Chapter Twenty-Eight

695 51 3
                                    

Chapter Twenty-Eight. Ikaw Pala

Kayesmile Ayesha Garcia

Nakokonsensya ako sa ginagawa ko kanina kay Jules. I just sighed several times. Ang kukulit din naman niya kasi, eh. Sa lahat ng ayaw ko sa isang tao ay iyong palagi akong kinukulit kahit sinasabi ko nang ayoko na sa kanya.

Masisisi nyo ba ako? If he wants me to be her friend sure why not?

Pagkatapos ng klase ko sa mga pupils ko ay dumiretso na ako sa venue na sinasabi ni ugly face. The place looks elegant and the ambience was so good.

Hindi ko naman hinihiling sa kanya na dadalhin niya ako sa mamahaling lugar. Isang simpleng tagpuan lang ay sapat na sa akin.

Nasaan ba ako ngayon? I just want to laugh so loud but I just stopped myself. Nasa likod lang naman kami ng classroom namin, hehe.

I was so shocked for the decorations and designs he made to make this garden look more beautiful.

Yes, we're in the garden. Pero hindi basta-bastang garden lang. I was so amazed for the tarpaulin he made in which make my heart so glad in a billion times.

Happy First Monthsary KayeGian Couple.

Siya mismo ang nag-lettering nito at nilalagyan pa niya ng mga pictures naming dalawa. Hindi ko rin alam kung kasabwat ba niya sina kuya at Besshy Kyla lalong lalo na sina Louise at Andy.

Naka-arranged na rin ang mesa namin. The table was full of foods and I saw those three red roses, too. Hindi ko rin alam kung kasabwat ba niya ang dalawa kong pinsan na sina Nathalie at Lorraine.

"You like it, dirty face?" nakangiting tanong sa akin ni ugly face habang nilalapitan niya ako.

"Ang pangit, Gian ko." sabi kong hindi natatawa. I just waiting on his reaction.

Ngumuso lang siya at inalalayan akong umupo. When I sat down he whispered me on my ears. I smell the fragrance of his perfume, "Ganyan naman talaga ang ugali ng isang Kayesmile Ayesha Garcia, eh. Hindi marunong mag-appreciate sa effort ng iba. So, paano ba iyan? Uuwi na tayo?" pagkasabi niya ay kinurot niya ako sa pisngi ko dahilan upang mapasigaw ako.

Pinagtatawanan lang niya ako at umupo na rin siya. Magkaharap na kami, "Bakit, ikaw ba ang gumagawa niyan? Are you pretty sure?" nakakatawa kong tanong sa kanya.

"Hindi ako ang gumawa niyan, dirty face, hindi ako." at inirapan niya ako ng pagkabonggang-bonngga.

I found him so cute. Ang gwapo ni Gian ko kapag nakasimangot, hehe.

Tumayo na ako at nilapitan ko siya. Niyakap ko siya gamit ang mga braso ko sa leeg niya. "Gian ko, thank you for this wonderful night. Ang ganda ng pagkagawa. Pinasaya mo ako nang husto." and my tears falls down. Umabot din kami ng one month. Bihira na lang sa mga relasyon ngayon ang aabot ng isang buwan.

He hold my arms, "Kayesmile, wala akong dalang tissue. Bawal ang umiyak." sabi niya habang humarap na siya sa akin at pinunasan ang luha na nangingilid sa mga mata ko.

"Oo na, alam ko naman iyon. Don't worry, marami naman akong dala sa bag ko." maluha-luha kong saad.

"Tahan na. Ikaw talaga, oh. Huwag mong sisirain ang gabing ito, dirty face."

Humiwalay ako ng yakap sa kanya at may kinuha ako sa bag ko, "Gian ko, I love you and happy monthsary. This is my gift for you." sabay kong inabot sa kanya ang couple t-shirt na pinagawa ko.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now