Chapter Seventeen

1.2K 96 83
                                    

This chapter is dedicated to MsLegion hy2017YLA Hopboy10 bhebyzkie and to my nephew RenevieBenson Love Love

Chapter Seventeen. Ikaw Pala

Kayesmile Ayesha Garcia

Nasa bahay na rin ako sa wakas. Pagkatapos ng paghatid ni Gian ay umuwi na rin siya. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at kaharap ko ang almusal na inihanda ni Yaya Flora.

Maagang pumasok sa school si Kuya Chayll na hindi man lang niya sinagot ang mga queries ko regarding with Kyla kagabi sa hospital.

Na-i-text ko na rin sina Louise at Andy na absent ako today. Ang sabi kasi ni kuya at ni ugly face kanina ay kailangan ko lang ng pahinga.

Wrong timing naman ang panliligaw ni ugly face, oh. Pero salamat naman sa presence niya. Sobra talaga siyang nag-alala.

But my one query is, kaya ko na bang magmahal ulit? I'm afraid to be hurt again. I'm afraid na one day ay iiwanan na naman ako ng boyfriend dahil susulutin na naman.

That weird imagination nga naman. Pero huwag ka, Kayesmile dahil nangyari na iyon, hindi ba?

Pagkatapos kong kumain ng almusal ay agad kong tinawag si Yaya Flora at pumasok naman ito kaagad sa kwarto ko. She just wearing her sweet smile.

"Mahal kong alaga, may bisita ka sa labas." natutuwa pa niyang sambit sa akin, oh.

Yaya, nakakatunaw ang mga titig mong iyan.

"Who?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Your one and only ugly face, mahal kong alaga." sabi pa niya.

Huh?

Napaayos ako ng upo. Kakaalis pa nga lang niya, eh. Bahagya akong natigilan at napatingin sa salamin. I am still wearing my pajama and jacket pantulog. Wala akong balak magpalit ulit kasi nga naman ay matutulog pa ako, eh.

Dali-dali na akong tumalon mula sa kama. Pumasok ng banyo at nag-aayos sa sarili. Ano na naman ang ginawa niya rito? Pero infairness, I miss him. Hahaha, asa!

After I prepared mysel ay bumaba na ako at nagulat ako nang makita ko si ugly face na nakabihis pormal. Amazing, how elegant he is. Aakyat ba ng ligaw?

"Oh, what's brought you here?" pagsusuplada ko sa kanya pero gusto kong matawa sa sinabi ko.

"May nakalimutan kasi ako, dirty face." he replied while putting his two hands on his back.

"And what?" Hindi ko naman alam, eh. Ano na namang kalukuhan ito, Gian?

"Here..." At inabot niya sa akin ang supot ng pagkain. Oh my!

"Ugly face, ano ito?" tanong ko habang tinitingnan ang nasa loob ng supot.

Whoah! my favorite pizza pie with cheese flavor.

"Oh, hindi mo na naman nagugustuhan? Sige na, uuwi na ako." aakma na siyang tatalikod sa akin nang bigla ko na lang siyang niyayakap nang siyang ikinagulat niya.

"Kapag tataba ba ako ay magugustuhan mo pa rin ba ako?" bulong ko sa tainga niya pagkatapos humiwalay na ako ng yakap sa kanya.

He is blushing.

"Bibigyan ba kita ng pagkain kung hindi pa, Kayesmile?" pamimilosopo niya sa akin.

"Binili mo ba talaga ang mga ito, Gian?" curious ako. Napakamahal ng mga ito, eh.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now