ang ice cream na inilagay ko sa loob ng refrigerator. Ang pizza cheese flavor na nilalantakan niya. Ang Kayesmile na muling bumuo sa mundo ko sa pangalawang pagkakataon.
Ang Kayesmile na hindi mo maiintindihan ang pag-uugali pero iba ang natatanging kabaitan. Makulit, palaasar, at iba rin kapag nagagalit.
Sa tuwing inaasar ko siya ay namumula ang pinkish niyang pisngi. That time na naikwento nina Nat at Rain ang tungkol sa kanila ng ex niya ay nagagalit at naiinis ako sa ex niya. How dare him para saktan si Kaye.
Ang Kayesmile na binansagan akong unggoy at ugly face. Ang Kayesmile na ginuguhit ang sarili ko na naglalambitin sa isang puno ng mangga.
Sa araw ng pag-alis niya ay hindi niya alam na nakasulyap lang ako sa kanya sa malayo. Sa panahong iyon ay hindi pa ako sigurado sa feelings ko sa kanya. Iniisip ko na isang hamak na mahirap lang ako. Inaanak ng Lola Ayesha niya, tinutulungan sa pag-aaral, katiwala ng lola niya sa hacienda.
Sa loob-loob ko ay malabo akong magustuhan ng isang Kayesmile Ayesha Garcia.
Pero my heart whisper to me in so many times. A background status is not important as long as you really love the person. On that matter, I really assure myself. But one day ay narealized kong unti-unti na pa lang tumitibok ang puso ko para kay dirty face.
Somebody noticed my sad facial expression. Kahit na nasa field ako ay tahimik lang. Kahit si Mama Ayesha ay napansin ang kakaibang kilos ko kaya kinausap niya ako.
Flashback
Nakatanaw ako sa malayo habang hawak-hawak ko ang sketch pad na nakita ko sa room ni dirty face. Pambihira naman siya, oo.
"Anak, hindi ka pa ba kakain?" narinig kong bungad sa akin ni Mama Ayesha.
"Mamaya na po, mama." wala sa sariling sagot ko.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...