Chapter Twenty

1K 83 51
                                    

Chapter Twenty. Missing His Younger Brother

Keith Jules Montreal

Nagising ako na masakit ang ulo ko. I just stood up and get my towel. I need to take a bath first before I will proceed in the kitchen.

Nasa loob na ako ng banyo nang bigla kong naaalala ang mga magagandang ngiti ng ex girlfriend kong si Kayesmile.

She looks very beautiful. Naalala ko ang mga magagandang ngiti niya noong kami pa. Ang mga ngiting sinayang ko lang sa loob ng dalawang taong relasyon namin.

After 799315 years ay lumabas na ako ng banyo at pumasok ulit sa silid ko. Tinitingnan ko sa salamin ang bawat anggulo ng mga pasa ko sa mukha.

Ang mga suntok ni Chayll noong nasa clinic pa ako, ang mga suntok din ng bagong boyfriend ni Kayesmile, ang Gian na iyon.

Gusto ko silang paghigantihan sa mga ginawa nila sa akin pero may mga mali rin ako. Mga maling siyang naging dahilan upang maitama ko ito.

Wala na si Kyla sa tabi at sa puso ko ngayon. Nasaktan ko siya sa mga panahong magulo ang isip ko nang dahil lang din sa walang kwenta kong ina. Lahat nawala na sa akin, eh.

Lahat nawala na.  Si Kayesmile, si Chayll,  at si Kyla nang dahil lang sa hanggang ngayon mahal pa rin ni mama ang nawawala kong kapatid na kailanma'y isang sekreto na hindi ko sinasabi kahit kanino.

Hindi ko matatanggap iyon. Dapat ako lang ang mamahalin ng mama ko. Nadamay ang lahat ng mga taong mahal ko nang dahil lang sa nagpapadala ako sa inggit.

Flashback

Bumungad sa harapan ko ang walang tigil sa kakaiyak ang nag-iisa kong ina, si Samantha Montreal. A doctor, dedicated, smart, rich woman, kindhearted one na nakilala ko. Pero look at her now, suffering her own self while holding the baby picture of my long lost brother.

"Ma, tahan na po kayo." I comfort her because I don't want to see her crying like these now. But she got very angry to me.

"Tumahimik ka! Wala kang silbing anak. Wala kang magandang naidudulot sa pamilya simula nang mamatay ang papa mo. At simula nang mawala ang kapatid mo, ni achievements sa school wala man lang? Kung nandito pa lang ang kapatid mo ngayon  marahil, siya ang magpapatuloy sa yapak ng iyong ama." Nakasigaw na saad ng mama ko.

It really hurts. Lahat ginawa ko naman, ah. Pero anong ginawa ninyo, ma? Hindi ka man lang naging proud sa akin.

Oo nga, nasa sa akin na lahat. Basketball player, deanslister, sikat sa university, mabait na anak. Pero I never experienced her love to me.

Ang gusto niya lang na uuwi ako ng mansyon namin na may dalang maraming pera. Businessman ang papa ko. Sinunod ko naman ang course na gusto ninyo ma, hindi ba?

Huwag ninyong ipamukha sa akin na wala akong achievements na nagawa, Ma. Dahil kung tutuusin ay marami. Ang pagkakamali ko lang sa buhay ko ay ang saktan ang babaeng minahal ko.

Hindi naman ako tumitigil sa kakahanap ni Kean, eh. Dahil mahal ko ang kapatid ko. Wala akong pakialam kung si Kean ang mas mahal ninyo pero masakit pa rin, eh. Dapat nga matuwa ka, Ma dahil hindi ako kagaya mong selfish.

Hindi ko na sinagot si mama. Luhaan ko siyang iniwan. Ang sakit nga, eh. Iyong tipong nasa tabi ka nga niya ngunit iba naman ang hinahanap niya.

Sa mga sumunod na araw ay palagi pa rin na ganoon si mama. Pagkagaling sa hospital ay halos hindi ako kinikibo. Walang ibang laman ng bibig niya kundi si Kean nang Kean. Naiinis na ako kung kaya't nilabanan ko siya.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now