Chapter Thirty-Six. Choices
Kayesmile Ayesha Garcia
Tumulo ang luha ko sa narinig. Agad akong napayakap kay ugly face na ngayon hindi pa rin umaalis sa kakayakap sa akin.
Narinig ko ang mga hikbi niya, ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya rito sa suot ko.
Kakagising ko lang mula sa kakatulog. Hindi ko alam kung ilang oras akong natutulog.
Agad akong napapikit muli at biglang isa-isang nanumbalik sa isipan ko ang nangyari.
Magkasama kami ni Jules sa loob ng sasakyan. Pilit kong inagaw sa kanya ang manibela kung kaya't nabangga kami. I opened my eyes at namalayan ko na lang na nakatingin na sa akin si ugly face ko.
I don't know if where I want to start. Napalunok ako nang makita ko ang sarili kong nakahiga rito sa kama habang naka-dextrose ang kaliwa kong kamay.
Iginawi ko ang mga mata sa paligid. I'm here in the hospital. Halos napaigtad pa ako nang maramdaman ko ang sakit ng likod ko.
"Besshy, tulog ka sa loob ng 72 hours kaya nararamdaman mo iyan." mahina na sabi ni Kyla habang pinunasan ang mga luhang nasa mga mata niya.
Hindi ako makatingin ng diretso kay Gian ngayon. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari.
"Gian, I'm sorry." iyon na lamang ang nasabi ko. I don't want this happen. Sino ba ang may gustong mangyari ito?
"Wala ka namang kasalanan, Kayesmile. Hindi mo ginusto ang nangyari. Kung mayroon man na dapat sisihin dito ay ang kuya ko. Pero wala na siya." hindi ko alam kung paano ko siya susuyuin. Ni hindi nga ako makagalaw sa hinigaan ko. I want to comport him but I can't.
"Gian, it's sad to know that. Condolence." I heard Kyla said it.
Nararamdaman ko ang pagpisil ni Gian sa mga kamay ko. Nanlalamig siya at tila nawawalan sa sarili.
"Ugly face, tahan na. I want to see him." sabi ko. I want to see Jules now. I want to say sorry to him.
"Don't you worry about me, Kayesmile. Kaya ko ang sarili ko. Ang mahalaga ay gising ka na." sabi niya at dahan-dahang nililingon si Kyla. "Ky, huwag mong iwan dito si Kaye kailangan ko lang samahan si mama." Gian said na agad na tumayo at hindi na nagpapaalam sa akin.
"Gian?" I call him pero tila hindi niya ako naririnig. Dire-diretso na siyang umalis.
Agad akong nilapitan ni Kyla at hinawakan sa kamay, "Maayos din ang lahat, besshy."
"Ky, mukhang galit si Gian sa akin. Mukhang---"
"Psst, hayaan muna natin si Gian ngayon, Kaye. Magulo pa ang isip niya sa ngayon." inawat ako ni Besshy Kyla. Pero hindi pa rin mawawala sa isip ko ang katotohanang wala na si Jules.
--
Ssej Gian Mendoza
Hindi ko kayang pumasok sa loob sa ngayon. Hindi ko kayang makita ang malamig na bangkay ng kuya ko. Ayoko ring makita ang mama ko na walang tigil sa kakaiyak.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...