Chapter Thirty-Three

736 62 3
                                    

Chapter Thirty- Three. Facing the circumstances

Kyla Jannah Villar

Hinihintay namin ang maaring sagot ni Gian ngunit nananatili siyang walang imik. Mukhang wala siya sa sarili at tulala.

Natigilan na lang ako nang bigla niyang pinunasan ang mga luha sa mga mata niya.

Ano nga pala ang nangyari kay Jules? Masyado bang komplikado?

"Gian, anong nangyari, huh? Bakit magkasama sina Jules at Kayesmile?" natatarantang tanong ni Honey Chayll sa nobyo ng kapatid niya.

"Gian, magkapatid ba kayo ni Jules? Paano nangyari iyon? Ipaliwanag mo naman. Ang alaga ko okay lang ba siya, huh?" sunod-sunod na tanong ni Yaya Flora kay Gian.

"It's a long story. Si Gian ang nawawala kong anak noon. Pero hindi ko alam kung bakit umabot pa sa ganito ang lahat. Hindi matatanggap ng anak kong si Jules na si Gian na ang mahal ni Kayesmile ngayon. Nagkagulo sila sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang ibinabalak ng anak ko laban kay Kayesmile. Mabuti na lamang at dumating si Gian--" hindi na natapos pa ang susunod na sasabihin ni Doc. Samantha nang bigla na naman siyang humahagulgol ng iyak.

"Excuse us at saka na ako magpaliwanag." mabilis na sabi ni Gian at dahan-dahang inilalayan si doc. papalayo sa amin.

I understand Doc. Samantha's feeling now. I hope and pray na ligtas pareho sina Jules at Kayesmile mula sa aksidenteng iyon. I'm so worried now.

Napahikbi na lang ako sa ideyang kahit na sinaktan ako ni Jules noon pero isa pa rin siya sa mga kaibigan ko. Si Jules na minsan ko ng minahal. Si Jules na palaging nasa tabi ko noon sa tuwing walang panahon sa akin si Chayll.

Agad akong hinawakan ni Honey Chayll sa braso nang mapansing lumabas na ang doctor mula sa isang room na katabi sa room ni Jules. If I weren't mistaken, si Kayesmile ang nandoon sa loob.

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doctor sa amin.

Napatango sina Honey Chayll at Yaya Flora. I just nodded also dahil magiging parte na rin ako ng pamilyang Garcia soon.

"Doc, kumusta ang kapatid ko? Maayos lang ba ang lagay niya?" agad na tanong ni Honey Chayll sa doctor. Kinakabahan na rin ako sa magiging sagot nito.

Bakas sa hitsura ni Honey Chayll ang sobrang pag-aalala. I can sense on his action.

"Doc. kumusta na ang alaga ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Yaya Flora. Siya ang tumatayong ina sa magkakapatid na Chayll at Kayesmile habang nasa States ang mga tunay na magulang ng dalawa.

"Doc. kumusta po si besshy?" nauutal na tanong ko. Alam kong sobrang hirap ng pinagdaanan ni Kayesmile ngayon. Sana magiging okay ang lahat.

"She's under observation. I can't promise if she'll be in a stable condition. But anyways, minor injuries lang naman ang natamo niya unlike Jules who was now in a critical condition. Your sister, Mr. Garcia would wake up as soon as possible unless she can survive. The patient has that scrapes and bruises on her left and right arms pero as I have said once she can survive, she'll be safe." mahaba-habang pahayag ng doctor.

Nagkatinginan na lamang kaming tatlo ni honey at Yaya Flora. Alam ko ang nasa isip nila. Napahikbi naman si yaya habang nakasandal ang balikat nito kay Honey Chayll.

I just sighed for how many times. Lord, don't let my besshy die. Heal her wounds, bruises and scrapes. Make her recover and survive. One more thing, please don't let Jules die.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now