This chapter is dedicated to millannie_27 DianaMargarethIlaw flornil524
Chapter Eighteen. Kyla and Kaye
Kayesmile Ayesha Garcia
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa relationship namin ni Gian. Feeling ko ay parang kahapon lang kami nagkakilala. Feeling ko ay siya pa rin iyong lalaking bumato sa akin ng manggang hilaw.
Nasa cafeteria ako ng school ngayon at kasama ko sina Louise and Andy. Ang iingay nilang dalawa na daig pa ang susugod sa isang rambulan.
These past few days ay napapansin kong mas lalo akong naging matakaw. Therefore, hindi ko nilalantakan ang pagkaing nasa mesa namin ngayon.
Si Gian naman ay may klase pa siya sa Agriculture building kaya hindi namin siya nakakasama ngayon dito. Namimiss ko na siya kaagad. I missed my uglyface.
Todo tuksuhan sina Louise at Andy sa akin when they both noticed my smiling face and kumikislap na mga mata. Hence, alam na nila ang tungkol sa amin ni Gian. Oh siya, sila na ang nakilig nang husto.
Napailing lang ako habang tahimik na nakikinig sa harutan ng dalawa nang mapansin ko si Kuya Chayll na may dala-dalang tatlong fudge bar.
Bigla kong naalala si Kyla. I knew that girl, she really loves to eat chocolate flavor. Nilalampasan lang ako ni kuya at mukhang hindi niya ako nakita.
"Louise, Andy, babalik lang ako." pamamaalam ko sa dalawa.
Tumango naman sila at hindi na nagtatanong pa.
Sinundan ko si Kuya Chayll. Wait, saan siya pupunta? I just noticed na nasa park na pala ako ng school sa kakasunod sa kanya. Nagkubli kaagad ako sa isang puno. May ginagawa bang hindi tama si kuya na hindi ko nalalaman?
Tama ba ang nakikita ko? Napalunok ako sa kinatatayuan at hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanila. My Kuya Chayll and ex bestfriend Kyla back in each other's arm? Or, ako lang ang nag-iisip na nagkakabalikan na sila. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung gaano sila kasweet sa isa't isa. Kailan lang naging sila ulit?
No!
Mali yata ang iniisip ko, eh. But what's the meaning of this?
Ang daya mo, Kuya Chayll. Hindi mo sinabi sa akin na palihim kayong nagkikita ni Kyla.
Dali-dali na akong lumabas sa pinagtaguan ko nang may mga kamay na humila sa akin.
"Anong ginagawa mo rito, Kayesmile?"
"Jules?" Kinakabahan kong sambit sa pangalan niya.
Paano niya ako nakita rito? Kanina pa ba siya sa likuran ko?
Agad akong dumistansya sa kanya baka ano pang gagawin niya sa akin. Nagulat talaga ako nang makita ko siya.
To described him, I can noticed na matamlay siya at hindi katulad noong isang araw na tila nakadrugs siya, mapwersa at galit na galit sa akin.
"Kung lumapit ka lang sa akin upang kaladkarin na naman ako, better back off." I said.
Umiling lang siya. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Pumayat nga pala siya at hula ko ay hindi natutulog sa tamang oras.
"Hindi ko gagawin iyon, Kayesmile. I'm sorry sa nangyari last time. Hindi ko sinasadya iyon, sadyang wala lang talaga ako sa mood sa time na iyon." Katwiran niya.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...