Chapter Nineteen

896 79 26
                                    

Chapter Nineteen. Chayll and Kyla again

Chayll Dominic A. Garcia

I'm wide awake. Isang bagong umaga para sa amin ng honey ko, si Kyla. Tumayo na ako at iniligpit ang kamang hinigaan. I strecth my arms, and drink a plenty of water.

Kailangan kong sunduin si honey ngayon sa bahay nila. Total, si Kayesmile ay may bago na siyang tagasundo, si Gian. Dati-rati ay binibaby ko pa si Kayesmile, eh. But she grew up as a beautiful lady.

I knew that I felt jealous everytime na nakikipaglambingan ito kay Gian. Sino ba namang hindi makakamiss sa isang Kayesmile na walang ibang alam kundi ang kumain nang kumain.

I suddenly stopped on my thoughts nang maalala kong wala sa mood makipag-usap sa akin si Kayesmile. Gaya na lang ng ginawa niya kagabi. Ni hindi man lang niya ako kinakausap ng maayos.

Alam ko na nagtatampo siya sapagkat hindi niya matanggap na naging kami na ulit ni Kyla.

Flashback

Nasa date ang kapatid kong si Kaye kaya nagdesisyon na akong hindi na siya susunduin sa school. So, inaayos ko na lang ang mga gamit ko rito sa office at maya't maya ay uuwi na rin ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit, when I remember my assignment na naiwan pala sa locker ko. Pambihira naman, oh.

Lumabas na ako sa office at paharurut na pinatakbo ang kotse patungo sa school.

After I parked my car, bumaba na ako at humakbang patungo sa room ko when somebody caught my attention.

"Guard, anong problema?" Maang na tanong ko sa guwardiya na pinapaalis na ang mga nag-uumpukang mga estudyante.

"Si Jules Montreal po kasi ay nagwawala na naman. Kinaladkad niya kasi kapatid mo, Chayll. Mabuti na lamang at dumating si Gian, iyong transfery." kalmadong sagot ng gwardiya sa akin.

Napasinghap ako ng wala sa oras. Walang hiya talaga ang Jules na ito, oh!

"Sige po, guard. Salamat." At umalis na ako roon.

Kung may masama lang na nangyari sa kapatid ko, Jules humanda ka talaga. Ano na naman kayang pakay niya sa kapatid ko?

Eksaktong padaan ako ng clinic room nang mapansin ng mga mata ko si Jules. Ginamot siya ng mga iilang nurses dito sa school. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Agad akong pumasok sa clinic at sinunggaban siya sa mukha.

"Chayll Dominic, ano ba!" sita ng isang nurse sa akin dahilan upang mapatigil ako.

Nakita ko kung paano pinunasan ni Jules ang pisngi niya gamit ang palad niya.

"Ano pang hinihintay mo, former bestfriend? Patayin mo na lang ako, Chayll." sabi niyang nangingiwi sa sakit ng pisngi niya habang hinahawakan siya ng isang nurse.

Tinitingnan ko lang siya. Gusto ko siyang murahin nang murahin pero hindi ko magawa. Kaibigan ko pa rin siya. Bumuga na lang ako ng hangin sa kawalan.

"Tigilan mo ang kapatid ko habang nakapagpigil pa ako sa sarili ko." paasik na wika ko sa kanya matapos ko siyang bigyan ng death glare look.

Umalma siya at napangiti ng bahagya, " I want to win her back, Chayll. I'd still love her." He said in a lower voice. He said with his pity words.

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Ganoon-ganoon lang? Matapos niyang saktan ang kapatid ko, ako, heto na naman siya? Sasabihing mahal pa niya ang kapatid ko?

"Your late." sabi ko at tuluyan na akong umalis ng room.

May kaunting awa pa ang natitira sa puso ko, Jules. Kung bakit ba naman kasi umabot pa sa ganito, eh.

Patungo na ako sa locker ko when I heard someone crying infront of my locker, I can sense it. Pambihira, puntod ba ang hitsura ng locker ko upang iyakan?

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ng locker ko when I noticed a girl who standing infront of it.

