Chapter Twelve. First Day Of School
Kayesmile Ayesha A. Garcia
Days passed by after I enrolled, here I am now in Ascott University. Magkasabay kami ni kuya kanina sa hallway. Pumasok na rin siya sa Business Administration department.
Ako naman ay nasa labas pa ako ng room namin at kasama ko ang mga classmates ko. Walang sawang pinagkukurot ang pisngi ko at pinagkukunan nila ako ng picture at higit sa lahat ini-interview nila ako.
Ang kulit nila. Sabagay, I can't blame them dahil two weeks din kasi kaming hindi nagkikita.
This will be my last semester in school. Kapag graduating, sunod-sunod na project, pagpupuyat at syempre hindi nawawala ang thesis thingy gaya ng ibang graduating students. Pero I know na kaya ko with God's help.
"Kayesmile, tumaba ka ng kaunti." puna sa akin ni Louise Shein Allegre.
Aside from Kyla, my closest traitor fickle friend, Louise is one of my friend in our room.
Louise Shein is smart, beautiful and funny. She has that colored brown chinita eyes, straight colored black long hair, round face and a well fashion girl.
Maybe, I didn't mention her as one of my friend kasi hindi namin kami as in super close.
Nginitian ko lang siya, "Siyempre, maraming pagkain sa province." saad ko.
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. Gaya sa mga pinsan ko ay adventure lover din ang gaga na ito.
"Kayesmile, ang daya mo! Nagpunta ka pala sa lola mo? Whoah! Hindi mo man lang ako isinama. Ang alam kasi ng lahat ay nagbabakasyon ka sa beach ninyo, girl." She said with a dahan-dahan tone.
Isa pa ito, eh. Oo nga pala, minsan na kaming nagswimming sa beach namin kasama ang buong classmates ko that time na nanalo ang department namin sa Math Quiz Bee.
"Hello, Kayesmile." sabay-sabay na bati sa akin ng Dance Fellow Groups na dumaan sa tabi namin. I gave my sweetest smile to them.
"Hi, Kaye." nakangiting bati sa akin ng isang accountancy student. Nag-response rin ako ng hello sa mga ito.
"Hi, Miss Ascott." sunod-sunod na bati sa akin ng iilang mga kababaehan na dumadaan din sa amin. They were in Engineering Department.
Nakakahiya naman na tawagin nila akong Miss Ascott dahil sa pagkakaalam ko ay next year iba na ang Miss Ascott University title holder at hindi na ako iyon.
"Sige na Kayesmile, ikaw na ang famous." nagtatampong wika ni Louise.
Binigyan ko siya nang malakas na halakhak at agad naman akong hinampas sa balikat.
Sige na Louise dahil napaka-brutal mo talaga. Nakakatuwa rin namang kasama ang girl na ito. Mahilig siyang kumanta at sumayaw na rin.
"Haha, alam mo Louise hindi ako famous sadyang maganda lang talaga ako." pang-aasar ko sa kanya dahilan upang nagtawanan ang mga classmates namin sa loob ng room na may kanya-kanyang mga routine sa buhay.
Narinig pala ng mga ito ang nonsense naming usapan, haha!
Kwentuhan doon, kwentuhan dito. Retouch ng make-up dito, retouch ng make-up doon, mga routine ng mga classmates ko but aside for that hindi naman sila maarte. Mahilig lang talaga silang mag-ayos.
Well-mannered ang mga students dito kaya no worries. Everything will be alright.
"Miss President and Miss Secretary, pumasok na nga kayo rito." nakakabaklang tawag sa amin ni Andy.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...