Chapter Thirty-Nine

666 43 1
                                    

Chapter Thirty-Nine. Bakit May Paalam?

Point Of View

Kayemile Ayesha Garcia

Paulit-ulit na nag-sink in sa utak ko ang huling nangyari noong nasa hospital pa ako. Ang sakit sa puso ko dulot ng paglisan ni ugly face ko sa buhay ko ay hindi ko nakayanan.

Nawalan ako nang malay that time at kusang tinulungan ng mga doctors at nurses. Nang magising na ako ay natagpuan ko ang sarili kong umiiyak.

Hindi ako iniwan ni Besshy Kyla at ni kuya. Hindi ko alam kung galit ba sila sa ginawa ni Gian sa akin dahil ni isang salita mula sa kanila ay wala akong naririnig.

They only showed how they supported me. Batid sa mga kilos nila na nasasaktan sila para sa akin.

Si Lola Ayesha ko naman ay hindi rin nagpapahuli. Luhaan niyang sinabi sa akin ang mga plano ni Tita Samantha.

Gusto ng puso kong tanggapin ang lahat ng iyon. Lumayo raw si Gian dahil sa utos ng ina nito. Lumayo raw si Gian para sa akin. Lumayo rin ba si Gian dahil natanggap na niya na kung hindi dahil sa akin ay hindi mamamatay ang kuya niya?

Pero Gian, hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi ang pag-iwan sa akin ang solusyon ng lahat. Naduwag ka na ba?

Ilang araw akong nagmumukmok sa bahay pagkatapos kong makalabas ng hospital. Pinilit ko ang sarili ko kahit hindi ko kaya. Sa tuwing umiiyak ako ay  ramdam na ramdam ko na para akong nawalan ng isang paa.

Gian left me all alone. Ni hindi niya nagawang komuntak sa akin pagkatapos sa text niyang iyon.

I slowly closed my eyes and took a deep silence. My christmas isn't had happiest moments. Mas lalong naging malungkot lang ito.

Magaling na ako mula sa mga sugat at galos na natamo ko mula sa aksidente. Ang masakit lang sa akin ngayon ay ang iniwan ako ni Gian. He left my heart in pain. He left my eyes in tears.

Gian ko... Babalik ka pa ba? Gusto kong magalit sayo, gusto kitang kamuhian pero hindi ko kaya... Ang tanging alam ko lang ngayon ay ang umiyak nang umiyak.

Noong araw na lumabas ako sa hospital ay agad akong pumunta sa bahay ng totoo niyang ina upang hanapin siya ngunit nabigo lang ako. He wasn't there. Kung saan-saan ko siya hinanap sa mga panahong iyon.

Napilitan pa akong bumalik sa probinsya upang hanapin siya ngunit isang luhaan na Nanay Sandra niya ang naabutan ko.

Pinuntahan ko rin ang mga lugar kung saan tinatambayan namin noon ngunit wala siya. Hanggang alaala na lang talaga ang lahat.

Sa tuwing nakikita ko ang couple t-shirt naming dalawa at ang couple keychain namin na kung saan may mga pangalan namin na nakalagay ay napapaluha talaga ako.

Wala na si Gian. Wala na siya. Bakit ganoon? Bakit kailangang umabot pa sa ganito ang lahat?

Si Mama Ayesha na nagsisilbing ina ni ugly face ay wala siyang ibang hinahangad kundi sana balang araw ay babalik din si Gian.

Sinira mo ang pangakong iniwan mo sa akin, Gian. You ruined all of those love and promises.

Pinahid ko ang mga luhang namumuo sa mga mata ko. Ayoko ng umiyak. I don't want to see myself suffer like these.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now