Chapter Forty-Three. Two Hearts Meet Again
Point Of View
Kayesmile Ayesha Garcia
Hindi man ako ang bride pero naiiyak ako ngayon habang pinagmamasdan si Besshy Kyla na ikinasal na kay Kuya Chayll. Yes, kasal na nila ngayon at nasa loob kami ng simbahan.
Ang ganda-ganda ni Kyla sa suot niyang bridal gown at si kuya sa barong tagalog niya.
Awtomatiko kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang dala-dala kong tissue. Bakas sa mukha ni kuya at Besshy ang tuwa. Ang mga luha na namutawi sa mga mata nila ay hindi ko talaga inaasahan. But, it's normal naman na kapag ikakasal ang isang tao ay iiyak ito sa tuwa.
Aabot kaya ako sa ganito? Ikakasal din kaya ako?
Pumainlang ang kanta ni Bryan Adams na Heaven. Ang ganda ng kanta na napili nila.
"Kaye, umiiyak ka ba?" napansin pala ni Louise ang pagluha ng mga mata ko.
Speaking of this girl ay matagumpay na siya na teacher ngayon. She's still single and available. Hindi rin pala sila nagkatuluyan ni Andy. Si Andy naman ay nag-migrate sa Canada.
"Ah, natutuwa lang ako para sa kuya at sa kaibigan ko, Louise." sabi ko sa kanya. Yes, I am happy dahil kinuha pa nila akong maid of honor sa kasal nila.
"Yes, ang saya-saya nga nilang tingnan, eh. Hindi ka ba naiinggit sa besshy mo?" biglang tanong sa akin ni Louise.
"Of course not, Louise. Masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon. Besides, mukhang ayoko nang magkakaroon pa ng lovelife. Dagdag purhesyo lang." I ended our conversation and bumalik na ang atensyon ko sa ikinasal.
The ceremony has been ended. Tumayo na kaming lahat upang makapagkuha ng mga pictures sa ikakasal.
It could took one hour for that said photoshoot. Hindi ko alam kong nakangiti ba ako sa mga kuha na pictures ng photographer.
"Congratulations, Kuya Chayll and Kyla." magiliw na pagbati ko sa kanila.
"Salamat, besshy." narinig kong pakli ni Besshy Kyla.
"Salamat, Kaye." nakangiting tugon sa akin ni kuya.
Dahil lalabas na sila ng simbahan ay humanap na rin ako nang way papalabas. Ang dami kasing tao, eh. Hindi ko na tuloy nakikita ang mama at papa ko.
Yes, nandito sila. Dumating sila kagabi dahil nakahabol pa sila sa flight patungo rito sa Pilipinas. Namiss ko na rin kasi si Papa Rafael Angelo at Mama Elaine Shereyl.
Papalabas na ako ng simbahan nang biglang tumama sa mukha ko ang boquet of flowers na inihagis papatalikod ni Besshy Kyla.
Huh?
Oh my god! Bakit sa akin pa ito napunta?
"Ikaw ang isusunod na ikakasal, besshy." nakangiting sabi sa akin ni besshy bago siya pumasok sa bridal car nila ni kuya.
Hindi kaagad ako nakasagot. Napatitig na lang ako sa boquet of flowers na nasa mga kamay ko. Hinawakan ko na lang ng tuluyan, eh.
Narinig ko ang kantiyawan ng mga naroon. Abot-tainga ang ngiti ni Louise sa akin maging sina Nathalie, Lorraine, yaya, Lola Ayesha, Mama Elaine at Papa Angelo.
Nanatili akong nakatitig sa boquet. Napalunok at pinamulahan ako ng pisngi.
Hindi ako maniniwala sa mga sabi-sabi na iyon. Nangyayari lang naman iyon sa mga pelikula, eh.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...