Chapter Thirty- Seven. Keep on Fighting
Kayesmile Ayesha Garcia
Nanatili akong tulala habang nakikinig sa mga sinasabi ni Besshy Kyla. Lubos akong nagpapasalamat sa kanya dahil hindi niya ako iniiwan dito sa hospital. Who'd have thought na ang bestfriend ko pa rin ang nandito ngayon.
Bigla kong naalala si ugly face. Nasaan na kaya siya? Hindi na niya ako pinuntahan dito mula noong inilabas na ang bangkay ni Jules mula sa morque. Hindi ko man lang nasilip kahit sandali si Jules.
Gian ko, nasaan ka na? Wala ka na ba talagang pakialam sa akin?
Sobrang lungkot naman ng pasko namin. Kagabi sa christmas eve ay nandito sila sa room ko nagdidiwang ng pasko kasama ang mga taong nagmamahal sa akin. Si Gian lang talaga ang wala.
Merry Christmas to myself. Merry Christmas, Kayesmile Ayesha Aquino Garcia. Merry Christmas..
My tears suddenly falls down. Agad naman akong niyakap ni Besshy Kyla, "Kaye, huwag ka nang malungkot, okay? I'll try to reach Gian's number later. Ayokong nakikita kang umiiyak."
"Na-mi-miss ko na kasi si ugly face ko, Ky. Wala na ba talaga siyang balak bisitahin ako rito?" punong-puno ng pagtatampo ang tanong ko na iyon.
Yes, naiintindihan ko ang sitwasyon niya ngayon. Nasa lamay siya sa pagkamatay ng kuya niya. Pero I know him, hindi niya natitiis kapag hindi niya ako nakikita.
Kung pwede lang tumayo at puntahan ko siya ay gagawin ko. Pero nasa stage of recovery pa ako mula sa aksidente.
"Ky, gusto kong puntahan si Gian sa bahay nila." I said.
"Besshy, mahihirapan ka pa. Hintayin na lang natin kung ano ang magiging desisyon ng doctor." Kyla said in a mahinahon voice.
"Si Kuya Chayll, nasaan siya?" Oo nga naman, eh, kanina ko pa gustong itanong kung nasaan ang kuya ko.
"Papasukin mo ako, Chayll!"
Huh?
Kapwa kaming nagkatinginan ni Besshy Kyla nang marinig ang may-ari ng boses na iyon.
"Hindi nga talaga puwede, Doc. Sam." narinig kong sabi ng kuya ko.
Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Tita Sam na nagpumilit pumasok ngunit hinarangan ni kuya.
"Kuya, papasukin mo siya." sabi ko kay Kuya Chayll. He obeyed me kung kaya't nakalapit sa akin si Tita Sam.
"Tita--" naputol na ang sasabihin ko when she interrupted me.
Tita Sam's eyes has that blank emotions. She's in anger and she doesn't smile at me. She stared at me from head to toe.
"Kung hindi dahil sayo hindi mamamatay ang anak ko. How stupid are you, Kayesmile!" bulyaw niya sa akin nang siyang ikinagulat ko.
Ako ang sinisisi niya sa nangyari?
Agad akong hinawakan ni Besshy Kyla. Inihanda niya ang sarili niya para sa akin baka kung ano pa ang gagawin ni Tita Sam.
Hindi rin nagpapahuli si Kuya Chayll na nasa may likuran siya ni tita.
"Tita, aksidente iyon. Hindi namin iyon sinasadya." pagtatanggol ko sa sarili ko. Bakit ako ang sinisisi ninyo?
"Inagawan mo siya ng manibela kung kaya't nabangga kayo! How dare you to do that?" nanlilisik ang mga mata ni Tita Sam kulang na lang ay lalamunin niya akong buhay.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...