Chapter Thirty-Four. Two Essential Persons in life
Point of View
Ssej Gian Mendoza
Pagpasok ko sa Intensive Care Unit o ICU ay agad na bumungad sa akin ang sitwasyon ng kapatid ko. Napasandal lang ako saglit sa pintuan at dahan-dahan ko siyang nilapitan.
I was captured by doubt. First, marami siyang atraso sa akin. Second, siya ang naging dahilan kung bakit nasa hospital din ang dirty face ko. Third, he is my brother.
Balot na balot ako dahil hindi pwedeng hindi magsusuot ng lab gown at mask na nakatakip sa bibig.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang sitwasyon ni Jules, ang kuya ko. Naramdaman ng puso ko ang hapdi at kirot nito. I can't take this seeing him like these. That feeling na iniisip ko na ako na lang ang nakahiga at siya itong nakatayo.
Punong-puno ng bendahe ang kanyang katawan. Maraming mga natatamong galos at sugat. Naawa ako sa kanya habang pinagmamasdan siya na nakapikit at walang malay.
Hindi ko maiwasang hindi maigala ang mga mata sa paligid.
Maraming machines na nakakabit sa kanya. May ventilator, CPAP/APAP System, patient monitor, infusion pump, syringe pump, blood warmer, defibrillator, and ECG machine.Ang gwapo mo kapag nakapikit, Kuya Jules. Ang sama mo naman kapag nakadilat ka.
When I stared on his handsome face, I got to recognized na parang nakita ko na siya noon pero hindi ko alam kung saan. Kaya pala ganoon na lang ang nararamdaman ko dahil kuya ko pala siya.
"Jules, alam kong naririnig mo ako ngayon. Lumaban ka para kay mama. Sa totoo lang gusto kong sabihin sayo na ito na ang karma sa lahat ng ginawa mo sa akin at kay Kayesmile. Gusto kitang pahirapan hanggang sa mamatay ka na pero hindi ko magawa. Alam mo kung bakit? Dahil ang lalaking pilit agawin sa akin si Kayesmile ay ang lalaking kapatid ko. Sa ngayon ay hindi pa kita mapapatawad pero umaasa akong lalabanan mo ang lahat ng ito. Kuya pa rin kita, Kuya Jules." mahaba-habang sabi ko habang nakatitig sa kanya.
Damn! Bakit ang sakit na makita ko siyang nagkakaganito? Ngayon pa na mabubuo na sana kami?
"Matapang ka, hindi ba? Ngayon mo ipakita ang tapang mo, kuya. Gumising ka. Kapag nagawa mo iyon ay papatawarin kita." pakiusap ko sa kanya. Pero tanging ang tunog lang ng mga machines ang naririnig ko.
Pinunasan ko ang mga luhang namumuo na sa mga mata ko. Agad kong sinulyapan ang suot kong relo. Malapit na ang apat na oras na binigay ng doctor. Pero until now ay hindi pa rin nagigising si Jules.
No! Mabubuhay pa siya! He won't die.
Aakma na sana akong tatalikod nang mapansin kong gumagalaw ang isang daliri ni Kuya Jules.
Natataranta ako sa nasaksihan. Bumabalot ang saya sa loob ng puso ko. Agad akong lumabas ng room at tinatawag ang doctor na umaasikaso kay kuya.
Ilang sandali pa ay agad nang nagkagulo sa loob ng ICU kung saan naroroon na ang mga doctors at nurses. Hindi ako mapalagay sa kinatatayuan ko.
Dumating na rin si mama at nasa tabi ko siya ngayon. Hinihintay namin ang paglabas ng mga doctor.
Habang wala ako sa sariling naghihintay ay agad na pumasok sa isip ko si dirty face.
Gising na kaya siya? Okay na kaya ang Kayesmile ko? Lord, huwag mong pababayaan ang mahal kong si dirty face. Hindi ko rin maiiwanang mag-isa ang mama ko. Mas kailangan ako ni mama ngayon. Mas kailangan nila ako ni Kuya Jules.
--
Chayll Dominic Garcia
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang kapatid ko. She's not in a critical condition kaya nailipat na siya ng room.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...