Chapter Forty-Five. The Next Step
Point Of View
Kayesmile Ayesha Garcia
Magkahawak-kamay kaming bumalik sa bahay ni Jillian. Sobrang basang basa kami sa ulan ni ugly face ko.
"Kailangan mong makabihis kaagad, dirty face. Mahirap na baka babalik na naman ang sakit mo kapag natuyo sa katawan mo ang suot mo." maalalang pahayag niya na halos kumunot ang noo nina Teddy at Jillian sa narinig.
"Architect, anong meron?" si Jillian na tinatanong at tinabig ako sa braso habang inaabot ang isang pares na damit.
"Long story. Maiwan ko muna kayo, Teddy, Jillian, magbibihis lang ako." at iniwanan ko na sila.
Sumunod si Gian sa akin kahit pinagbabantaan siya ng kamao ni Jillian.
"Uy, Kean saan ka pupunta?" naririnig kong tanong ni Jillian kay Gian ko.
"Magbibihis."
"Kailangan ba talagang sumunod kay architect? Teddy, pakisamahan mo nga ang lalaking ito."
Napangiti ako nang palihim. Alam ko namang hindi iaalis ni Gian ang mga tingin sa akin kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa mga ito.
--
Ssej Gian Mendoza
Hindi ko maipapaliwanag ang sayang bumabalot dito sa puso ko. I didn't expect this. Umuubra lahat ng plano ko. Lahat ng pinaghirapan ko ay nagbunga rin sa wakas.
Pagkatapos kong magbihis dito mismo sa sarili kong silid ay aakma na sana akong lumabas nang biglang pumasok si Teddy.
"Ayos ba ang acting ko, Doc. Montreal?"
"Pssh. Lower your voice at baka marinig ka ni Kayesmile. Kapag nangyari iyon, palpak ang lahat ng plano ko. Lumabas ka na nga." sita ko sa kaibigan ko ring doctor.
"Aba! baka nakalimutan mo may utang ka pa sa akin. Mahal ang talent fee ko, doc." at binilatan niya ako.
"Mahal ka riyan. Ang laki na nga ng kinikita mo. Bukas ng umaga ka na uuwi dahil may aasikasuhin pa si Jillian na kasama ang dirty face ko."
"Tse! Kung hindi ka lang lakas sa akin ay malabong makipagdeal ako sa plano mo. Oh siya, goodluck to your destination, bro." at tinapik niya ang balikat ko bago siya umalis.
Siya si Teodoro Evangelista, ang pinakamatalik kong kaibigan noon sa ibang bansa at isa rin sa magagaling na doctor na nakilala ko. Naging classmate ko rin siya. Marami na kaming pinagdaanan pareho. Mabuti na lamang at pumayag siya sa gusto ko.
Napakaganda ng acting niya kanina. Nakita ko kung paano umiba ang reaksyon sa mukha ni Kayesmile.
Was she expecting me? Joke, ang epal mo naman, Gian. Pero sobrang saya ko naman ngayon dahil nagkaayos na kami. Wala na yata akong mahihiling pa.
"Pinsan, lalabas ka pa ba o hindi na?" Bigla ba namang binuksan ni Jillian ang pinto.
"Lalabas na! Huwag ka na ngang magulo."
Lumabas na ako sa room at nagtungo sa kusina. Nandoon na si Kayesmile. Tumabi na ako sa kanya at nginitian ko siya.
"Ano nga ba ang buong storya ng lovelife ninyong dalawa, huh? Kanina parang stranger lang ito si Kean Jarvin sayo, Kaye. Anong nangyari?" ang kulit ng pinsan ko ano? Napakahusay din namang umakting, eh. Inirapan ko siya ng palihim at nakita niya iyon.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...