Chapter Eight. The Voice
Kayesmile Ayesha A. Garcia
I suddenly opened my eyes and was so shocked while looking the ambiance, I'm here in my room. Wait, nasa Manila na po ba ako? I started to moved nang maramdaman ko ang sakit ng pwet ko. What the heck!
I just holding my forehead. Naramdaman kong nahihirapan akong huminga. Anong nangyayari?
"Kayesmile." Si ugly face na kakapasok pa lang sa pintuan ng room ko. I just came to recognized na nasa mansyon na pala ako.
"Gian, I can't breath." agad kong sabi sa kanya habang hawak-hawak ko ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagkaganito. Maayos naman ako kanina.
Agad siyang tumakbo palabas at ilang sandali pa ay bumalik na siya na may dala-dalang isang baso ng tubig. Agad niya akong nilapitan at tinulungang makabangon.
"Inumin mo ito." aniya.
I feel so safe and stared him for a while saka ako humiga ulit pagkatapos uminom ng tubig. Nararamdaman kong humihinga na ako nang maluwag.
Agad na ipinatong ni Gian ang baso sa maliit na mesa na malapit sa gawi niya, "Ayos ka na ba?" tanong niya na may halong pag-aalala sa mukha niya.
He hold my hand dahilan upang mapatingin ako sa kamay niya. Agad naman niyang binitiwan ang kamay ko nang mapansing nakatingin ako roon.
"Ano ba ang nangyari, ugly face?" tanong ko sa kanya ngunit napailing lamang siya.
Kinindatan niya lang ako at binigyan ng napakapilyong ngiti habang nakatuon ang mga magaganda niyang mata sa damit ko.
Huh?
Napatutop ako sa bibig ko at biglang pumasok sa eskinita ng utak ko ang nangyari kanina.
Flashback
Hinahabol ako ni Gian. Kailangan kong magtago baka kapag nahuli niya ako ay lalamunin niya akong buhay.
Nang makarating na ako sa isang puno ay agad akong nagkubli ngunit sa kasawiang palad ay may naapakan akong maliit na bagay kung kaya't pabagsak akong nahulog sa may putikan sa baba.
"Aaaah!"
Sumalubong sa mukha ko ang putik na dumikit agad sa damit ko. Aray ko, ang sakit ng pwet ko. Namilipit ako sa sakit at amoy na amoy ko ang napakabahong putik na ito.
Kahit pa man nahihirapan akong umahon ay nagbabasakali pa rin akong maialis ang sariling katawan sa putikan but I can't.
"Gian...help..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Sana maririnig niya ako.
End of Flashback
"May sakit ka ba?" Gian directly asked me.
Napalunok lang ako at diretsong tumingin sa kanya, "Nope. Why should I? Siguro, I'm tired."
"Siyanga pala, bakit mo ako ipinagtanggol kanina? Nagawa mong magsalita kahit na galit na galit si Mama Ayesha? Ibang klase ka nga talaga." dagdag pa niya habang iniikot ang mga mata niya.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...