"Chayll, I'm so sorry. I'm so sorry kung naging tanga at nagbulag-bulagan ako. I'm sorry kung tinamaan ako ng karma. Hindi ko na kasi kaya ang mga pananakit ni Jules sa akin, eh. At ang pinakamasaklap pa ay mahal pa niya ang kapatid mo. Patawarin mo ako, Chayll. Hindi ko hihilingin na mahalin mo ako ulit pero umaasa ako na balang araw, mapapatawad mo ako. Kung pagmamahal nga lang ang pag-uusapan ay hindi naman nawawala iyon sa puso ko, eh. Siguro, nadala lang ako sa tukso noon. Madalas kang wala kasi nasa partime job ka. Tapos, sina Jules at Kayesmile lang ang nakakasama ko. Minsan naman, mas nakakasama ko si Jules noon dahil naging busy si Kayesmile sa training and rehearsals niya noong sumabak siya sa Miss Ascott University. Chayll, I'm so sorry. Sobrang nahihiya ako sa iyo ngayon, alam mo ba iyon? Sobrang lungkot ko sapagkat ay wala ng nagmamahal sa akin, Chayll. Si Kayesmile, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako mapapatawad. Pero umaasa ako na maging matalik na magkaibigan kami ulit ni besshy ko." Kyla talked to my locker so sincere and she is still crying.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinasabi niya. Halos pipigain ang puso ko sa sobrang awa sa kanya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong ipamukha sa kanya na naririto pa ako na handang magmahal sa kanya ulit sa pangalawang pagkakataon.

"Alam kong magkaibigan kayo ni Jules. Ni hindi ko talaga alam kung bakit nagbabago siya. Ngayon naman bumabait siya. Hindi ko alam kung may problema ba siya. I want to help him pero ayaw niya. Sana, magkakaayos na kayong dalawa. Saka ko na lang aasikasuhin ang sa amin ni Besshy ko." sabi pa niya habang nakaharap sa locker ko.

Wala ba talaga siyang balak humarap? Maamuin pa rin ang puso mo, Kyla. I saluted you dahil hindi ka nawawalan ng pag-asa at syempre, inaamin mo ang nagawa mong pagkakamali.

"Sa susunod kapag nangungumpisal ka ay sisiguraduhin mo namang walang makakarinig sayo, Miss Kyla Janah Villar. Paano ba iyan, nahuli kita." nakangiti ako habang kinakausap siya pero nakatalikod pa rin siya. Matagal na kitang pinatawad, Kyla.

Matagal bago siya humarap sa akin. Matagal bago siya sumagot. When she faced me ay nakikita ko ang pamumula ng mukha niya at ang katotohanang gulat na gulat siya nang matunghayan ako.

"C-chayll?" halos mauutal-utal pa siya sa kakabigkas ng pangalan ko.

Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagmumula ng mga pisngi niya. I couldn't stop myself. I suddenly hugged her so tight. Embrace her because I miss her so much.

"I'd still love you, honey. Kahit sabihin mo pang nahihiya ka sa akin ngayon, wala akong pakialam. At iyong sinabi mong hindi ka na aasa na mamahalin pa kita? Dapat umasa ka, dahil pagkatapos ng lahat ng ito, I want to marry you." seryoso kong saad sa kanya. I found happiness in her eyes. She hugged me, too.

"Chayll, I'm so so--"

"Please be mine, again." sabi ko when I touched her hair with my hand.

Ngumiti siya at pinunasan ko ang mga luhang nasa mga mata niya. I want to see you smile all over again and again, Kyla. Maaayos natin, ito.

End of Flashback

Kaya, this is our second chance. To be in each others arms again is one of my wish. God let me celebrate this happiness now.

Pagkatapos kong maligo, I go to in the kitchen. Pero hindi ko na naabutan ang kapatid ko.

"Yaya, si Kaye po?" tanong ko kay Yaya Flora na kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggan.

Binalingan lang ako, " Maagang pumasok sa school. May exam daw siya sa mga pupils niya. Kailangan niyang hindi ma-late." at pagkatapos noon ay ibinalik ulit ang atensyon sa paghuhugas ng pinggan.

"Yaya, pati ba naman ikaw?" Nasesense ko ang atmosphere rito sa bahay.

Pati ba naman si yaya na tumatayo na naming nanay ni Kaye ay sobrang cold na.

"Chayll, ayokong mag-aaway kayo ng kapatid mo. Ayusin mo iyan bago pa lumala. You should fix it bago pa ito makarating sa mama at papa mo sa States." Iyon na lamang ang huling sinabi ni yaya at umalis na siya sa kusina.

Nakakawala naman ng ganang kumain, oh. Bakit ba napaka-bitter ng mga tao ngayon?

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now